8/8/14

may mga tao talagang sadyang saksakan at baril-barilan ng kapal ng mukha. matagal hindi makikipag catch up sakin tapos biglang magmemessage out of nowhere dahil may tatanungin, o kaya mangungutang, o kaya ipapaalala sakin yung chocolate nila? wow ha? hahahhahaha

hindi naman ako madamot. sobrang mapagbigay ko nga e manang mana ko sa nanay ko hahahahahaha my mom is kind and generous to everyone (yes, EVERYONE) pati sa mga taong hindi naman kind at generous sa kanya. sa sobrang kind nya inaabuso sya ng mga tao and she's still too kind to tolerate that. pero wala pa ko sa ganung point hahahaha naiinis lang ako kasi simula nung nakapunta ko dito sa states, may mga tao / kaibigan na lumalapit at nakikipagusap lang sakin kapag may kailangan.

mas gusto ko pang bigyan yung mga taong hindi ko palaging nakakausap pero kapag nagusap kami ulit kakamustahin ako, magtatanong tungkol sakin o iuupdate ako ng mga bago sa buhay nya. hindi yung mga puro hingi hingi! hindi na lang maghintay na bigyan sila! feeling ko tuloy nagiging minda jr. na talaga ko. paboritong hingian ng bayan? hahahahahahaha