5/4/14

naisip kong buksan yung google + account ko at hindi inaasahang nakita ko dun lahat ng photos na inupload ko sa mga blogs (blogger) ko simula 2007 hahahahaha!! tangina! hindi ko alam kung paano sya automatic na naintegrate dun pero tangina talaga hahahahahahahaha goosebumps!

sa totoo lang, hirap na hirap nga akong iclick yung thumbnail nung ibang throwback pictures dun e hahaha masyadong nakakababa ng moral! yun din yung rason kung bakit ayokong nagbabackread ng blogs. kasi kapag nakikita ko yung mga lumang posts ko narerealize ko na ang corny ko pala hahaha

nakakatawa lang kasi habang brinobrowse ko yung buong photo gallery na siguro may 2000 photos, yung iba dun nakalimutan ko na talaga! haha pero nung nakita ko sila, biglang nagflashback ulit yung mga happenings noon~ friendster days, lame photo manipulations, online games and friends, cutting classes days, arcades, high school friends, batman bag, inuman sessions with charism, olfu friends, mga lalakeng nalink sakin (na hindi ko talaga alam kung paano ko nagustuhan dati e  ang papangit naman nila at di rin naman maganda yung ugali nila, pero buti na lang talaga wala akong sinagot ni isa sa kanila ahahaha), crazy things i did with bffes (nung panahon na wala pang issue at sobrang mahal pa namin ang isa't isa haha), some kpop, cosplay cons, my very own political views (yun yung time na nagfafangirl pa ko kay chiz at pangarap ko din pasukin ang mundo ng politika hahahahah!), self-portraits (hindi pa uso ang word na selfie noon, pero nagseselfie na ko hahaha), all the blog layouts i designed, ap mf days on league of legends (season 1 haha), how i became a cyborg, landian days with wearvin (minamind fuck lang namin yung lol friends namin dati pero nauwi din sa totohanan ang lahat hahaha), and so much more! :D

narealize ko lang na sobrang layo ng pinagbago ko. yung akala ko noon, mature na ko sa lagay na yon, pero kung iisipin ko ngayon, ang baduy ko pala dati :( hahahahahaha pero ok lang. masaya naman ako sa kung anong meron ako at kung paano ko magisip ngayon. feeling ko dahil din sa mga kacornihan ko noon naiinspire ako maging less corny ngayon hahahaha ok tama na to. bye