8/11/13

RAMPAGE 2013

...was the worst online game event i've ever attended.

pumila ko around 11 am kasama ko sila alex, pee at freakz at yung tatlo pang friends nila. tapos around 12:30 pm may nagroronda na representative announcer sabi sa megaphone balik na lang daw ng 4 pm kasi naubusan ng ticket pero may mabibili pa ring merch until 9 pm (seriously?) nagalisan na yung iba sa pila pero kami nagstay pa rin. ilang oras na lang naman kaming maghihintay. makakapasok din yan tiwala lang. hahaha pero nung 2 pm lumabas ulit yung announcer at sinabing wala na daw irerelease na tickets! ayun medyo nawalan na ko ng pagasa sa rampage kaya umalis na kami nung 2 pm. tapos bandang 6 pm nagtext sakin yung kakilala ko, sabi nakapasok daw sila kasi nagbenta pa ng tickets!! like wtf?

given na nga na nagfail yung event nila, tapos dinagdagan pa nila ng mali maling announcement. ang daming umasa.

hindi naman ako basher. pero para sakin, mali talaga yung organizers ng event na yun. sana nilagay na lang nila sa napakaraming advertisements nila na limited yung tickets na ilalabas nila. o kaya sana nagresearch na lang sila kung gaano karami ang mga pupunta. hindi bale nang sumobra, wag lang kulangin.

basta lame talaga yung management. kanya kanyang opinyon lang naman yan. may mga nagdedefend sa side nung event organizers kasi meron naman ibang mga nakapasok at nakapagenjoy ng merch. well, good for them. pero majority? walang napala. kung ako nga 3 hours lang sumuko na ko sa pila, what more yung iba na lumuwas pa galing province tapos nagcamp sa labas ng smx madaling araw pa lang, pero at the end of the day, hindi sila nakapasok. hindi ba nakakainis yun? kaya hindi rin talaga masisisi yung mga "putangina" chanters kahapon hahaha