8/16/13

nasa smsl kami kanina ni wearvin, nanonood kami ng the conjuring sa ipod ko tapos naubusan ng battery D: e walang wala na kong cash nun at kailangan ko magclaim ng pera sa xoom, tapos nasa ipod ko yung transaction number. so nagisip kami ng paraan para maicharge yung ipod ko kasi kailangan ko talaga makuha yung transaction number para magkapera ko. sinuggest niya na pumunta kami sa gadgets area in case na may charging station.

tapos dahil dun nakaisip ako ng bright idea! na pupunta kami sa isang store para magcanvas kunwari ng charger tapos ichecheck kunwari kung gumagana yung charger tapos chichika-chikahin yung nagtitinda para makapagcharge ng konti yung ipod ko hahahahaha kaya lang sobrang tawa ako ng tawa sa sarili kong idea habang shineshare ko yun kay wearvin (yung feeling na para kang naglike ng sarili mong post) sabi niya wala daw akong future sa mga role play role play D: kaya bandang huli siya na lang magisa yung gumawa, kasi kapag kasama daw ako baka mabulilyaso pa dahil ramdam niyang tatawa lang ako dun hahahahahaha

pero ayun successful naman yung plano namin, nakaipon ng konting battery sa pamamagitan ng charm niya hahaha kahit nakokonsensya siya okay lang hahaha things he do for me~ wuahahahah