7/28/13

nalulungkot talaga ko kapag nagkwekwento yung mga kaibigan ko tungkol sa break up nila D: bakit sila sumusuko? e normal lang naman magkaron ng away sa relationships. depende na lang kung paano nila isosolve yung problema nila.

oo nakakapagod talaga yung mga paulit-ulit na nangyayari. pero kahit anong mangyari, dapat hindi ka susuko. kasi kapag puro negative emotions na nafifeel niyo, dyan na papasok yung "ayoko na, nakakasawa na" kaya ang kinakalabasan, break up. tapos kung kailan wala na, tsaka mo maiisip na "ay sana pala ganto na lang ginawa ko, sana hindi ko na sinabi yun" ano pang magagawa ng pagsisisi mo diba? e kung nung una pa lang pinagisipan mo muna yung mga sinabi at ginawa mo, edi sana hindi ka magsisisi ngayon, edi sana kayo pa.

hay, kung alam lang sana ng lahat na communication lang naman yung secret sa healthy relationship D: simple pero yun na yun! kasi kapag pinaguusapan niyo yung problema na pareho kayong kalmado, makakaisip kayo ng action plan para hindi na maulit yung ganung away. pero kung mauulit man yun, edi try lang ng try hanggang sa hindi niyo na nagagawa yung pagkakamali na yun.

kung maging okay man kayo ulit, good for you. may chance ka pa magbago. make your relationship grow :D

pero kung sawa na talaga kayo pareho, e dapat ready kayo tanggapin na hindi niyo na magagawa yung mga bagay na ginagawa niyo dati. mamimiss niyo yung isa't isa sa first few weeks (or even months. years pa nga yung iba e!) ng break up niyo. but everything's over. so move on. ganun lang.