12/19/13


it's not our, or MY thing to celebrate this so-called monthsary. but for a change, we decided to at least greet each other every month~ so today is the 19th of the month and also our 19th month together :D
stalking him hurts so much haha :( #sorrynotsorry

12/16/13

nakakainis na yung feeling na ganito, yung taong gustong gusto ko palagi na lang nagagalit sakin?! as in sinisira ko yung mood niya. minsan gusto ko malaman kung may diperensya ba ko sa utak para di tumatak sa isip ko na wag na gumawa ng ikagagalit niya e. pero minsan kahit na anong pagiingat gawin ko sa mga sinasabi o ginagawa ko, meron at meron pa rin reason para magalit siya sakin. kahit hindi ko sinasadya. and i'm just like "wtfff galit nanaman siya sakin??? ano nanaman ginawa ko tangina???" hay tangina talaga. ano bang problema sakin yung totoo???????? gusto ko na matigil to sa totoo lang. sobrang naiinis na din ako sa sarili ko at nakakafrustrate siya to death. lalo lang nasisira yung relation ko sa sarili ko hahaha sobrang galit ako sakin!!!! i think i need a psychiatrist :O

12/12/13

i don't really mind if he gets a stuff from somebody and i didn't. but thinking about the possibility that he did something on purpose to be able to get it, it kinda makes me sad. i know what he is capable of doing and i know he could do even better when i'm not around. i do trust him. but i can't help wondering what he's gonna do when i'm totally gone. . . :(

coffee date with two of my favorite girls from highschool together with my very own man :3

konti nalang yung mga kaibigan na feel na feel kong samahan ngayon. dalawa na dun si shayne at tria hehehe! at least i got the chance to meet them again before i leave the country soon. and i'm glad that they finally met my boyfriend personally. haha i actually asked wearvin to come over pero sabi niya nahihiya daw siya. so i didn't insist since i know he doesn't really like going out in groups lalo na kung hindi niya kakilala. pero sumunod pa rin siya hahahaha and to be honest, i wasn't really surprised that he got along well with my girls~ FC / PR is his forte hahahahahaha jk

12/11/13

pinaka ayaw ko talaga yung mayayabang -____- yung mga feeling know-it-all, conceited, self-proclaiming, too proud of himself / herself, overconfident at walang bahid ng pagiging humble! leche

it's a good thing if you're smart, kind, beautiful or rich. but do you really need to brag about it? NOPE. unless you admit that you are stupid, then you're good to go. hahaha jk. but to be honest, a person who talks too much about his / her own achievements isn't really amusing at all. may quote nga na "an empty can makes the most noise" yup. so you diba? haha

okay lang naman yung mga biruang bullying with friends. murahin mo lang siya solve na yung inis mo hahaha pero yung pagyayabang na wala sa lugar? talking too much nonsense about yourself only makes you look lamer than the loser of the year from the worst school ever. oh boy please get over yourself now.
i guess i have to avoid being too clingy :O i feel like he finds me unpleasant. or i must did something wrong to make him act weird like that. plus i look so desperate :(

tamang cling nalang next time hahaha

. . .

though i really wanna cling too much dahil konti na lang naman mga araw ko dito :(

12/9/13

so much pressure from the financial issues that we're going through lately~ but it feels good to know that i have someone like him who listens to my tragedies over and over again. though i kinda feel bad for him having a girlfriend with lots of dramas in life. but i know he totally understands me with my situation so hakuna matata! :3 i just wish i could do something for my mom right now.

money isn't everything but it could get you something for the people you love soooo. . . magpapayaman mode talaga ko sa america i swear! for all of the people i love's sake!!! 

12/8/13

despite the ugly happenings yesterday and the other day, he still managed to visit me and even bring lunch for me today :') sadly no couple selfies :( pero okay lang i still had so much fun bonding with him and our baby cat :3

he also finally answered :) and he made me the happiest girl today~ ibang iba to sa nafifeel ko kagabi hahahha at narealize ko na masyado lang akong nagooverthink. ang bobo ko lang talaga. hay jiashi.

i've been really really sad tonight. dealing with the fact that the only person who loved me so much, doesn't wanna be with me anymore. it sucks to be me. good thing i'm the only jiashi in this world. nobody else will get to experience such a life full of crap, disappointments and mischief.

sorry to myself if i hate you so much right now. this will be the last and tomorrow's gonna be different i swear. just go to sleep now and still try to have a good night :)
i don't wanna pity myself for feeling so alone and lonely right but i don't wanna be surrounded or have any interaction with other people either. i just wanna be happy all by myself (okay i know i'm trying too hard with this)
okay, so much for searching heartbreaking quotes from tumblr. i need something positive and inspiring like seriously.

ayun. matapos ko umiyak ng umiyak parang nagbreakdown nalang ako hahaha i'm emotionally and physically exhausteeeedddd!! haha ang bobo ko kasi tangina hahahahahahahah :(

i'm still dying to know his answer. and i'm preparing myself for the worst. alam ko naman sobrang dami kong nagawang mali sa 2 years namin kesa sa mabuti kaya okay lang na magsuffer ako ng ganito. i really think i deserve this.

bahala na ko. pero hopefully, last ko na tong rant na to. kasi pagkatapos nito ayoko na magisip masyado. i wanna get better like he did.

12/7/13

sobrang bigat ng feeling ko ngayon. pero kasalanan ko naman kung bakit ganito kaya okay lang.

okay lang kahit hindi talaga :(

her name is Kit~ ang first legit pet cat ko :D i got her 3 days ago. actually binili ko to para kay Wearvin. dahil palagi niyang sinasabi na gustong gusto niya magkaron ng pet na macucuddle niya. pero nirequest ko na ako muna magaalaga hanggang makaalis ako dahil frustration ko din talaga mag alaga ng pusa hahahaha :3

Kit is adorably annoying! nakakalmot niya ko kapag hyped up siya makipaglaro, sinisiksik niya ko kapag matutulog na kami, ginigising niya ko in the middle of the night para makipagharutan, ayaw niya gamitin yung litter box na nilagyan namin ng special sand na super bango, feel na feel niya maglakad sa laptop ko kung kailan ginagamit ko, inaaway niya yung mga wires ko dito, hindi ako makatulog sa unan ko kasi gusto niya dun pumwesto, lalo siyang nanggugulo kapag busy ako sa ibang bagay, and the list goes on~ pero the best thing i liked about Kit is she's so sweet and clingy :3 i don't know if it's normal pero inaakyat niya yung balikat ko tapos kinakagat niya ko sa earlobes, soft bite lang :3 i find it really sweet! ♥

i just realized that having a pet cat is just like having a real baby. and i treat Kit as my real baby :3 i'm so gonna miss this feline creature!

12/6/13




sometimes i wish i had a better life to show off.



"They say it's easy to live, but why is it so hard to breathe?"

Aww :'(

10/6/13

Yung feeling ko mas mabigat pa sa kakamping 0-10. Hahahaha :<

10/5/13

"he may be a robot, but he makes me feel that i'm not alone. ."

okay sooo i'm watching absolute boyfriend taiwanese drama today hahahaha hindi ko rin alam kung bakit ako nanonood ulit ng drama pero ramdam ko senyales to na sobrang bored ako sa buhay haha dahil eto na yung last resort! =))

naalala ko din pala binabasa ko noon yung manga na zettai kareshi nung may manga app pa ko sa iphone 4s ko :3 and gusto ko yung story niya hahahaha soooooo ayun sana matapos ko tong drama kasi may sakit ako sa panonood ng series e, sobrang tamad akong tapusin mga pinapanood ko hahahahaha

10/4/13

i feel like i'm returning to my old self since i had my birthday a few days ago. introvert, secretive and cool-with-everything-even-when-it's-not.

and i feel like i'm missing a lot of people. where did they all go?

9/29/13

a not so happy birthday to me :3 just a casual day, nothing really special.

wish ko lang sana gumaling na ko magleague of legends hahahaha seriously. at maging platinum man lang ako bago magseason 4 :((
hindi ako nakakapagpost lately dahil sobrang busy ngayong september! -____- pero okay lang dahil may dsl na ko finally at nakakapag league of legends na ulit ako sa laptop ko huehuehue

hmm sobrang tinatamad ako magkwento ngayon~ hopefully makapagpost na lang ulit ako sa mga susunod na araw :D

9/3/13

May nagsabi sakin na "masama naman ugali ni ano e"

Sino kaya ang mas masama ang ugali? Yung tinutukoy niya, o siya mismo? :D
So my mom and my man have met each other for the first time today :)

8/31/13




random sinking feeling for no apparent reason~



8/30/13


ang creepy ni koya! D: 1 mutual friend, inadd ako at nagmessage pa with pamatay na grammar. nakakahiya naman sa please at thanks niya e? ibigay ko na kaya "mobile phone" ko? kaso wag na mawawalan ako ng pangtext hahaha autoblock ko na lang siya :D
it's touching to receive a sweet little piece of advice from one of my craziest friends. i didn't even have to tell him that there's something wrong. maybe he realized i wasn't in a good mood when i didn't entertain his crazy messages. it's just funny how he's very gago but tried to cheer me up without even having to ask him.

"magkwekwento ka ba o hahanap pa kita ng turtle? basta ang maliit na bagay, hindi na dapat pinapansin. yan na lang isipin mo. kasi ang maliit, minsan lumalaki. enjoy ka lang :)"

8/29/13

i thought you were close to perfect
but i guess i was wrong

:)
naging masaya naman ako ngayong araw kahit papaano :D pero medyo masakit pa din kapag naalala ko yung nakita ko kahapon :D pero okay lang :D sa totoo lang wala namang masama dun :D ewan ko ba nalulungkot lang ako :D feeling ko lang kasi ang unfair :D pero wala naman talagang masama dun :D so hindi talaga siya unfair :D ang totoo talaga nagfifeeling lang ako hahahaha :D pero okay lang dahil choice kong magpanggap na wala akong nakita :D para hindi ako mahurt haha :D ayoko naman magaway kami dahil lang sa pangsarili kong reason :D hindi ko alam kung makakabuti ba tong ginagawa ko :D pero okay lang lilipas din to at makakalimutan ko din yun :D besides, ginusto kong itago to :D kaya i swear hindi ako magsusumbat ng kahit ano :D ang mahalaga masaya ko ngayon :D

ang weird ng defense mechanism ko :(

8/28/13

tama nga naman siya. marami siyang problema na wala akong putanginang alam. ang gago ko din sumasabay pa ko e? siya yung laging pagod at maraming iniisip, ako pa yung may ganang malungkot na wala kaming time together? ang bobo ko rin e no tangina? wala akong alam. dapat talaga manahimik na lang ako. yung sorry ko hindi na din naman siya naniniwala. at mas gusto niyang wag ko na siya muna kausapin. hinding hindi na talaga ko manggugulo simula ngayon. baka sakaling mas umokay ang lahat kapag nanahimik ako. last na to :)
i am so hateful that even the person who loves me the most hates me now.

sad sad life.
IGNORANCE IS BLISS~
"Usually once the whole truth is revealed you realize you were happier being clueless."

sakit talaga e :(

minsan mas ok pa talagang wala akong alam!
gusto ko magalit pero mas nalulungkot lang ako :(

:(((((((((
HINDI NAKAKATUWA MGA NAKIKITA KO PUTANGINA :)
ANG UNFAIR GAGO. IIYAK NA LANG AKO.
That sinking feeling when you're ignored :) okay lang. Ginusto mo naman magpapansin in the first place. Risk yon. You can't expect to be noticed, though it's the main goal of the act. But it still depends on the person kung papansinin ka niya or what. Sucks when you're not. Ha! Ha!

In addition to my previous entry, i think i am positively longing for his attention. Parang nandito pa ko pero pakiramdam ko ang layo layo namin. What more when i'm finally gone? Would a single attention still be given? Wait, wrong. Why am i thinking this way? Jiashi, stahp.
Is it me or am i really losing my value now? Is this because i was being too annoying lately that i started to become a little less important? Someone told me that i might be just seeking for his attention. Half true. Sometimes i commit mistakes, maybe it's because i passively want him to always notice me. But i have to freaking avoid it because it always turns out bad. I should cope up with changes such as i can no longer simply ask for his extra attention. He has a lot more other stuff to do and i should be understanding enough about that. Obviously, i'm just feeling like this since i have nothing else to be busy with except him. Stupid feelings.

And in the end, it's still me.

- - -

Funny how little things hurts a lot :)

8/25/13

i love this day! :D

nag UBE kami ni diana kasi sabi niya gusto niya daw ako makita bago man lang ako umalis papuntang states. ayun nagmeet kami sa mega tapos nagkwentuhan lang ng bonggang bongga! :D hahaha favorite online friend ko talaga si diana kasi 7 years na ata kaming magkakilala pero never pa kami nagkatampuhan or anything, kahit once in a blue moon kami magkita in person at hindi naman kami lagi nakakapagusap dahil pareho kaming busy sa kanya kanyang buhay! ang stress free lang ng friendship namin ahahahah

nung umuwi ako, wala pang tao sa bahay. e wala naman akong dalang key so pumunta muna ako sa computer shop tapos sakto may audition dun! kaya natry ko ulit maglaro ng audition after 3 or 4 years? ahahahah nandun pa rin lahat ng indefinite items ko. medyo nakakabitter lang the fact na nakagastos ako ng mahigit 20k php dun nung hindi pa kasama yung bayad sa rent hahahaha bobong anak days

tapos nakakatuwa sobra yung mga rebelasyon ni booh ngayon :D masaya ako kasi may bago na daw siyang cheverloo hahahah :"> fangirl ako ng lovelife niya e hahaha at tsaka super happy ako para sa kanya kasi sa kabila ng lahat ng keme na nangyari sa kanya, nagtatake pa rin siya ng risk :D basta kahit anong mangyari sa kanya at kahit sinong lalake pa ang dumaan sa mga palad niya, susuportahan at ichicheer ko pa rin siya with pompoms! ♥

basta. simple lang naman tong araw na to wala naman masyadong nangyari pero masaya ako ewan ko kung bakit :D nakaka good vibes talaga.

ay, achaka medyo nagiging okay na din pala kami :D pero namimiss ko na talaga siya.

jiashi is very happy today :D
i'm not pretending that i'm happy. i really am happy when i talk to him. but i can't stop being sad at the same time. i don't know when will everything go back to the way it was. or will it ever be.

/sigh /otl /sob

8/24/13

One day you'll lose me as i lose you
We'll lose each other but it's for our sake

:)
he had too much of me.
he had too much of me.
he had too much of me.

now it's easier to remember.

i don't wanna cry anymore but i can't stop caring.
he's the one who's asking me to stop now.
don't worry, dear. i'll try to get there.
How do you sleep with a broken heart?

8/16/13

nasa smsl kami kanina ni wearvin, nanonood kami ng the conjuring sa ipod ko tapos naubusan ng battery D: e walang wala na kong cash nun at kailangan ko magclaim ng pera sa xoom, tapos nasa ipod ko yung transaction number. so nagisip kami ng paraan para maicharge yung ipod ko kasi kailangan ko talaga makuha yung transaction number para magkapera ko. sinuggest niya na pumunta kami sa gadgets area in case na may charging station.

tapos dahil dun nakaisip ako ng bright idea! na pupunta kami sa isang store para magcanvas kunwari ng charger tapos ichecheck kunwari kung gumagana yung charger tapos chichika-chikahin yung nagtitinda para makapagcharge ng konti yung ipod ko hahahahaha kaya lang sobrang tawa ako ng tawa sa sarili kong idea habang shineshare ko yun kay wearvin (yung feeling na para kang naglike ng sarili mong post) sabi niya wala daw akong future sa mga role play role play D: kaya bandang huli siya na lang magisa yung gumawa, kasi kapag kasama daw ako baka mabulilyaso pa dahil ramdam niyang tatawa lang ako dun hahahahahaha

pero ayun successful naman yung plano namin, nakaipon ng konting battery sa pamamagitan ng charm niya hahaha kahit nakokonsensya siya okay lang hahaha things he do for me~ wuahahahah

8/13/13

i don't know if you are even aware that i miss you emotionally. you play a vital role in my life and i can't afford to lose you. i keep hoping that things are gonna go back to the way there were, when everything's so simple. i miss you so much i wanna sneak to your house right now just to check if you are having a good sleep. i really need you, babe. it makes me so sad but i think this is a good sign. this shows that i just really care enough about you that my senses can't take the loss of you.

why the hell am i even crying now?

8/12/13

ang saya pa rin nung saturday kahit epic fail yung rampage event! :D sabi nga ni da, meant to be talaga na wala kaming mapala sa rampage kaya we ended up na tumambay na lang sa prism plaza! hahaha first time ko makabonding yung cyborgs in real life! :D achaka first time ko din pala magpunta sa prism plaza, sabi ni jm parang ganun daw yung malls sa singapore, ang gandaaa *u*


nagkwentuhan lang kami about lol stuff habang hinihintay dumating si wearvin~ nagkaron din pala ng personality tests kasi ang galing mangpsycho ni jm! hahaha napsycho nga niya si alex na magpapizza party e! kaya nung dumating na si wearvin, nagkayayaan uminom sa bahay / condo / penthouse ni jm! big time!

kahit konti lang kami masaya pa rin! :D cyborgs are 10x crazier in rela life!! sana talaga maulit to tapos mas marami nang makasama! hahahahah marami pa kong masayang kwento pero wag na lang. wala kaming group photo kaya ganito lang D:

8/11/13

RAMPAGE 2013

...was the worst online game event i've ever attended.

pumila ko around 11 am kasama ko sila alex, pee at freakz at yung tatlo pang friends nila. tapos around 12:30 pm may nagroronda na representative announcer sabi sa megaphone balik na lang daw ng 4 pm kasi naubusan ng ticket pero may mabibili pa ring merch until 9 pm (seriously?) nagalisan na yung iba sa pila pero kami nagstay pa rin. ilang oras na lang naman kaming maghihintay. makakapasok din yan tiwala lang. hahaha pero nung 2 pm lumabas ulit yung announcer at sinabing wala na daw irerelease na tickets! ayun medyo nawalan na ko ng pagasa sa rampage kaya umalis na kami nung 2 pm. tapos bandang 6 pm nagtext sakin yung kakilala ko, sabi nakapasok daw sila kasi nagbenta pa ng tickets!! like wtf?

given na nga na nagfail yung event nila, tapos dinagdagan pa nila ng mali maling announcement. ang daming umasa.

hindi naman ako basher. pero para sakin, mali talaga yung organizers ng event na yun. sana nilagay na lang nila sa napakaraming advertisements nila na limited yung tickets na ilalabas nila. o kaya sana nagresearch na lang sila kung gaano karami ang mga pupunta. hindi bale nang sumobra, wag lang kulangin.

basta lame talaga yung management. kanya kanyang opinyon lang naman yan. may mga nagdedefend sa side nung event organizers kasi meron naman ibang mga nakapasok at nakapagenjoy ng merch. well, good for them. pero majority? walang napala. kung ako nga 3 hours lang sumuko na ko sa pila, what more yung iba na lumuwas pa galing province tapos nagcamp sa labas ng smx madaling araw pa lang, pero at the end of the day, hindi sila nakapasok. hindi ba nakakainis yun? kaya hindi rin talaga masisisi yung mga "putangina" chanters kahapon hahaha

8/8/13

self-realization # 14

i'm jealous of how other people are able to choose the way they live their life. like with the course they want to take up, the hobby they want to do, the place they want to live, etc.

because here's me, tied up to do only what i am asked to do. and i can't do anything about it. sometimes, i would like to think that everything's being unfair to me. but then i remember what i have right now, i realized i'm not really that unlucky. i'm still thankful after all.

so instead of complaining and asking for more, i would still just pursue with my plans and i promise to do it all out of the things that will be given to me :D

8/7/13

babe,

lately, i've been having a hard time to sleep at night because i can't stop thinking about us. there are so many questions that keep me awake. i'm trying to figure out the answers but i always end up confusing myself more.

to be honest, i can't get over the things i've heard that night. and i can still hear it in my mind over and over again. "there might be no next time..." sounds very painful to me. yes, right in the heart.

you said my flaws doesn't stop you from loving me. but why are you setting a limit of what we're capable of? i am completely aware that you love me. but please, don't tell me that you're going to leave me "when" shit happens again. because it makes me doubt my place in your heart. are you no longer afraid to lose me like you used to? i would rather hear you say you will never leave me "even if" shit happens again.

you said you're sick of arguing with me. i know how you feel. arguments are such pain in the ass. but there will always be arguments in a relationship. and it's what keeps us alive. as long as we're fighting, it shows that we still care. so please don't ever grow tired of me. because i'm more than ready to face any challenges as long as we're hand in hand.

you also said, just like me, you see yourself having a family with me. you imagine us settling and having kids. it might be too much to ask but i really wanna be happy with you for the rest of my life. i know we can't tell the future but we can try, right? tell me that we can! because we are still going to prove the people who pulls us down that they're all wrong.. that we could really last forever.

this is actually intended to be a blog post. and the moment i started writing this, i was really depressed. i had doubts. i wrote so many sad stuff. but i decided to delete everything and start over and make it a letter to you instead. because i can't lie to myself that i still love you no matter what happens. surprisingly, just a thought of you turns the bad mood upside down. then i gave a quick run though to our happy photos, i was crying but they made me smile. because we look so cute together and i realized how much i really don't wanna lose you. i can't stop loving you because i don't want to. so please don't ever leave me. and i swear to you i will try my best not to give you heartaches again.

xx ♥

8/6/13


hindi ako makatulog kagabi kaya inexplore ko yung mga photo apps sa ipod ko /heh

8/5/13

sometimes i'm being too annoying that other people might think i'm insensitive. like i'm not using my brain before doing something to / for them. i wasn't thinking what would they feel when i do this or that. feels like i'm helping anyone at all. in other words, i'm  worthless. yup. i can't do good to other people anymore. not even for myself. i always cause trouble even when i don't intend to. always.

i make too much trouble that no one would probably want to have me in their life. akala ko dati ang dami ko nang alam kasi mas experienced ako compared sa ibang mga kaibigan ko. but why the fucking hell do i still make a lot of mistakes? even if i try to do something good for somebody, it won't matter kasi mas marami pa rin akong pangit na nagagawa.

forte ko ba manira ng magandang mood ng ibang tao? bobo ba talaga ko sa life? o sadyang malas lang ako? i feel bad to those people who are extremely close to me. they get to encounter the ugly side of me more often. people who don't have me in their life are luckier kasi hindi sila madadamay sa kamalasan ko or katangahan ko.

hahaha kailangan ko lang tumawa para at least matapos ng masaya tong post na to :D


a few drinks won't hurt, right? i just really need something to help me get some sleep. i don't even know why i'm doing this. but this is a lot safer instead of taking pills. as long as i'm drinking alone.

ang oa talaga ng katawan ko sa alcohol. my face turned cherry red after 3 seconds?! asian fucking flush. but i'm pretty sure nasa tamang katinuan pa ko ngayon. but my body's starting to feel hot and i'm feeling kinda dizzy now. but good thing this would help me fall asleep easier. but. but. but.

fml ok

8/3/13

my new case for ipod touch 5 has been delivered today! :D


annie is my forever favorite ♥ ♥ ♥
bakit kaya tinatamad ako ngayong araw? parang wala akong gana sa lahat ahoohoo~

may basketball game mamaya si wearvin. gusto ko sumama kasi gusto ko siya makita ngayon. o kaya magpupunta muna ko sa 168 magisa para maghanap ng cosplay stuff tapos didirecho ako sa dasma para sunduin siya tsaka kami magdidinner pagkatapos ng laro niya... pero sobrang tinatamad ako talaga ko kumilos D:

speaking of cosplay, iniisip ko kung icocosplay ko ba si annie sa rampage~ kaya lang baka kasi hindi makasama si wearvin D: e kung mameet ko man yung cyborgs dun malamang aasarin lang nila ko pag nakita nila kong naka annie costume D: D: D: actually hindi ko rin talaga alam kung pupunta pa ko in the first place. e nakakatamad naman umattend kung hindi ko rin kasama boyfriend ko. tapos si snowe 50/50 din. maghahanap muna siguro ko ng makakasamang babae~ ayoko kasi sumama sa ibang cyborgs na pupunta rin hahaha baka pag pinagtripan nila ko tapos walang magtatanggol sakin T^T

hay.. bahala na sa august 10.

7/31/13

tuwang tuwa ako sa paglalaro ng the sims 3 lately~ e wala e hindi kasi makapaglaro ng league of legends D: hindi pa ko makakapag apply ng dsl hanggat hindi umuuwi nanay ko. kaya tiis tiis muna sa broadband.


kamukha ko naman diba? hahaha kahit konti? no? okay :(


7/30/13

nothing feels greater than having your special someone appreciate the little things you do for him when you don't really intend to impress him and you're not expecting him to even notice it :D

hay. i always cry every time he's being very vocal when it comes to compliments and stuff :D i love him so much i could die happier~
nagenjoy ako sa UBE (ultimate bonding experience) namin ni shanti / yeng today. nagkakilala lang kami this year nung february 1 sa hinduja~ kasabay ko siya umuwi nung natapos kami sa interview kasi taga mcu lang siya (yay ang lapit! :D) pareho kaming naka-job offer nun sa parehong account pero pareho din naming hindi tinanggap haha


natuwa na ko agad sa kanya dati kasi magka-age kami :D bihira yung mga ka-age ko na nagtatry din mag-call center. karamihan puro 20+ na kaya ang mamature na nila D: tapos lalo pang gumaan loob ko kay yeng dahil ang dami pa naming stuff in common!! as in!! buhok, fashion statement, ugali, interests, at pareho kaming mapagmahal sa boyfriend ♥ hahaha basta para kaming na-clone tool!! exshept she hash breyshes e :))

basta ayun, nakakatuwa lang talaga today kasi first time namin magbonding! at for sure mauulit pa to kasi isa siya sa mga taong naeenjoy ko talaga kasama lately :DDDD

7/28/13

why am i feeling like june 2011?

wag naman sana maulit yon...
nalulungkot talaga ko kapag nagkwekwento yung mga kaibigan ko tungkol sa break up nila D: bakit sila sumusuko? e normal lang naman magkaron ng away sa relationships. depende na lang kung paano nila isosolve yung problema nila.

oo nakakapagod talaga yung mga paulit-ulit na nangyayari. pero kahit anong mangyari, dapat hindi ka susuko. kasi kapag puro negative emotions na nafifeel niyo, dyan na papasok yung "ayoko na, nakakasawa na" kaya ang kinakalabasan, break up. tapos kung kailan wala na, tsaka mo maiisip na "ay sana pala ganto na lang ginawa ko, sana hindi ko na sinabi yun" ano pang magagawa ng pagsisisi mo diba? e kung nung una pa lang pinagisipan mo muna yung mga sinabi at ginawa mo, edi sana hindi ka magsisisi ngayon, edi sana kayo pa.

hay, kung alam lang sana ng lahat na communication lang naman yung secret sa healthy relationship D: simple pero yun na yun! kasi kapag pinaguusapan niyo yung problema na pareho kayong kalmado, makakaisip kayo ng action plan para hindi na maulit yung ganung away. pero kung mauulit man yun, edi try lang ng try hanggang sa hindi niyo na nagagawa yung pagkakamali na yun.

kung maging okay man kayo ulit, good for you. may chance ka pa magbago. make your relationship grow :D

pero kung sawa na talaga kayo pareho, e dapat ready kayo tanggapin na hindi niyo na magagawa yung mga bagay na ginagawa niyo dati. mamimiss niyo yung isa't isa sa first few weeks (or even months. years pa nga yung iba e!) ng break up niyo. but everything's over. so move on. ganun lang.

7/26/13

backread backread din kapag may time.
at delete delete din ng posts na nakakafacepalm hahaha

saang teleserye ba ko pinaglihi at sobrang madrama ko minsan? hahahahaha dapat kasi talaga nagworkshop na ko sa star magic nung nasa sprint pa ko e. sakto oh andun na ko sa abscbn compound hahaha

masaya naman ako lately kaya itutuloy ko na lang to :D
guess who's back to blogging with a new laptop!! :D (actually nung monday pa sakin to, tinamad lang ako magpost agad hahaha)


makakapagupdate na ulit ako ng blog ko sa wakas. ang tagal na nitong nilalangaw e. nakakaawa naman. hahaha next time gagawa rin ako ng bagong layout kasi may photoshop na ko muehuehue!

nakapaginstall din pala ako ng league of legends kaya lang broadland lang connection ko ngayon. stable 300 ping. wala rin :(