5/17/12

one of the most awesome things i learned from sir ace before, is to wish for everybody's happiness :D (this isn't sprinkled with any sense of insincerity, okay?) as in from the heart talaga na gusto mo masaya ang lahat. kasi kung totoo ka talaga na gusto mong masaya yung ibang tao kahit hindi mo alam yung dahilan, mahahawa ka na rin sa happiness nila :D isn't it awesome? yung tipong kahit may mabigat kang pinagdadaanan o kaya sobrang badtrip mo sa araw  na yun, pag may nakita kang stranger na nakangiti sayo, it will automatically lift your mood and you can't help but to smile back at that person :D

ganun rin yung mangyayari kapag may nakita kang taong malungkot. hindi mo maiiwasan mahawa sa lungkot nila D: emotions are contagious. pero syempre diba, mas okay na yung kapag may taong nalulungkot, hahawaan mo sila ng happiness mo. at kapag ikaw naman yung malungkot, mahahawa ka sa happiness ng iba. depende naman kasi sa tao kung papaano ka magiisip sa gitna ng isang situation. 

minsan kasi yung ibang tao, kapag namromroblema sila dahil sa lovelife o dahil wala silang pera, feeling nila sila na yung pinakamalas na tao sa araw na yun. nagagalit sila sa mundo dahil lang sa napakababaw (o walang kwenta) na dahilan. kung makapagreklamo, ganun ganun na lang. tss. parang hindi nagiisip e.

ang sarap sarap kaya ng feeling kapag palagi kang masaya at nakangiti. but it doesn't mean na puro swerte na yung dadating sayo. syempre minsan may mga kamalasan rin. pero kung marunong ka magisip kung paano ihahandle yung ganun, hindi mo na sya proproblemahin at all. it will just pass by you and you won't even remember it the same day next year (i dare you!)

every burden has a brighter side. they don't happen just to make you feel miserable. it will teach you a lesson afterwards. if only you would open your mind up to the fullest extent, you'll manage to adopt a lot of ideas that might help you get through the same situation next time. it's all in the mind naman e. kung paano mo hahanapan ng positibong side yung negatibong pangyayari. acceptance. kung paano mo tatanggapin yung mga bagay na dumadating sayo (maganda man o hindi) for example, kesa umiyak ka ng umiyak every night at feeling mo wala nang point mabuhay dahil lang iniwan ka ng partner mo, bakit hindi ka na lang magmove on at magfocus sa mga priorities mo sa buhay?

it's okay to be sad once in a while. but if you're no longer happy at all times, don't you think something's wrong with you already? (bang! hahahahah)