5/21/12

05/19/12 - we're no longer unofficial :)

5/17/12

one of the most awesome things i learned from sir ace before, is to wish for everybody's happiness :D (this isn't sprinkled with any sense of insincerity, okay?) as in from the heart talaga na gusto mo masaya ang lahat. kasi kung totoo ka talaga na gusto mong masaya yung ibang tao kahit hindi mo alam yung dahilan, mahahawa ka na rin sa happiness nila :D isn't it awesome? yung tipong kahit may mabigat kang pinagdadaanan o kaya sobrang badtrip mo sa araw  na yun, pag may nakita kang stranger na nakangiti sayo, it will automatically lift your mood and you can't help but to smile back at that person :D

ganun rin yung mangyayari kapag may nakita kang taong malungkot. hindi mo maiiwasan mahawa sa lungkot nila D: emotions are contagious. pero syempre diba, mas okay na yung kapag may taong nalulungkot, hahawaan mo sila ng happiness mo. at kapag ikaw naman yung malungkot, mahahawa ka sa happiness ng iba. depende naman kasi sa tao kung papaano ka magiisip sa gitna ng isang situation. 

minsan kasi yung ibang tao, kapag namromroblema sila dahil sa lovelife o dahil wala silang pera, feeling nila sila na yung pinakamalas na tao sa araw na yun. nagagalit sila sa mundo dahil lang sa napakababaw (o walang kwenta) na dahilan. kung makapagreklamo, ganun ganun na lang. tss. parang hindi nagiisip e.

ang sarap sarap kaya ng feeling kapag palagi kang masaya at nakangiti. but it doesn't mean na puro swerte na yung dadating sayo. syempre minsan may mga kamalasan rin. pero kung marunong ka magisip kung paano ihahandle yung ganun, hindi mo na sya proproblemahin at all. it will just pass by you and you won't even remember it the same day next year (i dare you!)

every burden has a brighter side. they don't happen just to make you feel miserable. it will teach you a lesson afterwards. if only you would open your mind up to the fullest extent, you'll manage to adopt a lot of ideas that might help you get through the same situation next time. it's all in the mind naman e. kung paano mo hahanapan ng positibong side yung negatibong pangyayari. acceptance. kung paano mo tatanggapin yung mga bagay na dumadating sayo (maganda man o hindi) for example, kesa umiyak ka ng umiyak every night at feeling mo wala nang point mabuhay dahil lang iniwan ka ng partner mo, bakit hindi ka na lang magmove on at magfocus sa mga priorities mo sa buhay?

it's okay to be sad once in a while. but if you're no longer happy at all times, don't you think something's wrong with you already? (bang! hahahahah)

5/9/12

oh, what a day. a bad one. very bad.

pero wala naman ibang magagawa kundi magmove on na lang, kalimutan yung nangyari at tumingin sa brighter side. nangyari na e. wala namang may gusto na mangyari yun. at least, hindi sila napahamak or something. kaya okay na rin yun. magsisilbing lesson na rin yun para magingat pa sila lalo. at buti na lang, magaling si wearvin maghandle ng mga ganung situation.

i hope they're safe all the time.

5/8/12

ayokong nakakakita ng lalakeng nagpapaiyak ng babae. lalo na kung kaibigan ko pa yung pinapaiyak. tangina lang. she's one of the few people i treasure the most, how dare you do that to her?!

swerte mo lang talaga, mahal ka pa rin nya kahit ganyan ginagawa mo. kasi kung bibigyan nya ko ng permiso, baka nung una pa lang pinagulpi na kita sa mga bata ko bwahahahahahaha! chos! pero seryoso, nakakainis ka D:

5/7/12

hello blog! how are you? i've missed you so much!

super tagal kong hindi nakapag update dito dahil tuluyan na nasira yung laptop ko huhuhu (pero nakamove on na ko dun dahil last month pa naman yun) medyo nasasanay na rin ako ng walang laptop pero nakakalungkot lang kasi hindi ko na nauupdate lagi tong blog ko D:

kahit minsan nagpupunta ko sa shop, hindi ko pa rin nauupdate tong blog ko kasi hindi ako sanay magblog ng may mga tao o kaya nakatingin sakin habang nagsusulat ako o sa sinusulat ko mismo huhuhu distractions!!

hay, gusto ko na magkaron ng bagong laptop. pero mukhang hindi na nila ko ibibili. pinaasa lang nila ko T^T chos! bahala na. gusto ko mag earn ng sarili kong pera para makabili ng laptop. nagiisip ako kung magwowork ba ko para hindi rin ako nakatunganga lang lagi sa bahay hahahahah si rheca din interesado magwork kasi hindi rin ata sya mageenroll next school year. hmmm we'll see :D

for now, nagsasave na lang ako lagi ng drafts sa phone ko tapos pinupublish ko sya pag may time ako magwifi hahahahahahah kaso madalas rin ako wala sa bahay sooooo... ayun, the bottomline is, my life sucks without a computer. pero keribells hihihihihihi!

5/6/12


super fun last night! :D after a loooooong time, nakumpleto ulit kaming anim nila geib, rheca, booh, olivia and hasinto! andun rin si ate wenz at ate kat! ang saya lang hahahah parang grand reunion!

anyway, happy 18th birthday ulit to my ever partner in crime, emperor booh! :D


aww, hindi na kami pwedeng gumawa ng evil deeds ng magkasabay kasi kapag nakulong kami pareho, wala ng magpipiyansa samin hahahahahaha!

5/4/12

habang kausap ko si wearvin kagabi sa phone, bigla nya sinabi na nagugutom sya. e sakto naman nagugutom rin ako, kaya nagkayayaan kami kumain somewhere :D hahaha around 11 pm na nun tumakas kami pareho para lang magkita at kumain sa mcdo mcu hahahahah namimiss ko na rin kasi sya e :D

fun experience~ doing little things i've never done before, or we don't usually do :>