1/12/12

self-realization # 8

i could still remember how much i overthink back when me and jeff were still together. kapag tahimik ako, ibig sabihin nun maraming bagay na tumatakbo sa isip ko. insecure kasi ako before pagdating sa kanya. takot ako magkamali kasi baka iwan niya ko (hahahahaha true story!) i think a million times first before acting. pero may good and bad side yung pagooverthink. good side, prepared ako sa mga pwedeng mangyari kasi nacoconsider ko yung negative things. bad side, nagiging sobrang pessimistic ako, to the point na puro negative na lang yung ineexpect kong mangyari.

nung nakaget over na ko kay jeff, dun ako nagdecide na ayoko na magisip ng bonggang bongga kasi nakakastress pala yun masyado! as much as possible, iniiwasan ko na magisip at magplano ngayon. gusto ko na lang enjoyin kung ano man yung mangyayari tapos go with the flow :D

thinking is an adult thing. and i don't like that at all. i'm naturally immature. i don't want to grow up. mas gusto ko maglaro ng maglaro ng maglaro~ at sobrang hilig ko magexplore! ♥ like dora the explorer haha! noon kasi hindi ko nagagawa to nung kami pa ni jeff. i'm trying to hide my immaturity para hindi siya madisappoint sakin. may mga trip kasi ako na hindi naaappreciate ng mga ordinaryong na tao. tulad niya. hahahahaha

hmm okay, i feel like i'm not making any sense here anymore hahahahaha!! sobrang blurry na ng mga sinasabi ko~ ang point ko lang naman, mas nararamdaman kong mas naeexpress ko na yung sarili ko kumpara noon :D at tsaka wala na ring heavy traffic sa utak ko :D openminded pa rin pero hindi na ko nagooverthink :D hihihihihihihi!!