1/8/12

May nagtext pala sakin kagabi around 2 am na unregistered number. Tinanong ko kung sino siya, si ruffa pala, classmate ko nung 1st year highschool na sobrang tagal ko nang hindi nakakausap. Kinakamusta niya ko out of nowhere tapos medyo naweweirdan ako kasi nga wala naman kaming contact lately. Tapos sabi niya chinecheck niya lang daw kung ano kalagayan ko ngayon kasi may bad dream siya tungkol sakin. Tinanong ko kung ano yun, kaso ayaw niya ishare, pero pinilit ko pa rin siya na sabihin sakin.

Napanaginipan daw niya ako na namatay ako. Tapos sabi ko ikwento niya kung paano ko namatay sa dream niya. Ang nangyari daw kasi, galing ako sa ibang bansa tapos pauwi ako ng pilipinas, nagkaron ng plane crash at kasama ko sa mga namatay (Woah, medyo goosebumps pero keri lang!) Tapos yung libingan ko daw, isang malaking triple chocolate roll ng red ribbon! Hahahahahaha sobrang weird!

Nakakatawa lang kasi sobrang random nung panaginip na yun. Buti na lang hindi ako takot mamatay :D