1/1/12

jiashi's goals for 2012

- more explorations, adventures and connections :D magtatry ako ng mga bagong bagay, pupunta ako sa mga bagong lugar at makikipagkilala ako sa mga bagong tao :D

- gusto ko mapicturan lahat ng memorable experiences and happenings sa taon na to :D tapos at the end of the year, gagawan ko ng collage! yay!

- gawa ng negosyo para may income kahit papaano!

- maging punctual na sana ako! huhuhu yung mga kailangan kong gawin dapat magawa ko on time! at tsaka susundin ko na lahat ng plans ko! hindi ako basta basta magplaplan ng mga bagay na hindi ko naman kayang tuparin!

- babawasan ko na yung mga crush ko! sabi kasi ni wearvin buong mundo na lang daw crush ko hahaha! nakakahiya tuloy! kaya starting today, wala na kong crush! si jarvan na lang talaga :D hihihi

- iiwasan ko na bumili ng mga cute na bagay na wala namang silbi huhuhu (bibili pa rin ako pero konti na lang pramis!)

- hinding hindi na ko iinom ng softdrinks! water na lang talaga! ♥ babawasan ko na rin ang pagkain ng junkfoods! tapos mageexercise ako :D haha!

- magpapacolor ako ng hair, magpapalagay ako ng permanent tattoo, magpapapierce ako sa top part ng tenga ko :D at wala ng makakapigil sakin bwahahahahah!

- hopefully makapagcosplay ako this year! tagal ko na pinaplano to kaso di ko naman natutupad! basta this year magcocosplay ako!

- hindi ko na isasama sa goals ko ang pagpapataba! :D for the very first time, may nagsabi sakin na mas gusto niya daw akong ganito hihihi! pero gusto ko pa rin at least mag-gain ng weight D:

- magpapahaba ako ng hair for a change hihihi!

- magbabakasyon somewhere with my friends sana!

- magpapakabait na ko hihihi! i'm inspired to be a better person! :D iba't ibang klase ng kasalanan ang nagawa ko last year kaya magpapakatino naman ako this year para maiba hahahah!

goodbye and thank you 2011! hello and welcome 2012! bless me Lord this year! :D