12/25/11


waley lungs! masyado lang akong natutuwa kaya drinawing ko kaming apat ng pinaka matalik kong mga kaibigan :D

wala sa amin ang perpektong babae. meron super payat, meron katamtaman lang, meron chubby, meron matangkad, meron maliit (syempre si geib yun hahahah! joke lang teh! sa drawing ko naman mas matangkad ka sakin e :D sa drawing lang hahahahah joke lang ulit!), meron lalake umasta, meron masyadong girly, meron may lovelife, meron ayaw sa lovelife, meron heartbroken at meron ding rapunzel. see? hindi kami perpekto. pero lahat ng imperfections namin tanggap ng bawat isa :D

para sa mga pinakamamahal kong babae,

maraming salamat at nandyan kayo palagi para sakin. sa mga pagkakataon sa buhay ko na sobrang saya ko, it's either kayo ang kasama ko nun or sa inyo agad ako lumalapit para magkwento :D at kahit ano pa ang nangyayaring kaguluhan nagagawa pa rin nating suportahan ang isa't isa. marami nang taong dumating, nawala, napalitan at dumagdag, pero tayo, andito na parin tayo. grabe ang tagal na natin at sobrang tibay nating apat! kailan ba tayo magkakasawaan? hahahahaha!

kahit minsan nagkakaron tayo ng tampuhan (hindi naman yun maiiwasan e) pero hindi natin hinahayaan na hanggang dun na lang! sa buong history yata natin isang beses pa lang tayo nagaway away ng matindi e.. yung 4th year tayo na nagselos si geib at rheca nung naging boyfriend ko si jeff hahahahaha! umiyak pa nga ako nun e! pero okay lang, naka move on na ang lahat dun! pagkatapos nun hindi na tayo nagaway away ulit :D nakakatuwa kasi hindi natin pinapalipas yung isang araw ng may pagkakalabuan. kaya nga bagay na bagay satin yung kantang mad ni neyo hihihi!

hindi rin natin hinahayaan na maargabyado ang isa sa atin. kapag may fight ang isa omfg para siyang nakipagaway sa sampu or even more! (isama na natin yung mga sidekick ng ramen + bwahahahah) basta alam niyo naman siguro kung gaano ako kaprotective sa inyo diba? kaya nga ako si mama jaz nung 3rd year  :D hahahah ako ang superhero niyo kahit ako ang pinakamaliit satin (yes, matutuwa na si geib niyan!) ayoko ng may umiiyak, nalulungkot o nasasaktan sa kahit sino sa inyo dahil tangina gg talaga sakin ang umaway sa inyo!

basta girls, mahal na mahal ko kayong tatlo ♥ kahit tumanda tayo sigurado ako magkakaibigan pa rin tayo! sabay sabay tayo magiging successful! at magpapatayo pa tayo ng bahay nating apat na puro pictures natin ang wallpaper :D at sigurado ako kahit saang parte ng mundo pa tayo makarating, pupunta pa rin tayo para bisitahin ang isa (basta may pera hahahah) napaka espesyal niyo talaga sakin! we all know that there are lots of backstabbers, plastics, immature minds, users, bitches, etc. around us but at the end of the day, tayo tayo pa rin yung nananatiling totoo sa isa't isa. walang nagbabago. you know naman us hihihihihi!

tayo ang magandang ihemplo ng totoong pagkakaibigan :D (waw akalain niyo yun naging good example rin pala tayo kahit papaano! hahahahahah) alam kong maraming naiinggit at natutuwa sa super strong bond na meron tayo. tae nakakailang lalake na ang dumaan sa palad ko hahahahaha!! pero nandyan pa rin kayo :D mas matagal pa tayo kesa sa mga magkakarelasyon. kaya nga hinding hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit na ano e. maliban na lang sa $100,000,000,000 hahahahahahah oo na, ako na mukhang pera hahahah! joke lang! syempre mas pipiliin ko pa rin kayo hihihi! (pero pwede rin paghati-hatian na lang natin pag nakuha ko na yung pera, magaarte-artehan na lang tayo kunwari galit kayo sakin at ayaw niyo na sakin! pangbest actress naman tayo diba? pinanganak tayong magaling dyan! bwahahah) sayang kasi pera din yun! ipangshoshopping pa natin yan ng mga cute stuffs! hahahahahah

anyway, i just realized how much we've changed over the years. parang dati hanggang face powder lang tayo pag recess, pero ngayon may liquid eyeliner at foundation na! ansaveh? hahahahah (nga pala, sakin sakin na kayo bumili ng bb cream ha! 200 each murang mura presyong kaibigan!) hmm.. another year has passed :D sabay sabay nating salubungin yung end of the world next year hihihi! til death do us part ang drama! you'll always be my BFFE (best fucking friends ever!) merry christmas me hearties! group hug ♥ ♥ ♥

haaayyy.. kung meron lang sanang best friends of the year award! hahahaha!