12/22/11

who is wearvin? who the hell is that guy? why is he on my facebook profile picture? how are we connected? why are we sweet to each other? is he my boyfriend or something? what?!

okay so, this entry is all about my hunny, dear, sweetheart, babycakes, honey pie, darling, apple of my eye, peanut butter jelly, huggalump, tum-tums, muffin, sugar, sweetie, my loves, WEARVIN :> (basta lahat na ng sweet names! hahahahaha)

sa totoo lang, natatawa talaga ko kapag napagkakamalan kaming magjowa ni wearv! hahahaahahaha sobrang imba kasi yung closeness namin! :D hindi ko nga rin akalain na magiging ganito kami ka-tight to think na sa league of legends ko lang siya nakilala. kaya nga sobrang special ng league of legends para sakin. kasi dun ko nameet yung cyborgs e! haha (thanks to jeff! >:D) but cyborgs are no longer my online friends.. they're now my real life barkada :D lalo na si wearvin! nako! tinalo niya pa yung guy friends ko nung highschool na mahigit 4 years kong nakasama yung iba! (oops sorry, earl! hahahahah) samantalang kami ni wearvin, two months pa lang kaming magkakilala at twice ko pa lang siya namimeet person pero alam na niya yung mga imbang nangyari sakin simula toddler ako! hahahah

comfortable na ako sa kanya sa lahat ng bagay :D parang kayang kaya ko siya ikiss sa cheeks or ihug sa public ng hindi ako nahihiya! hahahahah at hindi ako naiilang na kaming dalawa lang yung magkasama sa room. kapag kasama ko siya, ramdam kong safe ako :D grabe! napakagentleman niya lang! and guess what? tinuturing niya kong babae bwahahahahaha! (although nagfifistbump kami with matching hand movements niya na hindi ko maintindihan haha) e hindi naman ako sanay sa like-a-princess treatment. kasi yung guy friends ko before, boyish talaga ang pagkakakilala nila sakin. kay wearvin ko lang nafeel yung protective factor :D

nakakatuwa rin siya kasi napakaflexible niya kausap. kahit anong topic ready siya. i can talk to him about sex without awkwardness. at parang kahit iopen ko sa kanya yung deepest, darkest, dirtiest secrets ko, hindi niya ko jinajudge. inaanalyze niya munang mabuti yung sitwasyon bago siya magsalita. he's so openminded! at bihira sa mga lalake ang ganun kalawak magisip :D

i'm so lucky to have him because he's the type of person you can count on anytime. kapag wala na akong ibang malalapitan o kaya kailangan ko ng makakatulong sakin agad agad, he's always around willing to lend a hand :D hindi naman kasi talaga ko dependent sa ibang tao. i can't open up to anyone aside from my bestfriends. but there are times that not even my bestfriends could help me. pero si wearvin inassure niya sakin na pwede ako lumapit sa kanya anytime :D at least diba, may choice pa rin ako~

he never fails to make feel special. palagi niya kong sinusurprise :> i super love surprises! even the smallest ones! hindi naman kailangan magbigay ng kung anu anong material na bagay e. basta napapasaya niya ko sa mga simpleng ginagawa niya lang. for example, he always finds time to say hi to me inspite of his busy schedule :D at sobrang naaappreciate ko yuuun! ♥

but one thing i really like about wearvin is his strong sense of humor! oh my gaaaaaaad! siya na siguro ang pinaka nakakatawang tao na nakilala ko! hahahahahahahah tae! ibang level yung pagiging funny niya! e ako pa naman, i have a thing for funny people~ magaan ang loob ko sa mga nakakatawang tao dahil madali ako mapatawa hahahahah! basta imba siya!

at ayun nga.. sa sobrang close namin, akala ng mga tao e may something samin! napagkakamalan na kaming magboyfriend-girlfriend! hahahaha pero natatawa na lang ako :D alam naman kasi namin kung ano yung totoo~

and for the last time, he is not my boyfriend, he's a lot more than that.