12/23/11

binuksan ko ulit yung photobucket account ko tapos nakita ko yung mga ginawa kong banner dati para sa blog layout :D in fairness ah, ang baduy pala ng mga gawa ko noon hahahahahah! hindi ko na ipopost yung iba pa e kasi sobrang baduy talaga! pramis! tsaka ito lang kasi yung mga pinaghirapan ko.. yung iba hindi na animated e.


o diba! ang lakas maka-goth slash punk slash emo nito oh! hahahahah i'm obsessed with the idea of killing humans before :D hmm, siguro 2008 ko to ginawa kasi lexikien setaneau pa yung ginagamit kong screen name hahahah

 

naalala ko to circlesss! :D first ever colorful layout ko to e kaya proud ako hahahah! natuto na ko magexplore ng iba't ibang kulay hihihi noon kasi palaging dark yung layouts ko nun! hmm siguro early 2009 to~


ayaaaaaan! dito nainlove sakin si jeff! hahahahahahah! mid 2009 to early 2010~ ito yung "everybody calls her pusa" hahahaha! nung time na nababasa pa ni sir ace yung blog ko tapos nakita niya yung rage post ko tungkol kay mam gon hahaha! tapos tuwing computer subject, yung charism tumatambay sa blog ko kasi naaamaze sila sa layout XD haaay napakanostalgic nitong banner na to~


hmmm this is one of my favorites :D haha wag mo ideny, may angas factor yung theme na to! hahahahah may description thingy pa! tapos yung maliliit na pictures ko yung nagdala! haha! basta gusto ko talaga to! kaso napilitan ako palitan to nung naghiwalay kami ni jeff nung june haahahahah! may nakasulat kasi dun "jiefu's girlfriend" kaya ayun, gumawa na ko ng bago. anyway, january 2011 ko to ginawa :D


ito yung pinakarecent kong layout, june 2011. ito rin yung pinakamatagal na ginawa ko, 11 hours ata including short breaks (kasama na rin dun yung coding at iba pang shit). pure photoshop brushes. wireless mouse. 93 fucking frames. sakit sa ulo. kaya nga nung natapos ko to proud na proud ako hahahahaahah!

so far, konti pa lang naman nagawa kong layout. hindi naman talaga ko madalas magpalit ng layout. kasi hindi rin naman ganun kadali para sa amateur na gaya ko yung mga ganyang bagay. ang gusto ko talaga matutunan yung sliced images e! kaso nahihirapan na rin ako magself study -____- may gusto kong gawin na something pero hindi ko maexpress sa google e hahahah! kaya gusto ko talaga magaral dun sa ciit e!

---

anyway, nakaisip na ko ng theme para sa bago kong layout :D desidido talaga ko gumawa ng bagong blog template para naman new look ako sa 2012! hohoho! major major change ang makikita niyo kaya maghanda kayo bwahahahahah! de joke lang! wala naman talagang special sa susunod na layout ko. pero this one's different sa mga nagawa ko before. i don't know. ang dami kasing mga pangyayari nitong mga nakaraang buwan. parang gusto ko na magpalit ng personality. hmm.

basta hindi muna ko maglologin sa facebook hanggat hindi ko natatapos tong layout ko! ayoko ng distractionssss! wish me luck! :D