11/10/11

oh hey, tomorrow is 11/11/11 :D
and so... what? nothing. hahaha

pero natutuwa ako sa date bukas~ kasi feeling ko lucky number ko yung 11 e :D nagsimula yun nung summer 2010. nung binigay sakin ni jep yung jersey shirt niyang number 11. pagkatapos nun, palagi ko na napapansin yung 11:11 or 1:11 sa orasan. at hanggang ngayon, napapansin ko pa rin yun. sa orasan, sa music player, yung time sa league of legends, sa chat, sa cellphone, etc.

minsan naweweirdohan na nga ako e kasi lagi ko na lang nakikita yung 11 kung saan saan! parang may pangitain talaga! hahahah natatawa na lang ako tuwing napapansin ko yun e. lalo na sa time. kasi believe it or not, ARAW ARAW talaga napapansin ko yung 11:11 o kaya 1:11! hindi lumalipas ang isang araw na wala akong nakikitang number 11.

pero sa totoo lang, kahit araw araw kong napapansin yung 11:11 sa time, never ko pa natry magwish dun hihihi :D not because nakakalimutan ko or hindi ako naniniwala dun. basta ayoko lang :D sa sobrang common na sakin na makita yung 11:11 na time, it doesn't look special anymore hahahahah but still, for me, 11 is my lucky number! :D

anyway, sana may magandang mangyari sakin bukas :D gusto maging special yung 11/11/11 ko~ at tatry ko rin pala magwish baka sakaling magkatotoo wahahahahah