11/28/11

matagal tagal ko na rin to naprintscreen, pero di ko nauupload haha! lucy in the sky pa nga yung pangalan ko oh :D naisipan ko lang iupload ngayon kasi si ian, jazmin ang tawag sakin~


sa totoo lang, dati ayoko talaga ng tinatawag akong jazmin! as in naiirita ko! ang nakakaalam lang ng name kong jazmin ay yung close friends ko sa laco. pero kahit alam nila yun, mas kilala pa rin nila ako bilang jiashi. everybody calls me jiashi, not jazmin.

ang may karapatan lang tumawag sakin ng jazmin na hindi ako naiinis, si booh, rheca at geib lang :D but the rest of my friends, gg sakin kapag tinawag akong jazmin sa public! >:( ni wala ngang nakakaalam sa online friends ko na jazmin pala yung real name ko at hindi jiashi. ayy, si diana lang pala nakakaalam!

pero nung nalaman ng cyborgs yung real name ko.. parang nagulat sila kasi kilala nila ko as jiashi tapos jazmin pala totoo kong pangalan! hahahah nagtataka rin sila kung bakit ayoko yung name na yun e "okay" naman daw! after nun, palagi na kong tinatawag ni ian na jazmin! hanggang sa nasanay na ko :D

and now, naaappreciate ko na yung jazmin :D :D :D but still, ako pa rin si jiashi! hahahahaha