11/28/11

last night, pinakilala ko kay wearvin yung blog ko :">

actually ayoko naman talagang pinapaopen sa kahit na sino yung blog ko. kasi nahihiya ako kapag may nakakabasa ng posts ko. pero masyado siyang naaaliw sa blog ko for some reason. kaya sinabihan ko siya na okay lang na basahin niya yung entries ko as long as hindi niya sasabihin sakin kung ano yung mga nabasa niya~ okay lang rin naman talaga na mabasa niya to kasi alam na rin niya yung deepest, darkest and dirtiest secrets ko wahahahahahahahah

anyway, before hindi niya daw alam kung ano yung blog. pero nung sinabi sa kanya ng prof niya kung ano yung blog, at nung nalaman niyang nagbloblog ako, naappreciate niya na yung mga nagbloblog :D

at lalo pa siyang natuwa nung sinabi ko sa kanyang natrack ko lahat ng mga pangyayari simula nung nakilala ko yung cyborgs..

october 16 - nakita ko si terenz at wearvin sa isang LOL group sa facebook (mutual friend namin ni rap) kaya inadd ko sila. ininvite nila ko maglaro nung midnight tapos nalilito ako sa kanila kasi puro cyborg blah blah yung name nila tapos ang iingay pa! :D

october 17 - naglaro kami ng 4v4 (ako, snowe, ian, rap VS wearvin, tj, ken, montessa) panalo kami! AP miss fortune pa gamit ko nun hahaha at dun ko una nakalaro si ian :D niloko niya pa ko sabi niya babae daw siya! naniwala naman ako! hahahaha

october 18 - pinakaunang beses na bumanat si wearvin sakin. tungkol sa angry birds at tsaka sa diary! hahaha! tapos nung gabi na, nagpadeliver ako tapos nameet ko yung koreanong delivery guy! ♥ todo kwento ako sa cyborgs tapos di ako makapagconcentrate sa laro kasi nga kinikilig ako! haha

october 19 - nahuli ko si wearvin na binubugaw ako sa mga friends niya sa LOL! hahahaha! pinapamigay yung facebook account ko! nawrong sent siya sakin nun e kaya caught in the act!

october 20 - pinost ni rap sa LOL group sa facebook yung video namin ni jep nung highschool D: tapos naiyak ako kasi naalala ko nanaman si jep (e nung time na to hindi pa ko nakakamove on!) tapos cinomfort ako ni snowe at wearvin! natouch ako sa kanila kasi kahit ilang days pa lang kami magkakilala, nafifeel ko yung concern nila sakin hihihihi :D

october 21 - napagalitan ako ni madur kasi hindi ko siya narereplyan sa chat tapos nakikita niya kausap ko yung mga "intsik" sa facebook! haahahahahahahahahahahah ito rin pala yung time na may kanya kanya na silang nickname sakin :D jiji, ashi, shi shi, shinini :D

october 22 - nagtext sakin si jep out of nowhere! sobrang nagulat ako tapos wala akong mapagsabihan kasi hindi nakaonline si wearvin o kaya si snowe D: si ian yung triny kong kausapin kaso sabi niya hindi daw siya magaling magbigay ng advice. kaya ang payo niya lang sakin, iblog ko na lang daw hahahahah

october 23 - /all bitch my very first trashtalk with cyborgs hahahahaha!! nashock nga sila sakin e! hahaha that time kasi nagkaron ako ng new champion! si gangplank! :D hahaha masyado akong nacacarried away dahil ang sarap gamitin ni GP kaya natawag kong bitch si annie! hahahahaha ito rin pala yung LOL day challenge na 50 skins!

october 24 - nagpost ako na may namimiss ako. hindi ako nagmention ng names pero cyborgs yung tinutukoy ko dito. nung araw kasi na to, hindi ko ata sila nakitang online nung umaga? D: tapos nung gabi na, pinakita ko kay wearvin yung korean comic na nakakatakot! hahhah gumanti ako sa kanya >:D kasi tinakot din ako ni enishi dun e! tapos nung araw na to, nanakawan ako ng 200 garena shells!

october 25 - hindi ako nakapagonline kasi pinaglinis ko si melvin at earl dito sa bahay. tapos sa pagkakaalala ko, kinwento ko sa kanila yung tungkol sa chinese friends ko sa LOL. sabi pa nga ni melvin, pinagpapalit ko na daw sila ni earl sa mga new found friends ko! hahahahaha

october 26 - wala akong post tungkol sa cyborg nito e. maintenance pala yung LOL.

october 28 - nagpapalaundry ako kasama ko si booh (pupunta kasi kami sa bahay niya nun) tapos nawala yung cellphone ko! T^T tapos paguwi ko naman nung gabi, wala akong internet! malas ako nung araw na to hahahaha

october 29 - at dahil wala akong internet, wala ring blog updates. ay meron pala, pero not so important. pumunta pa ko sa computer shop para magblog kasi nga wala akong net haha!

november 1 - may internet na ulit ako :D tapos binigyan ulit ako ni wearvin ng 200 garena shells pambili ng gangplank skin! hohoho

november 2 - nagheart to heart talk kami ni wearvin! hahahahaha

november 4 - nameet ko ulit yung mukhang koreano na delivery guy!


november 7 - nagconference kami ni wearvin at terenz sa garena! tapos nagjoke si wearvin tungkol sa first word na "wewe" at "tete" na sobrang bumenta sakin!! hahahahahahahah

november 11 - bumili ako ng blackberry curve :D mineet ko sa trinoma yung seller! nung una binebenta sakin ng 6.5k pero sabi ni wearvin tawaran ko daw dahil masyadong mahal yun! tapos bandang huli, nakuha ko na lang ng 5k hahahaahah


november 13 - madalas ko na nakakausap ko si ian tapos narealize ko okay rin pala siya :D hahahaha dati kasi natatakot ako sa kanya dahil parang ang sungit niya na ewan :O

november 16 - di nagonline si wearvin the whole day tapos namiss ko siya D: hahaha si ian tuloy kausap at kalaro ko nun haha tapos naglalaro kami 1v1 >:D

november 19 - i told someone something that i should't have. gg ako.

november 21 - he he he :D

november 22 - gumawa ako ng JIA gamit yung wards hahahaha

november 23 - nagusap ulit kami ni wearvin tungkol sa talambuhay namin! hahahahahahha nakakaaliw talagang kausap si wearvin kasi kahit anong topic pwede siya! :D

november 26 - i'm officially a cyborg :D

ayunnnn :D mahigit 1 month ko pa lang pala sila kilala sa online game pero feeling ko years na kami magkakasama! hahahahahha aliw na aliw nga si wearvin kagabi kasi may record ako nung mga simple happenings :D narecall ko pa tuloy kung paano ko sila nakilala at kung paano kami naging close close~

ginagawa ko lang naman to kasi makakalimutin ako hahaha!! i have a bad case of short term memory, kaya nga tinatawag ako ni wearvin na goldfish XD peroooo... natutuwa rin siya sa ginawa ko kasi nafefeature siya sa blog ko at naaappreciate ko yung mga nagagawa nila sakin hahahahahahaha TIGAS! :">