10/15/11

warning! this very long text crap probably has nothing to do with you. it's up to you if you're willing to waste your time reading this. i'm gonna share this just because i wanna get this off my chest.

.
.
.

okay so.. this is about my crush :D

nameet ko si justine through facebook, friend of friends. kaibigan siya nila danno, dj, etc (basta yung cosplay group na nakilala ko sa isang convention) highschool friends sila, graduate sa st. james, so most of them are from malabon. awesome coincidence, isn't it?

hindi ko siya nameet nung actual event, at hindi rin siya pumunta nung last day ni dj dito sa pinas, so hindi ko pa talaga siya namimeet personally. pero palagi kong nilalike yung posts niya sa facebook kasi nakakarelate ako ng bonggang bongga! haha puro pang broken hearted chorva kasi! :D

tapos una ko siyang nakausap nung september 29. nagmessage siya sakin "salamat sa paglike, i like you too =)" tapos sabi ko nakakarelate ako sa posts niya kaya ko nilalike. tapos bigla niyang sinabi na "ako na lang next boyfriend mo blah blah blah" parang nagtritrip amp! hindi ko pa siya type nun, at parang medyo nayabangan ako sa kanya agad! naiirita kasi ako sa mga stranger na nangangarir! (maliban na lang kung chicks yan! hahahah) tapos ayun nga, tinurn down ko siya nun kasi bad mood pa naman ako that time dahil kay jeff. after that, hindi na niya ko ulit kinausap, siguro kasi naoffend ko siya or something. i don't know.

then after a week, nagpalit siya ng profile picture. at naisipan kong ibrowse yung iba niya pang pictures. tapos napogian ako sa kanya nung nakita ko yung pictures niya nung long hair pa siya :D natutuwa kasi ako sa mga lalakeng long hair! ang gwapo niya lungs! hahahahahahah and then.. naging crush ko na siya nun :D hahahah dun lang nagsimula ang lahat! e tamang tama naman dahil gusto ko makapagmove on agad kay jeff nun kaya naghahanap ako ng ibang inspirasyon~

pagtapos nun inistalk ko na siya! hahah nalaman kong may tumblr pala siya! at may blog rin! cool guy! :D tapos napansin ko parang ang tali-talino niya!! hihihi mas lalo akong naattract sa kanya nun because he sound sooo intelligent! (sa simula lang naman talaga ako naaattract sa ichura, later on mas nagugustuhan ko na yung ugali at ibang non-physical attributes)

pero crush ko lang naman talaga siya. hindi ko iniisip na akitin siya tapos magiging boyfriend ko! hahaha the hell! crush lang talaga! wala ng ibang hidden agenda! haha yung mga kaibigan ko lang naman super supportive! pero hanggang crush lang talaga! (my goodness, ilang beses ko ba kailangan ulitin to para maniwala kayo?! hahahahahahah) i just want us to be friends because i admire him. and that is all.

then i tried to be close to him. good thing, he's so friendly when it comes to girls! hahaha he entertained me :D like he entertains other girls~ but that really didn't bother me. ayos lang naman sakin kung marami siyang girl friends. masaya na ko na isa ako dun hahahahah!

tapos.. nakachat ko na ulit siya kasi feeling close na kami sa isa't isa hahaha :D at dun ko na nafeel yung friendliness / sweetness / cheesiness / flirtiness niya! hahahah hindi ko alam kung anong category yung ganung ugali kaya pinagsama-sama ko na lang! hahahah basta masasabi ko lang, he's so sweet sobra! yun tipong mapapa-aww :"> ka sa mga banat niya hahahahahaha! at dahil nga crush ko siya, syempre kikiligin ako nun hanggang buto! hahahahahahahah

e hindi pa naman ako sanay makaencounter ng ganung tipo ng lalake! tapos hindi ko pa boyfriend! e hindi naman kami ganun kasweet ni jeff sa isa't isa dati e. so parang masyado akong natuwa sa ganung feeling kasi dun ko lang nalaman na ganun pala yun! it made me feel like a princess! haha :D ang sweet sweet e! it feels like heaven when someone you like is being so sweet to you hihihi ♥

but i never gave him a hint na gusto ko siya. basta nagtatake advantage lang ako sa sweetness niya para kiligin ako! hahahahahahahahahahah oportunistang bitch :D

naging maganda yung resulta ng moving on process ko kasi nageenjoy ako sa crush ko tapos hindi na rin nagparamdam ulit si jeff sakin. siguro dun na talaga nagtatapos story namin. so nagfocus na lang ako kay justine :D

in less than a week, mas lalo kami naging close, mas lalo siya naging sweet at mas lalo akong kinilig sa kanya :D ang sarap lang kasi sa pakiramdam na napapalapit ka sa crush mo! hahaha tapos nagshare na siya ng personal stuffs sakin, binigay niya yung number niya, we're planning to meet, palagi niya kong napapangiti sa mga banat niya, and he's making me feel kilig publicly! grabe! haha hindi ako sanay ng ganun! kaya yung nafifeel ko during that moment seems so perfect! ♥

pero habang tumatagal, nafifeel ko parang may something na.. alam mo yun, parang iba na.. parang may purpose na yung pagbanat-banat niya sakin! gusto ko na talaga magassume nun e, but on the other hand, hindi pa rin ako convinced! D: parang ayoko maniwala. parang hindi tama e. parang trap lang yun. parang joke joke lang ang lahat. hahahaha at tsaka alam ko namang sadyang sweet lang siya sa mga babae kaya hindi dapat ako magpadala sa mga ganun. at isa pa, wala talaga sa plano ko na magkaron ng mutual feeling! kaya nga nagsisisi ako kung bakit ko sinakyan yung kasweetan niya! D: baka tuloy iniisip nun crush ko siya at ready ako sa relationship! tss. pero wala naman talaga siyang pinapahiwatig na ganun, paranoid lang ako hahahahahahahaha!!

ang arte ko e no? may pa-hard to get factor pa! hahahahah pero sa totoo lang kasi, mapili ako sa lalake :O kaya nga isa pa lang yung nagiging TOTOONG boyfriend ko! si jeff pa lang! (kathang isip lang si kuhlafu e! hahahahahahaahahahahah joke!!) basta ayoko makipagflirt sa lalakeng hindi ko naman boyfriend. kahit pa crush ko siya, hindi pa rin ako comfortable D:

old school pa rin yung outlook ko pagdating sa intimate relationship e! haha! ayoko ng mala-friends with benefits! hahahahahahahahahahahah ewww.. hindi ako si mila kunis! (but i wish i was as hot as her! damn!)

anyway, sa ngayon, sobrang naguguluhan na ko. hindi ko na maintindihan kung ano yung nafifeel ko sa kanya. ang dami kong nakikitang bagay na nakakaturn off e D:

unang una, natuturn off ako sa crush ko kapag nalaman kong gusto rin niya ko (just in case na totoo nga talagang gusto ako ni justine!) pero proven talaga to! nangyari samin to ni jeff dati hahahahah! kaya nga ang tagal naming hindi nagusap nun e bago maging kami! haha magkaklase kami but we act as if we don't exist! hahahah nung nalaman kong nadevelop siya sakin, parang pinilit ko yung sarili ko na layuan siya. kaso ang lakas lang talaga ng magnet niya e :D jiashi-magnet :D wahahahahah okay stop, enough explanation.

pangalawa, nagiba yung impression ko sa kanya nung nakita ko yung posts niya sa tumblr O________O your blog describes what kind of person you are.. and i noticed that.. hmm.. he's kind of "green" :O oh well, i do respect that. very open naman ako pagdating sa mga ganung bagay. but i find it kinda awkward to hang out with guys who's fond of "hook-up" stuffs in his mind. sorry, pero awkward lang talaga.

pangatlo, i feel like i've already had enough of his sweetness. do you know that he texts me at 4:00 in the morning just to remind me that he misses me? hindi ko alam kung ginagawa niya rin to sa iba but i swear, it's so freakin' sweet! :"> plus, he doesn't hesitate to post sweet stuffs on my wall! :"> and he calls me babe! damn! :"> nakakakilig sobra! hahahah pero parang may mali talaga e D: hindi naman kasi talaga ako sanay na magpasweet sweet sa lalakeng hindi ko naman boyfriend D:

*sigh*

this is so confusing! i mean, yeah, i like him, but i hate the fact that he's starting to like me back D: he's just too sweet and i'm afraid that i can't return the favor. i'm pretty sure that somebody deserves his sweetness a lot more. he's too good for me and i'm not good enough for him.

i really need to tell this to him as soon as possible. i'll try to talk to him maybe later. this will eventually get much worse if i don't clear things up with him. i just wish he could understand me D: help me Lord!