10/31/11


sa wakas, napanood ko na rin yung no other woman! the best!

crush na crush ko si anne curtis pero aaminin ko, naaasar ako dun sa role niya! she'll make the guy fall for her tapos kapag baliw na baliw na sa kanya iiwanan niya rin. at ginagawa niya yun for fun?! kailan pa naging fun ang manira ng relasyon? (pero i'm not sure kung alam ba niya na may asawa si derek bago niya landiin.. hmm nagchichikahan kasi kami ni axela habang nanonood e kaya hindi ko naintindihan yung ibang parts hahahaha) pero in all fairness, nagampanan niyang mabuti yung character but still, nakakainis pa rin! hahaha

tapos nung una, naaawa ako kay christine reyes kasi perfect wife na nga siya tapos ganun pa ginawa sa kanya ng asawa niya. parang ayaw na niya ipaglaban kasi bakit niya pa ipaglalaban kung alam naman niyang kanya yun? pride niya ang nakasalalay kapag naghabol siya. choice nung asawa niya na mambabae kaya hintayin na lang siya kung gusto niya pa bumalik.

pero may point rin yung mommy ni christine.. si carmi martin! hahaha super funny siya at ang ganda ng lines na binibitawan niya! :D sinabi niyang may karapatan lumaban si christine dahil siya naman ang asawa. parang may karapatan siya mang api kasi siya naman ang unang inargabyado :D things like that blah blah.. pero ang ayoko lang kay carmi martin, nung naging okay na sila ng asawa niya, parang ayos na ulit mambabae. as long as walang suki na kabit etc etc. hindi tama yun e.

nung bandang gitna na ng movie, natuwa na ko kay christine reyes kasi natuto na siya lumaban! hindi na siya mukhang kawawa wahahahahahah kung sabagay diba, paano mo malalaman na mananalo ka kung hindi ka lalaban? >:D favorite part ko nung sinabi niya habang nagdidinner sila kasama si derek at anne..

"mababaliw siguro ako kapag nalaman kong may babae siya.. baka mapatay ko yung kabit.. silang dalawa, actually."

o yes! palung palo! hahahahaha ako rin ganun gagawin ko, seriously! >:D i'd rather see him dead than to see him with another woman~ sounds morbid pero genen telege! hehehe

si derek naman muntanga lang dito! perfect na nga yung asawa niya tapos nambabae pa! pero kung sabagay, sino ba namang makakatanggi sa anne curtis?! hahahaha pero mali pa rin yun! buti na lang talaga at bumalik pa rin siya dun sa asawa niya~

sana kasi yung mga lalakeng may balak mambabae, sana wag na lang magcommit kung magchecheat lang rin naman! para walang babaeng umiiyak! gusto ko kayo sapakin sa mukha with super poke! >:D

anyway, ang ganda talaga ng story ng no other woman! sobrang ganda niya gustong gusto ko siya! ♥ panoorin niyo na rin! yey!