10/24/11

OKAY, NANAKAWAN AKO NG 200 GARENA SHELLS! >:((((((((((((((

nung isang araw pa ko gusto bigyan ni wearvin ng pambili ng gangplank skin.. take note, SIYA ANG NAGOFFER! i mean, hindi ko yun hiningi sa kanya! actually, nahihiya nga ko e, sabi ko hindi na niya ko kailangan bigyan. tsaka nahihiya akong manghingi, mangutang or manghiram kasi ayokong tumatanaw ng utang na loob. mas gugustuhin ko pa talaga na ako ang magbigay kesa ako ang bigyan :D

so ayun.. kaninang mga 6 pm tinatanong ako ni wearv kung natop up ko na daw ba yung garena shells. kasi nakita daw niya kong online nung 1 pm kaya sinend niya sa garena ko! e kaso hindi naman ako online that time! so naisip ko baka may ibang nakakuha kasi maraming nakakaalam ng account ko! then sabi ni wearv itry ko pa rin daw muna, baka hindi pa nagagamit. pero sabi sa garena, USED na daw yung card na yun! T_________T


buti nga hindi nagalit o nanghinayang si wearv e! 200 lang naman daw yun, di daw ganun kalaking halaga para sa kanya.. pero syempre ako yung nahihiya! kasi bigay na nga lang yun, napunta pa sa iba! D: napakacareless ko kasi, binibigay ko kung kani-kanino yung account ko sa league of legends huhuhuhu balak niya pa rin ako bigyan ng another 200 bukas kaso tinanggihan ko na. nahihiya na talaga ko.

nako, nakakainis talaga! ang sarap lang barilin kung sino man nakakuha nun! ang kapal ng mukha para angkinin yung load! tangina! may suspect na nga ko e! pero wala na kong balak iconfront siya. maagang pamasko na lang ni wearv yun sa kanya >:D

haaay. 200 garena shells na, naging bato pa. hahahaah! soyong tologo T^T