10/8/11

nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. yung mga nangyari samin ni jep, masyadong hurtful kaya hindi yun madaling kalimutan. nobody knows how cruel my past is D: kahit nga yung tatlong bestfriends hindi nila alam yung buong pangyayari. nakakahiya e. sobrang pinagsisisihan ko talaga. hindi ko ugali ang magsisi sa mga bagay na ginawa ko, pero sa mga pinagdaanan namin ni jep, talagang nagsisisi ako ng bonggang bongga D:

sobrang masakit, to the point na gusto ko na lang mamatay para wala na ko maramdamang sakit. pero hindi naman pwede yun dahil natatakot ako magsuicide hahaha! the only best choice is to forgive and to forget~

well, i have already forgiven him. wala na kong hard feelings sa kanya swear :D

but i think i cannot easily forget him D: ang daming bagay na nagpapaalala sakin sa kanya. ang dami naming connections. ang daming masasayang memories. hay..

i know it will take so much time bago ko siya makalimutan, but i can't wait to move on. gusto ko with one snap of my finger, mawala na lang agad. ayoko na pagdaanan yung healing process, kasi sobrang masakit din yung part na yun D: D: D:

pero aside from time, may isa pang pwedeng makatulong para mapadali yung pagmomove on ko..

"only love can heal a heart that was hurt by love."

kung may isang tao na pwede mo pagtuunan ng attention mo, pwede siya maging pangontra sa depression.. at yun yung ginagawa ko ngayon :D hahahahahaha

now, let's talk about my new crush :D

itago na lang natin siya sa codename na.. SELENA GOMEZ!


hahahahahahahahhaahahhahahahah what the actual fuck?! si geib nakaisip ng codename na yan e hahahaha! hindi kasi pwede yung BIEBER kasi obvious masyado.. JUSTINE bieber. ugh.

anyway..

aaminin ko, pinipilit ko yung sarili ko na maghanap ng bagong inspirasyon. sinusubukan kong libangin yung sarili ko sa mga crush crush.. and guess what? hindi ko naman akalain na mageenjoy ako ng todo dito kay SELENA GOMEZ! hahahahahaha :D ♥ kahit papaano, nagagawa kong makalimutan yung mga bagay na nagpapalungkot sakin :D

i can see a lot of reasons to admire him :D well, sa totoo lang, nung una naturn off ako sa kanya, kasi parang "nangangarir" siya (ikwekwento ko rin to sa blog ko next time!) but later on, i realized that he's actually my type of guy! :D hahahahah

pero walang akong ibang intentions dito, basta crush ko siya ♥ yun lang! kuntento na ko ng isa ako sa mga babaeng friends niya :D hahaha at napakasupportive naman ng tatlong bffe ko :D hahahahahaah i love this feeling ♥

konting panahon pa at tuluyan na kong makakaget over kay jep :D after deleting all our pictures together, ang next plan ko is to.. throw away all the stuffs that he gave me. o kaya idodonate ko sa charity hahahaha! o kaya ibabalik ko sa kanya kapag fully recovered na ko :D yayayay!