10/20/11

kinausap ako ni snowe at wearvin nung nakita nila yung post ni rap sa LOL facebook group.

hay grabe! sobrang natouch ako sa kanila! T___________T nakakatuwa kasi yung mga kaibigan na kusang nagtatanong kung ayos lang ba ko, or nagbibigay ng advices na unexpected. and to think na sa league of legends ko lang naman sila nakilala.

ang sarap sa pakiramdam kasi ang tagal tagal na talagang hindi naoopen up yung about samin ni jep.. wala kong ibang nakakausap tungkol dun kasi hindi naman ako pala-open ng problema sa iba. at kung magoopen man ako, sa tatlong bestfriends ko lang. e kaso nahihiya na nga ko sa kanila magkwento ng tungkol kay jep kasi baka napapagod na sila makinig sa iyak ko. puro na lang problema shineshare ko sa kanila. hay..

pero kanina, natuwa talaga ko kasi si snowe at wearvin pa mismo yung unang kumausap . ramdam na ramdam ko yung concern nila kahit hindi ko pa sila namimeet in person T^T

at nung nagshare ako kay snowe at wearv, bigla ulit akong natauhan. tulad ng inaadvice ng ibang tao sakin, sinabi rin nila na hindi worth iyakan si jep. kaya dapat simulan ko na magmove on. hindi ako deserving na maging ganito kamiserable kasi wala naman akong ginagawang masama sa ibang tao. kalimutan na lang yung mga pinagdaanan at maging positibo para sa future.

sa totoo lang, naiiyak ako ngayon not because of jep.. kundi dahil sa mga kaibigan kong sobrang sweet sakin T^T touched talaga ko! gusto ko sila bigyan ng galio group hug! ♥ ♥ ♥

---

at may natutunan pala ako kay snowe :D

sabi niya..

okay lang daw magpakita ng lungkot sa bestfriends ko.
that's what bestfriends are for.. crying shoulders daw sila :">

hay, lalo ko tuloy nararamdaman na sobrang blessed ko! buti nga ako may bestfriend e, hindi lang isa kundi tatlo! :D tapos may bonus pang super friends na katulad ni snowe at wearvin at marami pang iba ♥

basta love na love ko kayong lahaaaaaaaaaaaaaaaaaat my gorgeous friends!! :D