10/28/11

huhuhu super malas ko today D: nawala yung cellphone kong si asmodeus! at hindi ko alam kung saan nawala! basta pagkatapos ko manggaling sa laundry nawala na T^T sayang yung pictures at contacts huhu! at sayang din kasi limited edition pa naman yun! wala na kong pang cam whore huhuhuhu

tapos kakapalit ko pa lang naman ng number! hay, gagamitin ko na lang siguro ulit yung puro number 6 haha!! feeling ko andun yung swerte ko e! hahahahah oh well, balak ko na rin naman magpalit ng phone e. but for the mean time wala pa kong magagamit D: ayoko nung touch screen nangangain ng tanga yun e! hahaha gusto ko bumili na lang muna ulit ng cheap phone :D katulad nung dating binili ko na may flashlight yey :D para may madradrawingan ako bwahahahah

pero hindi pa dun nagtatapos yung kamalasan ko..

paguwi ko sa bahay, wala naman akong internet! tss! naputulan ata ako dahil hindi ako nakapagbayad netong october 20 huhuhuhuhu nandito lang tuloy ako sa shop! nakakairita yung mga naglalaro ng dota ang iingay leche! parang may nagaaway dito sa loob ng shop! hahahah basta ang malas malas talaguhhh! tapos wala pang landline! ay nako, mabubuang na ko sa bahay hahahah! maglilinis na lang siguro ako! hahahah!

hmm, pero keri lang yung sa phone ko. mahigit 1 year na rin naman sakin yun e. at isa pa, hindi naman ako ganun kaaffected tuwing nawawalan ng gamit. sus, material lang yan! ang hindi ko lang talaga matatatanggap ay yung internet huhuhu!