10/13/11

hahahaha nakakatuwa! ang dami dami ko nang ipon ♥ hindi ko naman nagagastos kasi walang time gumala hayyy~

pero kahapon nung nagpunta kami sa ust ni geib, tapos dumaan kami sa sm san lazaro, sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ako uuwi ng walang nabili!! :D hahahaha

kahapon lang kasi ako ulit nakapunta sa sm after gazillion years! :D kaya sabik na sabik ako gumastos!! at feeling ko araw ko talaga yun dahil ang dami kong nakikitang cheap items na worth buying ♥ haha


i bought this shirt from artwork for only 149 php! :D o diba mas mura pa kesa sa divisoria! (namimiss ko na rin pala pumunta sa 168 D:) wala lang, nakyutan lang ako sa design! GPOY e bwahahahahaahahah


super cute na skirt sa genevieve gozum :D pwede siyang pang formalan, pwede ring pang casual lang! si geib yung unang nakakita nitong skirt kaso ayaw niya bilhin kasi wala siyang dalang cash hahaha sabi ko papautangin ko siya ayaw niya naman~ kaya ako na lang bumili :D ang cute cute kasi sayang naman! e nakasale pa! 199 php lang! yay :D


nabili ko tong frame sa artwork for 250 php! medyo mahal siya.. pero naisip ko kasi magagamit ko rin naman to dahil balak ko palagyan ng lens na may grado para may magamit na ulit ako :D and then kanina pumunta na ko sa monumento para magpagawa, tapos nagsisisi ako bandang huli! huhuhu mukha kasing birth control glasses to kapag suot ko na hahahaha T^T parang nakakahiya isuot sa public place huhu! e milticoated lens pa pinalagay ko kaya 900 php! nakakapangsisi lungs baka hindi ko keri isuot!


nakita ko tong cute na panda speakers sa japan home kanina tapos binili ko agad :D i like pandas :D but geib loves pandas more! kaya naisipan ko to bilhin para sa kanya ♥ pero nagkamali ata ako dahil sira yung napili ko D: last stock na kasi ng panda design yan kaya kinuha ko na agad! nagsisi ako kasi hindi ko muna natest! pero sabi naman ni geib okay lang daw sa kanya kahit hindi gumagana~ ididisplay na lang niya :D hahahah mahilig nga kasi siya sa panda! next week kapag nagkita kami ibibigay ko sa kanya to hihihi i'm so sweet!


there's really nothing special about these pens hahahahah! i don't use ordinary pens, i use only g-tec .3 black hahahaha! (akala mo nagyayabang, pero ang totoo kasi niyan, sobrang pangit ng sulat ko kapag hindi g-tec ang gamit ko! hahahahahah as in sobrang pangit talaga!) pero natuwa ako dito kasi favorite color naming apat!! ♥ pink (kay booh), orange (kay geib), green (sakin) at blue (kay rheca) :D bihira kaya makumpleto yung kulay namin! kasi madalas yellow yung kasama, o kaya purple.. pero yan ang galing kumpleto kami :D hahahahahahah nakyutan nga rin sila e ♥ itreatreasure ko na lang to forever hahahahahahah!

basta may mga nabiling pa akong ibang stuffs~ bumili rin pala ko ng mga bagong silly bands pero nagsisi rin ako kasi ang pangit pala nung shapes huhuhu! palagi na lang akong nagsisisi sa mga binibili ko hahahahaha madalas kasi hindi na pinagiisipan e! ang sarap kasi magwaldas pera hahahah kaya tuloy poor na ulit ako today D:

next week, 168 naman ang target ko bwahahahahahahahah :D shopping galore ulit! tsaka gusto ko rin makita yung cosplay shop na sinasabi ni geib~ ohhh daming plans sana matuloy lahat ng to! :O