9/28/11

self-realization # 2

tuwing nagpopost ako ng madradramang entries, hindi ko yun ginagawa para magpapansin o kuhanin yung simpatya niyo. wala na akong pakialam kung sino ang mga nakakabasa nito at wala rin akong pakialam kung ano yung isipin niyo sakin. kung tingin niyo napakasama ko palang tao base sa mga nabasa niyo, keri lang! :D salamat pa rin sa inyo kasi kahit paano napapatunayan ko na may mga tao palang interesado malaman yung updates sa buhay ko! hahaha (feelingera mode) joke lang :D

i got two reasons why i blog.

first, i am very forgetful. madali akong makalimot ng events, details, information, etc. sobrang mahina ako sa memorization swear! in short, ulyanin ako D: kaya nagbloblog ako para matrack ko yung mga ginagawa ko araw araw tapos someday maaalala ko pa rin kapag nabasa ko ulit :D

second reason, hindi ako showy. hindi ako pala-share ng problema sa kung sino sino. konti lang kasi yung pinagkakatiwalaan ko. sa tatlong bestfriends ko lang ako nagoopen ng halos lahat ng bagay tungkol sakin.. pero minsan, mas comfortable pa rin ako sa blog or online journal. feeling ko kasi sarili ko lang ang kausap ko dito :D (kahit alam ko namang marami talagang posible na makabasa nito dahil hello! internet po ito! hahaha!) pero kadalasan naman kasi alam ko na kung paano ko sosolusyunan yung mga problema ko. self-realization lang ang kailangan :D

kaya sa madaling salita, i blog to express, not to impress. kanya kanyang trip lang yan, wag niyo pilitin intindihin kung hindi niyo alam :D