9/21/11

#sama ng loob

nakakainis lang kasi si earl.

sabi niya sakin nalulungkot daw siya ngayon.. kasi twice na siyang hindi sinisipot ni yvonne sa plano nilang date! tuwing day before ng pagkikita nila, hindi nagpaparamdam sa kanya! e tangina, hindi sa pagiging judgmental at hindi rin naman sa dinodown ko si earl pero duh! walang wala talaga sa karakter ni yvonne na magseseryoso sa ganung usapan! ang tanga lang ni earl dahil masyado siyang nagpapaniwala sa ganun! hindi ba obvious na pinagmumukha na siyang tanga nun???

isang beses pa lang nagkita si earl at yvonne, at yung pagkikita nilang yun e parang accidental lang! tapos add add sa facebook, then text text! yun lang! nakakainis si earl dahil kung magpaapekto siya dun kay yvonne, parang ang lalim na ng pinagsamahan nila! big deal masyado amp! at isa pa, bakit ba kasi siya kampante na gusto din siya yung babaeng yun?! hay..

concerned lang ako kay earl dahil loyal siyang kaibigan sakin. he's like a real pet dog to me hahahaha!! joke lang!! parang siya yung bestfriend kong lalaki :D parang bffe na nga din namin siya dahil palagi siyang sumasama tuwing nagkikita-kita kaming apat e hahahahah! so ayun, dahil nga mabuti siyang kaibigan sakin, gusto ko siya tulungan icorrect yung mga pagkakamali niya. at ang mali niya dito, masyadong mataas yung expectation niya kay yvonne, kaya tuloy nadidisappoint siya. tsk tsk!

pero ang nakakainis na part talaga dito.. kung makapagreklamo si earl na nalulungkot siya, akala mo e aping api siya! tangina! e may ginagawa rin naman siyang hindi maganda e! imagine, apat o limang babae yata yung pinopormahan niya ngayon! sabay sabay! si rachel, si dianne, si yvonne, si joy tapos si beth pa! puta! gago, este, gwapo no???

hay nako, inis na inis talaga ko sa kanya dahil dun! sinabi ko nga sa kanya direkta na napakafeelingero niya e! akala niya ata e gwapo na siya kapag marami siyang chicks! sobrang nakakainis talaga mga manloloko. hindi nakakatuwa -_____- hindi porket palagi niya kaming pinapatawa e kukunsintihin ko siya sa mga katarantaduhan niya!

sabi ko nga sa kanya, sa susunod na mabigo ulit siya, wag na siyang lalapit sakin! dahil ako sincere yung mga payo ko sa kanya, sinabi ko yun kasi yun yung tingin kong tama at makakabuti, kaya sa oras na magpakagago ulit si earl, susuntukin ko talaga siya sa mukha!