9/15/11

perfect na sana yung league of legends e, may isang bagay lang talaga na ayaw ko:

TRASH-TALK.

bakit pa kasi nauso yan?! pwede namang manahamik at magenjoy na lang. wag na masyadong seryosohin yung laro. kaso hindi e, yung iba kung makapagsalita pa, walang preno. kung anu ano sinasabi, mga bagay na wala namang kwenta. para tuloy walang pinagaralan. sus.

pero sabi nung mga kakilala kong LoL players na naglalaro sa NA server, wala naman daw trashtalkers dun. sa PH lang daw maraming mahilig magmura at mangaway.

tapos naalala ko din sabi sakin nung singaporean friend ko na dota player, hindi daw uso sa kanila yung trashtalk sa dota. nagulat lang daw siya nung pumasok siya sa philippines server, hindi pa nagsisimula yung game, puro trashtalk na agad nakikita niya. tss.

so siguro sa pilipinas lang talaga uso yung trashtalk sa strategy games. tsk tsk.

at isa pa, sa lahat ng online games na nilaro ko, ngayon lang ako nakaencounter ng severe trashtalkers T^T i've been an online gamer since 2005, ang dami ko nang natry na iba't ibang online games (from rpg to fps to multiplayer) pero wala namang matinding murahan dun. unlike sa dota at league of legends, ang iinit ng ulo ng mga players. nakakawalang gana tuloy maglaro.