9/22/11

bakit kaya kung sino pa yung malalapit na kaibigan mo, sila pa yung mas umaabuso ng kabaitan mo? kampante silang itest yung haba ng pasensya mo kasi alam nilang hindi mo magagawang magalit sa kanila agad.. lalo na kung hindi ikaw yung tipong madaling magtampo! tsk tsk!

sa totoo lang, sobrang pasensyosa talaga ko pagdating sa kaibigan :D mas mahaba pa ang pasensya ko sa kaibigan kesa sa sarili kong boyfriend! at yun yung something na gusto ko baguhin sa sarili ko D: sana kasi sa boyfriend ko na lang binababa yung pride ko para kahit paano worth it! e kasi pag sa kaibigan, minsan parang nananadya pa! alam mo yun, parang hindi nila masyado binibigyan ng importance yung feelings mo kasi alam nilang understanding ka naman! tss

tapos isusumbat pa niya/nila sayo na kawalan mo kapag nagalit ka. sasabihin sayo, sino ba ang "mas" nakakamiss? (e syempre ako aminado ako namimiss ko talaga sila!!) pero waw ah! ganun na ba sukatan non? tangina.

palagi mo na nga silang pinagbibigyan, aabusuhin ka pa! parang unfair na yata yun!! hindi sa pagmamalaki pero, kahit sinong close friend ko ang tanungin mo, palagi akong willing tumulong tuwing nangangailangan sila. sa kahit anong paraan na kaya ko. humihingi ba ko ng kapalit? never.

para sakin kasi, mas mabuti na yung ako ang tumutulong kesa ako ang tinutulungan. or in other words mas mabuti na yung ako ang nagbibigay kesa ako ang binibigyan. ayoko kasi tumanaw ng utang na loob sa iba. at tsaka ang sarap kaya sa pakiramdam kapag nakakatulong ka sa iba ng walang hinihintay na kapalit! promise ibang level yun! :D

oh well, anyway..

nakakainis lang kasi talaga dahil hindi ko naman to ginagawa sa kanila T______T e bakit sila nagagawa nila sakin to? huhuhu nakakawalang gana tuloy. bahala siya. tanggap ko na yung sorry niya pero ayoko muna siya kausapin.

pagbigyan niyo na ko, ngayon lang ako magtatampo sa close friend ko. hindi naman talaga ko madaling magtampo e. naubos lang talaga ng bongga yung pasensya ko sa kanya. hindi ko na babanggitin kung sino. basta.

at least hindi tungkol sa lovelife tong rant ko ngayon! hahaha nakakahiya na kay jep e! nababasa niya pala yung posts ko. tsk. isa pa yun! nakooooo~