9/28/11

ayoko pa sana talaga bigyan ng pansin to pero hindi ko na matiis e.

ang sakit lang kasi kapag sa ibang tao pa nanggaling.. yun tipong hindi ka aware sa mga nangyayari tapos biglang may magsasabi sayo na "ay ganito ganyan pala.."

alam mo yung feeling na para kang sinaksak sa likod?

ang sakit nun diba? aside from the fact na sinaksak ka kaya talagang masakit yun, mas lalong masakit yun kasi wala kang kaalam-alam e.. hindi mo man lang nagawang ipagtanggol yung sarili mo kasi nga binackstab ka.

alam kong naguguluhan kayo sa pinagsasasabi ko ngayon. nahihirapan rin talaga ko magexpress kaya pagtyagaan niyo na lang basahin kahit hindi niyo naiintindihan hahahaha

.
.
.

hmm nagkamali ako ng pinagkatiwalaan :D

nung una pa lang sirang sira na tiwala ko sa kanya e, pero hinayaan ko lang. nagkaron pa ng pangalawa, pangatlo, pangapat na chance :D oo umabot ng apat! tindi no? hahahahahaha tapos sabi ko sa sarili ko nun, huli na yung 4th chance na yun..

at ngayon, sa sobrang pagtitiwala ko sa kanya dahil mahal ko siya, nagkaron pa rin ng 5th chance :D (sa totoo lang, i don't like using the word "mahal". para sakin kasi precious yun at hindi dapat sinasayang sa mga walang kakwenta kwentang bagay like this)

and guess what? all those five chances were wasted because of the same reason.

"OTHER" GIRLS.

ayaw niya tawaging third party yun kasi naooffend ata siya hahahaha! take note, plural yon! girlsssss!! iba't iba pa! daming chicks! gwapo! hahahahahahahahahahahahah!!

tengeneng yen.

e kung marami lang rin naman akong kaagaw sa kanya, edi sa kanila na! hahahahahahahaha! pinakaayaw kong mangyari e yung mainvolve sa third party! ayoko makiagaw!

hindi ko naman talaga ugali na magselos. pero naiinis ako kasi napakabulgar naman niya! gagawa lang rin ng katarantaduhan, hindi pa ginawang malinis! palaging nagiiwan ng ebidensya! tangina! hindi ko tuloy alam kung hindi niya yun sinasadyang ipakita sakin o sadyang makapal lang mukha niya kaya hindi na siya nahihiya sakin! wow, grabe naman boy, ganun ba ko kababaw sa tingin mo?

at ito pa.. hindi ko maiwasan isipin na ginamit lang niya ako -_____- tangina, ang sakit sa part ko kasi ako yung babae dito e. alam kong hindi basehan ang gender pero kahit saang anggulo mo tignan, nakakaawa ako.

pero eto seryoso, walang halong pagpapanggap, hindi ko siya sinisisi. mas naaasar pa nga ako sa sarili ko e. sa ngayon kasi hindi ko na iniisip na niloko niya ko, ang iniisip ko lang e sobrang tanga ko pala kasi naniwala ako sa kanya ng paulit ulit ulit ulit ulit.. (repeat until fade)

sinong mas tanga? yung nanloko o yung nagpaloko? syempre ako.

"A second chance doesn't mean a happy ending, sometimes its just a chance to end things right this time around."

well at least, sa kabila ng lahat, ayos lang ako :D sa dinami-dami ng kadramahan na pinost ko dito sa blog ko, marami na rin akong natutunan :D hindi ko nakakalimutan maging optimistic kahit sobrang miserable na ko ngayon..

oo, masyadong masakit yung nararamdaman ko ngayon pero hindi ako galit sa kahit sino.. masama magtanim ng galit e :D forgive and forget na lang para madaling makapagmove on ang lahat :D

sana lang talaga pati yung mga tao sa paligid ko makapagmove on na rin! tangina! gusto ko sila gamitan ng kapangyarihan hahaha tatanggalin ko sa memory nila na naging kami ni jep! para hindi na nila maipaalala sakin ulit :D tangina kasi palagi na lang may nagtatanong, nagpapaalala, nangaasar, etc.. paulit ulit na lang nakakabobo na e!

---

ayan, nailabas ko na lahat ng ilalabas ko :D hahahahaha ay meron pa palang natira sakin, pero confidential na yun.

pero mas mabuti na talaga tong nailabas ko na bago ko magbirthday. para walang maging panira ng moment ko sa friday hahahahahahahaha!

advance happy birthday to me! yey :D