9/23/11

ang post na ito ay tungkol sa pagdadalaga ni rheca joy zabat indiana :D
pagbigyan na natin, birthday naman niya e! hahahahaha


first of all.. (spell "first of all" hahahaha!) first of all, pagpasensyahan mo na yung inedit kong picture! hindi ko masyadong napaghandaan e. ngayon ko lang ginawa yan. rush pa! baka kasi hindi umabot sa birthday mo kapag nagedit pa ko ng bonggang bongga e. kaya kumuha na lang ako ng mga pictures mo sa facebook tapos pinagsama sama ko. wala na kasi talaga akong maisip na ibang idea e T^T vain ka naman kaya for sure magugustuhan mo pa rin yan as long as nakikita mo yung mukha mo hahahahahaha! at tsaka hindi naman pagandahan ng edit ang labanan dito e diba? haha IT'S THE THOUGHT THAT COUNTS! o alam mo ba ibig sabihin non? hahahaha sige nga ano? haha joke lang :D

anyway, bago pa lumayo sa topic yung mga pinagsasasabi ko.. babatiin na kita ng isang bonggang bonggang HAPPY 18TH BIRTHDAY ♥ ♥ ♥

ikaw na teh! ikaw na 18 years old! ikaw na ganap na dalaga! ikaw na legal! ikaw na botante! ikaw na pwede makulong! ikaw na pwede magdrive! ikaw na nashoot sa manhole dati! hahahaha joke! basta ikaw na! araw mo to e, kaya ikaw na talaga! you already! ikaw na pwede magboyfriend! ayieee! :D basta dapat foreigner lang ah! o kaya half half~ para magagandang lahi ang maproduce niyo bwahahahahahahahaha ang bright bright ko talaga e no? :D swerte mo kaibigan mo ko marami kang matututunan sakin hahahahah

at syempre, pagkatapos kita batiin ng happy birthday, ang kasunod niyan yung "wish" :D

hmm.. ang wish ko lang talaga e maging happy ka ngayong 18th birthday mo :D you deserve to be the happiest girl today :D (o seryosong moment to kaya bawal magrereact pag nageenglish ako hahaha!) hindi naman required yung engrandeng celebration e. basta kumpleto yung mga taong gusto mo makasama sa birthday mo, sapat na yun :D always look at the brighter side, you're still lucky inspite of everything so don't forget to be thankful :D

wag na wag kang malulungkot. ayaw ng ramen + na nakikita kang malungkot. dapat palagi tayong optimistic at happy yipee corny, este yehey :D haha at kahit hindi natupad yung ideal birthday celebration mo na mala-fairytale ang drama, ikaw pa rin ang nagiisang princess ng papa mo :D at for sure proud na proud siya sayo :D

basta bukas kapag nagcelebrate tayo, sisiguraduhin namin na sasaya ka :D magiging mas masaya pa sa ineexpect mo! hihihi sana mga makumpleto tayong apat bukas e, kahit wag na sumama si earl basta kasama si booh hahahah

so ayun, happy 18th birthday ulit teh :D from jiashi with love ♥ hahahah

P.S. dapat maappreciate mo yan kasi nagsacrifice ako na hindi maglaro ng league of legends ngayong gabi para magawan kita nitong bonggang bonggang birthday greeting! (hahahahahahaha nanunumbat?!)