9/30/11

ugh..

okayyy..

di ko alam kung paano ko sisimulan tong post na to..

basta..

sobrang masaya tong araw na to and i'm speechless!! hahaha :D todo todong level ng happiness today ♥ ♥ ♥ i'm so happy i could dieee! oh please take me now, Lord! hahahahahahaha

walang katapusang thank you sa mga kaibigan ko :D :D :D sana silang lahat na lang yung boyfriends and girlfriends ko sabay sabay! hahahahah i wanna marry all my friends!! i love them soooo very very muchie much ♥ yey!

i just realized how lucky i am with amazing family and awesome friends! :D hindi na dapat maging malungkot dahil sa isang tao lang kung marami ka namang kaibigan na palaging nandyan para pasayahin ka :D happy is the man who has a broken heart! hahahahhaha CHOS! oh well, i so love this positive feeling :D

basta maraming dapat ipagpasalamat ngayong araw na to! thank you Lord! i love you po! parang gusto ko na talaga magmadre! hahahahahahah!

bukas ko na lang ipopost yung continuation nitong speech ko tungkol sa birthday ko! hihihi ang dami ko pang rereplyan na birthday greetings! hahahahaha nalulurkey na nga ako e! pakitulungan nga ko hahahah!

anyway, happy 18th birthday ulit sakin! ang masasabi ko lang,

PUTANG INA LEGAL NA TALAGA KO!

hahaahahahahah wooooo!!

9/29/11


hahahahahahaha kapag kailangan ng mapagtritripan, palaging available si earl :D

i'd rather see you dead than to be with another girl
so run for your life, little boy! ♥

sa totoo lang, isa yan sa mga ayaw kong kanta ng beatles haha! kakaiba kasi yung tema! parang ang harsh masyado! hahahahahah at medyo bitter din wooo~

in all fairness, super relevant tong kanta na to ngayon! hahahahah kaya pagbigyan niyo na ko! last na talaga to promise! :D hahahahah matatahimik na talaga ko after nito ♥ ♥ ♥

makukuntento na ko at magiging masaya habang buhay :D

---

uy, advance happy birthday pala sakin! :D hihihihi sana maging happy ako tomorrow~ pakiramdam ko kasi walang nakakaalala sa mga kaibigan ko.. hmmm D: - kainis drama hahahah!
hahahahahahahaha! sabi kasi ng mga kaibigan ko sa league of legends, kamukha ko daw si annie dyan sa graduation picture ko nung kinder :D


e pareho naman kami ng bangs e :D haha! tapos yung expression ko pa! win!

9/28/11

self-realization # 2

tuwing nagpopost ako ng madradramang entries, hindi ko yun ginagawa para magpapansin o kuhanin yung simpatya niyo. wala na akong pakialam kung sino ang mga nakakabasa nito at wala rin akong pakialam kung ano yung isipin niyo sakin. kung tingin niyo napakasama ko palang tao base sa mga nabasa niyo, keri lang! :D salamat pa rin sa inyo kasi kahit paano napapatunayan ko na may mga tao palang interesado malaman yung updates sa buhay ko! hahaha (feelingera mode) joke lang :D

i got two reasons why i blog.

first, i am very forgetful. madali akong makalimot ng events, details, information, etc. sobrang mahina ako sa memorization swear! in short, ulyanin ako D: kaya nagbloblog ako para matrack ko yung mga ginagawa ko araw araw tapos someday maaalala ko pa rin kapag nabasa ko ulit :D

second reason, hindi ako showy. hindi ako pala-share ng problema sa kung sino sino. konti lang kasi yung pinagkakatiwalaan ko. sa tatlong bestfriends ko lang ako nagoopen ng halos lahat ng bagay tungkol sakin.. pero minsan, mas comfortable pa rin ako sa blog or online journal. feeling ko kasi sarili ko lang ang kausap ko dito :D (kahit alam ko namang marami talagang posible na makabasa nito dahil hello! internet po ito! hahaha!) pero kadalasan naman kasi alam ko na kung paano ko sosolusyunan yung mga problema ko. self-realization lang ang kailangan :D

kaya sa madaling salita, i blog to express, not to impress. kanya kanyang trip lang yan, wag niyo pilitin intindihin kung hindi niyo alam :D
ayoko pa sana talaga bigyan ng pansin to pero hindi ko na matiis e.

ang sakit lang kasi kapag sa ibang tao pa nanggaling.. yun tipong hindi ka aware sa mga nangyayari tapos biglang may magsasabi sayo na "ay ganito ganyan pala.."

alam mo yung feeling na para kang sinaksak sa likod?

ang sakit nun diba? aside from the fact na sinaksak ka kaya talagang masakit yun, mas lalong masakit yun kasi wala kang kaalam-alam e.. hindi mo man lang nagawang ipagtanggol yung sarili mo kasi nga binackstab ka.

alam kong naguguluhan kayo sa pinagsasasabi ko ngayon. nahihirapan rin talaga ko magexpress kaya pagtyagaan niyo na lang basahin kahit hindi niyo naiintindihan hahahaha

.
.
.

hmm nagkamali ako ng pinagkatiwalaan :D

nung una pa lang sirang sira na tiwala ko sa kanya e, pero hinayaan ko lang. nagkaron pa ng pangalawa, pangatlo, pangapat na chance :D oo umabot ng apat! tindi no? hahahahahaha tapos sabi ko sa sarili ko nun, huli na yung 4th chance na yun..

at ngayon, sa sobrang pagtitiwala ko sa kanya dahil mahal ko siya, nagkaron pa rin ng 5th chance :D (sa totoo lang, i don't like using the word "mahal". para sakin kasi precious yun at hindi dapat sinasayang sa mga walang kakwenta kwentang bagay like this)

and guess what? all those five chances were wasted because of the same reason.

"OTHER" GIRLS.

ayaw niya tawaging third party yun kasi naooffend ata siya hahahaha! take note, plural yon! girlsssss!! iba't iba pa! daming chicks! gwapo! hahahahahahahahahahahahah!!

tengeneng yen.

e kung marami lang rin naman akong kaagaw sa kanya, edi sa kanila na! hahahahahahahaha! pinakaayaw kong mangyari e yung mainvolve sa third party! ayoko makiagaw!

hindi ko naman talaga ugali na magselos. pero naiinis ako kasi napakabulgar naman niya! gagawa lang rin ng katarantaduhan, hindi pa ginawang malinis! palaging nagiiwan ng ebidensya! tangina! hindi ko tuloy alam kung hindi niya yun sinasadyang ipakita sakin o sadyang makapal lang mukha niya kaya hindi na siya nahihiya sakin! wow, grabe naman boy, ganun ba ko kababaw sa tingin mo?

at ito pa.. hindi ko maiwasan isipin na ginamit lang niya ako -_____- tangina, ang sakit sa part ko kasi ako yung babae dito e. alam kong hindi basehan ang gender pero kahit saang anggulo mo tignan, nakakaawa ako.

pero eto seryoso, walang halong pagpapanggap, hindi ko siya sinisisi. mas naaasar pa nga ako sa sarili ko e. sa ngayon kasi hindi ko na iniisip na niloko niya ko, ang iniisip ko lang e sobrang tanga ko pala kasi naniwala ako sa kanya ng paulit ulit ulit ulit ulit.. (repeat until fade)

sinong mas tanga? yung nanloko o yung nagpaloko? syempre ako.

"A second chance doesn't mean a happy ending, sometimes its just a chance to end things right this time around."

well at least, sa kabila ng lahat, ayos lang ako :D sa dinami-dami ng kadramahan na pinost ko dito sa blog ko, marami na rin akong natutunan :D hindi ko nakakalimutan maging optimistic kahit sobrang miserable na ko ngayon..

oo, masyadong masakit yung nararamdaman ko ngayon pero hindi ako galit sa kahit sino.. masama magtanim ng galit e :D forgive and forget na lang para madaling makapagmove on ang lahat :D

sana lang talaga pati yung mga tao sa paligid ko makapagmove on na rin! tangina! gusto ko sila gamitan ng kapangyarihan hahaha tatanggalin ko sa memory nila na naging kami ni jep! para hindi na nila maipaalala sakin ulit :D tangina kasi palagi na lang may nagtatanong, nagpapaalala, nangaasar, etc.. paulit ulit na lang nakakabobo na e!

---

ayan, nailabas ko na lahat ng ilalabas ko :D hahahahaha ay meron pa palang natira sakin, pero confidential na yun.

pero mas mabuti na talaga tong nailabas ko na bago ko magbirthday. para walang maging panira ng moment ko sa friday hahahahahahahaha!

advance happy birthday to me! yey :D
self-realization # 1

kung namimiss ka talaga ng isang tao, gagawa siya ng paraan para makausap ka niya. hinding hindi niya papalampasin ang isang araw na hindi kayo naguusap kasi alam niyang magaalala ka sa kanya. alam niya kung paano ibabalance yung oras niya sayo at sa ibang bagay. hindi na niya kailangan gumawa ng kung anu anong palusot. invalid reasoning ang "busy". may 10,080 minutes sa isang linggo, kung hindi niya kayang maglaan kahit mga tatlong minuto man lang bawat araw para sayo, tanggapin mo na lang na hindi ka ganun kahalaga para sa kanya.

gpoy <33333333333
Day 5 - A Picture of your Favorite AP Champion


are you afraid? fear me.
yey! pumunta si earl at melvin dito sa bahay tapos pinasaya nila ko ng bonggang bongga! :D maagang birthday celebration daw nila yun para sakin hahaha! uminom kami nung "gin ferrer mix" ni earl na lasang melon dynamite candy :D tapos.. hmm, basta hindi ko alam kung paano ko ikwekwento yung mga ginawa namin kanina e. iuupload ko na lang yung videos nila mamaya hahahahahahahah

super happy talaga kanina :D 40x mas masaya kapag magkasama silang dalawa! hahahaha ibang level yung saya swear! :D wala akong ginawa kundi tumawa ng tumawa ng tumawa ng.. haaaay :D


namiss ko pala si melvin! super! ♥ buti nagpakita na siya ulit hahahahahahahah ngayon lang kasi ulit kami nagkita after nung highschool graduation! hahahah tagal na shit! tapos sa monday pupunta yata ulit sila dito haha tapos si booh sasama na rin :D excited ako yey :D
ano nanaman kaya ang panibagong lame reasoning?

wala yan, pinsan lang yan ng pinsan ng tito ng kamaganak ng kapitbahay ng tatay ng kaibigan ng kaklase ng kuya ng katulong ng kapatid ng nurse.. ay ano?! hahahahahahahahahahah :D

gusto ko maasar sa kanya.. pero mas naaasar ako sa sarili ko.

alam mo yun? hay..

ang dami ko gustong iblog tungkol sa nararamdaman ko ngayon pero hindi ko alam kung saan magsisimula. tsaka ayokong masira yung mood ko ngayong week dahil birthday ko sa friday. at tsaka nandito pa naman ngayon si earl at melvin sa bahay para pasayahin ako :D hmm, papalipasin ko na lang muna yung birthday ko tapos magdedecide ako kung ano na talaga ang gusto ko mangyari.

oh well, tumblr will always be relevant.

ang daming rason para malungkot.. hindi ko na alam kung ano ang una kong iiyakan! hahahahahahahaha T___T

kainis ang drama ko.

my new road warrior miss fortune skin reminds me of hard gay hahahaha :D

9/27/11

wow, 18th birthday ko pala sa friday :D





e bakit parang hindi ko feel?
Day 4 - A Picture of your Favorite Tank


everytime somebody in my team picks galio, i automatically choose miss fortune, which is my best pick :D our ultimate is a perfect tandem in a clash hahahahah

9/26/11

Day 3 - A Picture of your Least Favorite Champion


everything about zilean is just annoying as hell -___-

yey finally! ♥ i'm so fluffy you're gonna die! bwahahahahahah

hindi pa pala makakauwi sila ate sa october 1 D:
sobrang namimiss ko na si ej e D:

i tried it out of curiosity and realized how it sucks big time! -_____-

oh mark zuckerberg, you just did a very wrong move again.

give me a little more time and i'm really gonna switch to google + [link]
umagang umaga umiiyak ako ng bongga -____-

nakakatamad ikwento dito sa blog. tanungin niyo na lang ako kung bakit :D hahaha

---

naalala ko yung sinabi ni sir ace dati.. mahirap icorrect yung pagkakamali ng taong mas matanda sayo. kahit alam mong ikaw yung tama, hindi pa rin maganda tignan na cinocorrect mo yung taong mas nakakatanda sayo kasi parang nawawalan ng respeto.

mabait pa ko sa lagay na to :D

9/25/11

nalulungkot ako ngayon D: D: D: ang gara kasi ng internet ko ngayon sobrang bagal!


look oh, 0.4 mbps lang siya ngayon pero minsan bumababa pa sa 0.2 mbps!

kapag nagyouyoutube ako sobrang tagal magbuff kahit isang video lang yung niloload ko. kapag nagfafacebook ako ang bagal magload ng new page kapag nagchecheck ako ng notification. kapag nagtutumblr ako ayaw lumabas agad nung pictures at gifs. paano pa kaya kapag naglaro ako ng league of legends diba?! grabe. matagal na nga ako sa loading dati, mas lalo pang tumagal ngayon! huhuhu tapos bonggang bonggang delay kaya sinisisi tuloy ako nung mga kakampi ko T^T

hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lang bumagal ng ganyan D: paulit ulit ko na nirereset yung modem pero ganun pa rin e. sabi naman ni kuya kinwii baka daw may ibang nakikiconnect sa wifi namin hahaha parang nawire tap XD or siguro dahil naabutan ako ng bayad sa due date D: huhu ewan ko na talaga.

nakakainis lang kasi. gustong gusto ko na practicin si fiddlesticks ngayon D: yehey congratulations sakin may bago nanaman akong alam na champion bwahahahahah proud?
Day 2 - A Picture of your Most Used Champion


teemo is my second favorite and also my most used champion ♥

i usually play as ap teemo because of the shrooms! :D haha it makes me very happy when an enemy gets annoyed because he stepped on my traps.. and then got killed by it hahahahahahaha :D

---

yey! i'll be buying cottontail teemo skin tomorrow ♥ ♥ ♥ grab the chance while it's on sale hahahahah

9/24/11


ngayon ko lang napansin na hare hare yukai pala yung sayaw ni ezreal! :D hahahahah
Day 1 - A Picture of your Favorite Champion


would you find me weird if i say that jarvan iv is one of my crushes? hahaha he's so damn attractive and i don't care at all even if he's a fictional character. i just really have a thing about him :D
30 Day League of Legends Challenge

Day 1- A Picture of your Favorite Champion

Day 2- A Picture of your Most Used Champion

Day 3- A Picture of your Least Favorite Champion

Day 4- A Picture of your Favorite Tank

Day 5- A Picture of your Favorite AP Champion

Day 6- A Picture of your Favorite Jungler

Day 7- A Picture of your Favorite Carry

Day 8- A Picture of your Favorite Support Champion

Day 9- A Picture of your Most Recent Game Stats

Day 10- A Picture of the Skins you Own

Day 11- A Picture of Your Favorite Skin in the Game

Day 12- A Picture of Your Least Favorite Skin in the Game

Day 13- A Picture of a Champion you’ve Never Played

Day 14- A Picture of a Champion you HATE Playing With on a Team

Day 15- A Picture of a Champion you LOVE Having on your Team

Day 16- A Picture of a custom skin you Love

Day 17- A Picture of the Champion you Think has the Best Quote and the Quote you Love

Day 18- A Picture of a Champion Combination that you think is Awesome

Day 19- A Picture of a Champion Combination that should Never Happen

Day 20- A Picture of a Champion you find Over Powered

Day 21- A Picture of a champion that you Think should get Buffed

Day 22- A Picture of your Favorite New Champion

Day 23- A Picture of your Favorite Ability in the Game

Day 24- A Picture of a Chinese skin that you find Better than the American

Day 25- A Picture of your Favorite Chinese Skin

Day 26- A Picture of your Favorite Building in the Game

Day 27- A Picture of your Favorite Minion.

Day 28- A Picture of Your Favorite Item

Day 29- A Picture of a Champion you’d spend money(RP) on

Day 30- A Picture of Your Favorite Spell

---

okay, let's do this! :D
Nursing student makes suicide countdown on Facebook
September 23, 2011 04:36 PM

MANILA, Philippines - A 27-year-old nursing student from Naga City made a six-day countdown of his suicide on the popular social networking site Facebook.

It was two days after he posted on his Facebook account a shoutout "1daytogo." Hife started the Facebook countdown last September 12 at 12:25 a.m., which a friend "Liked" and was commented by a friend with an emoticon :(.

The countdown went on for five more days.

Some friends commenting on Hife's post thought that the countdown was for the upcoming Feast of Our Lady of Pe├▒afrancia. One friend even joked that he may be making a Christmas countdown.

Hours after his last shoutout, Hife posted a YouTube video of Kelly Clarkson's "Because of You." He also commented on his own post timed 12:03 p.m.: "Hai... salamat boi... pero damage has been done... nyahahaha."

An online report by Bombo Radyo said that police found a suicide note from the site, which says: “Ma, ate, nene, ikakabigla ninyo ito. Hindi ko na kaya. Panoorin na lang ninyo ang video sa laptop. Sorry... I love you, Athan."

source: [link]

---

at dahil curious akong makita sa facebook yung profile nung jonathan hife, hinanap ko pa talaga siya hahahahahaha


pero sa totoo lang, ang creepy kaya nun D:

9/23/11

ang post na ito ay tungkol sa pagdadalaga ni rheca joy zabat indiana :D
pagbigyan na natin, birthday naman niya e! hahahahaha


first of all.. (spell "first of all" hahahaha!) first of all, pagpasensyahan mo na yung inedit kong picture! hindi ko masyadong napaghandaan e. ngayon ko lang ginawa yan. rush pa! baka kasi hindi umabot sa birthday mo kapag nagedit pa ko ng bonggang bongga e. kaya kumuha na lang ako ng mga pictures mo sa facebook tapos pinagsama sama ko. wala na kasi talaga akong maisip na ibang idea e T^T vain ka naman kaya for sure magugustuhan mo pa rin yan as long as nakikita mo yung mukha mo hahahahahaha! at tsaka hindi naman pagandahan ng edit ang labanan dito e diba? haha IT'S THE THOUGHT THAT COUNTS! o alam mo ba ibig sabihin non? hahahaha sige nga ano? haha joke lang :D

anyway, bago pa lumayo sa topic yung mga pinagsasasabi ko.. babatiin na kita ng isang bonggang bonggang HAPPY 18TH BIRTHDAY ♥ ♥ ♥

ikaw na teh! ikaw na 18 years old! ikaw na ganap na dalaga! ikaw na legal! ikaw na botante! ikaw na pwede makulong! ikaw na pwede magdrive! ikaw na nashoot sa manhole dati! hahahaha joke! basta ikaw na! araw mo to e, kaya ikaw na talaga! you already! ikaw na pwede magboyfriend! ayieee! :D basta dapat foreigner lang ah! o kaya half half~ para magagandang lahi ang maproduce niyo bwahahahahahahahaha ang bright bright ko talaga e no? :D swerte mo kaibigan mo ko marami kang matututunan sakin hahahahah

at syempre, pagkatapos kita batiin ng happy birthday, ang kasunod niyan yung "wish" :D

hmm.. ang wish ko lang talaga e maging happy ka ngayong 18th birthday mo :D you deserve to be the happiest girl today :D (o seryosong moment to kaya bawal magrereact pag nageenglish ako hahaha!) hindi naman required yung engrandeng celebration e. basta kumpleto yung mga taong gusto mo makasama sa birthday mo, sapat na yun :D always look at the brighter side, you're still lucky inspite of everything so don't forget to be thankful :D

wag na wag kang malulungkot. ayaw ng ramen + na nakikita kang malungkot. dapat palagi tayong optimistic at happy yipee corny, este yehey :D haha at kahit hindi natupad yung ideal birthday celebration mo na mala-fairytale ang drama, ikaw pa rin ang nagiisang princess ng papa mo :D at for sure proud na proud siya sayo :D

basta bukas kapag nagcelebrate tayo, sisiguraduhin namin na sasaya ka :D magiging mas masaya pa sa ineexpect mo! hihihi sana mga makumpleto tayong apat bukas e, kahit wag na sumama si earl basta kasama si booh hahahah

so ayun, happy 18th birthday ulit teh :D from jiashi with love ♥ hahahah

P.S. dapat maappreciate mo yan kasi nagsacrifice ako na hindi maglaro ng league of legends ngayong gabi para magawan kita nitong bonggang bonggang birthday greeting! (hahahahahahaha nanunumbat?!)

shen and akali ♥

they're so cute together that i have to post this here in my personal blog :D

9/22/11

bakit kaya kung sino pa yung malalapit na kaibigan mo, sila pa yung mas umaabuso ng kabaitan mo? kampante silang itest yung haba ng pasensya mo kasi alam nilang hindi mo magagawang magalit sa kanila agad.. lalo na kung hindi ikaw yung tipong madaling magtampo! tsk tsk!

sa totoo lang, sobrang pasensyosa talaga ko pagdating sa kaibigan :D mas mahaba pa ang pasensya ko sa kaibigan kesa sa sarili kong boyfriend! at yun yung something na gusto ko baguhin sa sarili ko D: sana kasi sa boyfriend ko na lang binababa yung pride ko para kahit paano worth it! e kasi pag sa kaibigan, minsan parang nananadya pa! alam mo yun, parang hindi nila masyado binibigyan ng importance yung feelings mo kasi alam nilang understanding ka naman! tss

tapos isusumbat pa niya/nila sayo na kawalan mo kapag nagalit ka. sasabihin sayo, sino ba ang "mas" nakakamiss? (e syempre ako aminado ako namimiss ko talaga sila!!) pero waw ah! ganun na ba sukatan non? tangina.

palagi mo na nga silang pinagbibigyan, aabusuhin ka pa! parang unfair na yata yun!! hindi sa pagmamalaki pero, kahit sinong close friend ko ang tanungin mo, palagi akong willing tumulong tuwing nangangailangan sila. sa kahit anong paraan na kaya ko. humihingi ba ko ng kapalit? never.

para sakin kasi, mas mabuti na yung ako ang tumutulong kesa ako ang tinutulungan. or in other words mas mabuti na yung ako ang nagbibigay kesa ako ang binibigyan. ayoko kasi tumanaw ng utang na loob sa iba. at tsaka ang sarap kaya sa pakiramdam kapag nakakatulong ka sa iba ng walang hinihintay na kapalit! promise ibang level yun! :D

oh well, anyway..

nakakainis lang kasi talaga dahil hindi ko naman to ginagawa sa kanila T______T e bakit sila nagagawa nila sakin to? huhuhu nakakawalang gana tuloy. bahala siya. tanggap ko na yung sorry niya pero ayoko muna siya kausapin.

pagbigyan niyo na ko, ngayon lang ako magtatampo sa close friend ko. hindi naman talaga ko madaling magtampo e. naubos lang talaga ng bongga yung pasensya ko sa kanya. hindi ko na babanggitin kung sino. basta.

at least hindi tungkol sa lovelife tong rant ko ngayon! hahaha nakakahiya na kay jep e! nababasa niya pala yung posts ko. tsk. isa pa yun! nakooooo~

9/21/11


ay puta! ngayon ko lang nalaman na cinover pala ni hyde to! sobrang ganda shit! hahaha nagkaron ng dark aura yung LSD ♥ ♥ ♥ awesome jrock singer + awesome beatles song = pure awesomeness! hahaha lupit ng tandem e :D major LSS! ang sarap siguro pakinggan nito habang nagpipinta! hahahahahahahah
Before you wanna be an asshole to your girl, think about this:

While you’re ignoring her, another guy is giving her attention.
While you’re giving her problems, another guy is listening to her explain those problems.
While you’re too busy for her, another guy is willing to make time for her.
While you’re making her cry, another guy is trying to make her smile again.
While you’re not sure if you still want her, another guy already figured it out.

repost from tumblr~

---

relevant sa sitwasyon ni earl e hahahaha!
#sama ng loob

nakakainis lang kasi si earl.

sabi niya sakin nalulungkot daw siya ngayon.. kasi twice na siyang hindi sinisipot ni yvonne sa plano nilang date! tuwing day before ng pagkikita nila, hindi nagpaparamdam sa kanya! e tangina, hindi sa pagiging judgmental at hindi rin naman sa dinodown ko si earl pero duh! walang wala talaga sa karakter ni yvonne na magseseryoso sa ganung usapan! ang tanga lang ni earl dahil masyado siyang nagpapaniwala sa ganun! hindi ba obvious na pinagmumukha na siyang tanga nun???

isang beses pa lang nagkita si earl at yvonne, at yung pagkikita nilang yun e parang accidental lang! tapos add add sa facebook, then text text! yun lang! nakakainis si earl dahil kung magpaapekto siya dun kay yvonne, parang ang lalim na ng pinagsamahan nila! big deal masyado amp! at isa pa, bakit ba kasi siya kampante na gusto din siya yung babaeng yun?! hay..

concerned lang ako kay earl dahil loyal siyang kaibigan sakin. he's like a real pet dog to me hahahaha!! joke lang!! parang siya yung bestfriend kong lalaki :D parang bffe na nga din namin siya dahil palagi siyang sumasama tuwing nagkikita-kita kaming apat e hahahahah! so ayun, dahil nga mabuti siyang kaibigan sakin, gusto ko siya tulungan icorrect yung mga pagkakamali niya. at ang mali niya dito, masyadong mataas yung expectation niya kay yvonne, kaya tuloy nadidisappoint siya. tsk tsk!

pero ang nakakainis na part talaga dito.. kung makapagreklamo si earl na nalulungkot siya, akala mo e aping api siya! tangina! e may ginagawa rin naman siyang hindi maganda e! imagine, apat o limang babae yata yung pinopormahan niya ngayon! sabay sabay! si rachel, si dianne, si yvonne, si joy tapos si beth pa! puta! gago, este, gwapo no???

hay nako, inis na inis talaga ko sa kanya dahil dun! sinabi ko nga sa kanya direkta na napakafeelingero niya e! akala niya ata e gwapo na siya kapag marami siyang chicks! sobrang nakakainis talaga mga manloloko. hindi nakakatuwa -_____- hindi porket palagi niya kaming pinapatawa e kukunsintihin ko siya sa mga katarantaduhan niya!

sabi ko nga sa kanya, sa susunod na mabigo ulit siya, wag na siyang lalapit sakin! dahil ako sincere yung mga payo ko sa kanya, sinabi ko yun kasi yun yung tingin kong tama at makakabuti, kaya sa oras na magpakagago ulit si earl, susuntukin ko talaga siya sa mukha!

9/19/11





me and booh are so good at stalking! hahahahahahahahah :"> now we already know some information about this adorable peter pan ♥ kaso hindi pa namin alam yung pangalan niya D: pero at least alam na rin namin kung saan makakakita ng maraming pictures niya :D hahaha nakakakilig nga tignan e :">

parang gusto ko na tuloy pumunta sa states ngayon tapos hahanapin ko siya sa disneyland! bwahahahah i want a hug from him so bad ♥ ♥ ♥

crush na namin siya talaga :D nagustuhan din siya ni rheca at geib e! hahaha pero nauna siya naging kay booh :D hahahahahah share share kaming apat :D hihihi hating kaibigan ♥
Those raindrops are fallin' on my head, they keep fallin'
But there's one thing I know
The blues they send to meet me won't defeat me
It won't be long till happiness steps up to greet me

Raindrops keep fallin' on my head
But that doesn't mean my eyes will soon be turnin' red
Cryin's not for me'
Cause I'm never gonna stop the rain by complainin'
Because I'm free
Nothin's worryin' me

optimistic pa rin dapat sa kabila ng lahat hihihi ♥

---

parang gusto ko na lang magmadre! hahahahahahahah

/hmm
hindi ko naman talaga ugali na magsisi sa mga bagay na ginawa ko. mahirap kasi makamove on kapag marami kang pinagsisisihan sa nakaraan. kaya sinusubukan ko na lang tanggapin kahit mahirap.

pero seryoso, ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito T______T

sobrang mali kasi talaga e.


IF AND ONLY IF... T^T

i have to post this because it's too relevant.

oh yeah, that sinking feeling.. ugh.

---

bakit kasi ako pa? sana yung iba na lang.
wag na ako, hindi naman ganitong buhay yung pinangarap ko e D:

ha! i saw this proof on tumblr! never land really exists! hahahahah just look at that smile, so breathtaking ♥_____♥ oh dear, take me with you to never never land!

feels like i fell in love with him at first sight :"> please somebody let me know his name! well, duh, i know he's peter pan, but i wanna know his real name! :"> like is he a celebrity or something? a famous cosplayer? i really wanna know his name! so bad~

9/17/11


this is what i exactly feel :D
i love him so much that my heart wants to jump out of my chest~

but honestly, i don't want to be "too" happy D: because i don't know how long will this moment last. maybe some weeks? or few months? i really have no idea.. but one thing is for sure, i'm gonna lose myself once this comes to an end (again). i've already given my whole life for this last chance. i don't know where to run anymore when it's over.

oh well. i shouldn't be thinking about that. i will just enjoy the moment while i'm happy :D :D :D

and i will do my best to make this last longer :D

9/16/11

parang ang dami ko nakikita na kaibigan kong nadedepress dahil sa iisang dahilan.. LOVE LIFE!

aww, september is sooo gloomy D:

---

pero pinaka nalulungkot ako ngayon kay danno at gene.
nagkakalabuan sila dahil sa busy schedule D:

naalala ko tuloy.. yun din yung naging problema namin ni jep dati kaya kami naghiwalay. and then naattract siya sa iba. tss. pero alam ko namang hindi mangyayari yun kay danno at gene :D imposible maging issue sa kanila yung third party :D pero yung idea lang na hindi sila okay ngayon, yun dahilan kung bakit ako nalulungkot para sa kanila D:

i really want to help them, i want to do something to help them make it work again. palagi nila akong tinutulungan so i want to return the favor. pero nahihiya akong magoffer ng help kay danno dahil syempre lalake siya, dapat si gene ang magcomfort sa kanya sa ganitong pagkakataon. hinahayaan ko siyang magopen sakin pero nahihiya pa rin akong magadvice. kaya siguro si gene na lang ang susubukan kong kausapin.

hay.. sana maayos nila yun agad D: number 1 fan ako nung dalawang yun e! that's why i hate seeing them not on good terms.

mordekaiser cosplay for the win! :D

this is the best LoL cosplay i've seen so far.
i'm still seeking for that "sign",
even if it's impossible to happen.

D:

9/15/11


wawawaw! sa december na irerelease yung psvita sa japan! :D
parang gusto ko magkaron nito agad ahahahahah
perfect na sana yung league of legends e, may isang bagay lang talaga na ayaw ko:

TRASH-TALK.

bakit pa kasi nauso yan?! pwede namang manahamik at magenjoy na lang. wag na masyadong seryosohin yung laro. kaso hindi e, yung iba kung makapagsalita pa, walang preno. kung anu ano sinasabi, mga bagay na wala namang kwenta. para tuloy walang pinagaralan. sus.

pero sabi nung mga kakilala kong LoL players na naglalaro sa NA server, wala naman daw trashtalkers dun. sa PH lang daw maraming mahilig magmura at mangaway.

tapos naalala ko din sabi sakin nung singaporean friend ko na dota player, hindi daw uso sa kanila yung trashtalk sa dota. nagulat lang daw siya nung pumasok siya sa philippines server, hindi pa nagsisimula yung game, puro trashtalk na agad nakikita niya. tss.

so siguro sa pilipinas lang talaga uso yung trashtalk sa strategy games. tsk tsk.

at isa pa, sa lahat ng online games na nilaro ko, ngayon lang ako nakaencounter ng severe trashtalkers T^T i've been an online gamer since 2005, ang dami ko nang natry na iba't ibang online games (from rpg to fps to multiplayer) pero wala namang matinding murahan dun. unlike sa dota at league of legends, ang iinit ng ulo ng mga players. nakakawalang gana tuloy maglaro.

9/13/11

may tumawag kanina sa landline bandang 3:30 pm..

x: hello? pwede po kay jaz?
o: sino to?
x: si gerald po ito.
o: sinong gerald?
x: gerald cu.
o: kilala ba kita? kilala mo ba ko?
x: oo, nakalaro po kita sa dota dati.
o: huh? e matagal na kong hindi nagdodota ah.
x: oo nga, matagal na po yun.
o: si earl ka ata e! sino ka ba talaga? hindi kasi kita kilala. at paano mo nakuha yung number ng landline ko?
x: hindi po. nakuha ko po yung number mo sa information sa garena.
o: e hindi naman ako naglagay ng number dun ah. sige nga, anong name ko sa garena?
x: matagal na po kasi e, hindi ko na maalala.
o: weh? nanloloko ka ba? earl ikaw ba yan?
x: hindi po, gerald po pangalan ko. hindi ko po kilala yung earl na sinasabi niyo. gusto ko lang po makipagkaibigan.
o: sorry, hindi kasi kita kilala marami akong ginagawa, wag mo na ko pagtripan.
x: si gerald po to. diba naglalaro ka po ng league of legends?
o: hala! sino ka ba talaga?! wala akong kilalang gerald e.
x: si gerald cu nga po ito. kahit isearch niyo pa sa facebook.
o: hindi na kasi ako nagfafacebook e, pero friend ba kita dun?
x: hindi po ata e. pero isearch niyo po ako. gerald cu po, yung nakauniform.
o: wala naman e, kilala mo ba talaga ko?
x: oo nga po.
o: anong pangalan ko?
x: jaz or jiashi po ata.
o: halaaaaaa!! hahahah sino ka ba talaga?!
x: si gerald po ito, bakit po kayo tumatawa?
o: natatawa ko e pinagtritripan mo ko e hindi kita kilala.
x: si gerald cu nga po ito (biglang natawa ng konti)
o: ay, putangina mo EARL!!! hahahahahahahahahahahahah!!
x: ahahahahahahahah
o: muntik na ko maniwala gago ka! gerald cu ka pa tangina mo! hayup ka!

---

hahahahahahahahahah tanginang earl yan, napagtripan pa ko ng wala sa oras. pero in fairness hindi ko talaga nakilala yung boses niya! hahahahah

I’m the kind of girl
Who never used to cry
The world is treating me bad, misery

I’ve lost him now for sure
I won’t see him no more
It’s gonna be a drag, misery

I’ll remember all the little things we’ve done
Can’t he see he’ll be the only one
Send him back to me ‘cause everyone can see
Without him I will be in misery

---

why was i not born in the 1940's? whyyyy??!!!!! D: D: D:

9/12/11


beautiful :D

9/11/11

hey, guess what? after a couple of days thinking about this, now i have decided to do that "facebook fasting" thingy :D hmm, maybe a month or two or even longer.. depends on how long i could live without it haha!

i really don't know if i can do this but i will try my fucking best to fight the temptations! oh please help me God! hahahahahah

so yeah, starting today, i won't be updating my facebook account (jiashi balisacan) for quite a while.. :D but i have to (okay, not really "have to", but i digress haha) log on to it occasionally so i could at least still connect with my other real friends~

.
.
.

now you're wondering WHY THE HELL? hahahahah

well, i got personal reasons which i cannot tell anyone directly as of now. it's hella hard to express what i feel today. all i want to do is to totally clear my mind -- once and for all.

lesson learned? hell to the yeah.
facebook is very poisonous.
period.

i don't want to elaborate it anymore.
i've just had enough of it.

this has not something to do with anyone around me - i'm lying.

but hey, i got more issues with myself too.

---

you might find it confusing so just think of it this way:

i could almost die from stress. my head is full of *insert superlative negative words here* right now and i feel like it's going to explode anytime. i even got big black panda eyes now due to over-thinking (O)_____(O) plus, i'm only turning 18 at the end of the month and yet i look like i'm already 32! my goodness! do you think i'm still fine, huh?!

woah! i can be nominated as the most hyperbolic bitch in the whole wide world, don't you think? hahahahahahah :D

but seriously, thinking about "those" things is too stressful D:

i'd still be on twitter anyway. as well as here on my blog.
so please bear with me my dear friends ♥

9/9/11

i feel so unclean T^T

9/6/11


that awkward moment when a cover is better than the original song :D

ang galing! goosebumps! :D

9/5/11

awang-awa talaga ko kay rheca ngayon dahil malaki yung problema niya sa family. hindi ko na kailangan ielaborate dito dahil masyadong complicated. naiiyak nga ako kanina habang nagkwekwento siya e. tapos yung iyak ko talaga yung may bumabarang sipon pa! hahaha parang pamilya ko yung nagkakagulo e!

pero seryoso. sobrang nalulungkot talaga ako. sa lahat ng problema, ang pinaka ayaw ko ay yung problema sa pamilya. e hindi pa naman ganun kastrong si rheca sa mga ganyang bagay. gusto ko siya samahan umiyak ngayon. sana magkakasama kaming apat para masaya kami lagi.

---

anyway, pumunta si booh, rheca, geib at earl dito kanina tapos naginuman kami :D grabe sobrang saya! kung pwede lang sana dito ko na sila patulugin :D kaso hindi naman pwede. gusto ko pa sana magkwento ng magkwento kaso bukas na lang siguro. masyado akong nalulungkot sa nangyayari kay rheca.

i really can't take to see my bestfriends cry D: willing ako gawin lahat sa abot ng makakaya ko basta makatulong at mapasaya ko sila tuwing nalulungkot sila. ganun ko sila kalove e. aw, ang corny ko masyado hahahah pero totoo :">

9/4/11

goodbye, my dear.
super fun friendly date with earl :D but i wasn't so happy. hmm

bukas na lang ako maguupdate dahil antok na antok na ko ngayon. antukin ako tuwing nakakainom ng alak e hahahah anyway, i feel so independent haha!! 10 pm na ko nakauwi galing sa nomo! waaaw improving :D siguro kung nandito si madur, gg na ko dun! hahahah

basta. bukas ko to itutuloy. goodnight to me ♥
kanina habang naghahanap ako ng quotes na iggm ko, bigla kong nakita to sa saved messages:

"pwede ko bang ihampas sa malaking bato yang ulo mo?
para mawala yang memorya mo tapos ako magaalaga sayo
para mahalin mo ulit ako."

from: papa jep (+639159865102)
date: 12-27-2010
time: 10:40 pm

tanginaaaaaaaaaa!! natatawa ako dahil naiiyak ako haha TT_______TT hindi ko kasi akalain na nakasave pa pala yan sakin! sa pagkakaalala ko, yan yung solitary nights of december e! hahahah yun time na nagkaron kami ng matinding away pero naayos din namin :D ang sweet lungsss

---

haaay.. ang bilis pala talaga ng panahon no? hindi mo mamamalayan, yung taong mahal na mahal mo ngayon na inaasahan mong makakasama mo for the rest of your life, pagkalipas lang ng ilang buwan o taon, mawawala rin pala siya, iiwanan ka rin niya, maghihiwalay rin kayo.. sayang lang talaga dahil kasama na siya sa pangarap mo sa buhay, ang dami niyo nang plano, pero bigla lang mawawala lahat ng isang iglap. one word, SAYANG.

so you better enjoy every moment in your life with your loved ones. kasi one day, matutulala ka na lang tapos tatanungin mo yung sarili mo "yun na agad yon?" maiisip mo parang bitin. pero wala e, ganun talaga kabilis magbago yung feelings. kaya dapat matuto ka sumabay.

teka, teka, ano ba tong pinagsasasabi ko?? hahahahah mukhang may pinaghuhugutan ako e no? hahahahahahahahahahahaha!!

sound trip na lang tayo :D yes gary v! hahahahahah

Now that my tears have stopped
I can see that I'm better off on my own
And when you've realized what you've lost
Please don't come back 'cause you're on your own

- Keahiwai, Promised Love
bakit parang bigla akong nalungkot sa mga nakita ko? hindi naman ako naiiyak o nasasaktan pero bakit ako nalulungkot? parang ang gulo kasi e. hindi ko maintindihan. baka sadyang hindi ko inaasahang malaman yung ganun kaya siguro nadidisappoint ako ngayon.

hay ang bilis magbago ng mood ko. kainis. sayang kanina masaya na e.

9/3/11

nitong huli, may unknown number na text ng text sakin. nagpapadaan lang ng group message kaya hindi ko nirereplyan.

then kanina, nagsend ulit siya ng gm. nabasa ko special mention ako sa gm niya. at sabi niya sakin si nico daw siya. nagpaparamdam ulit. so hindi ko pa rin nireplyan.

then maya maya mga 6:30 pm nag-gm ulit siya. sabi niya "dinner na, wag magpapagutom, stop for a while sa league of legends, health is wealth :D" ganyan ganyan hahahahahahahah natawa-slash-natuwa ko na parang ewan! hahaha wala lungsss :">

narealize ko lang kasi na nakakamiss pala talaga yung palaging may nagtetext sakin para iremind ako na kumain ako on time :D tapos pag gabi napupuyat sa pagtetext pero at least masarap ang tulog :D minsan pa nga nakakahiya dahil nakakatulugan ko na siya pero ayos lang sa kanya :D tapos sa umaga pagkagising ko nakakareceive ako ng sweet good morning messages :D

kaso... medyo naguguilty lang. kasi hindi ko na gusto si nico. naturn off na ko sa ginawa niya dati e. nawala na agad yung tiwala ko. tsaka iba talaga yung taong gusto ko. ang problema nga lang, hindi ako napapakilig nung taong gusto ko. so balewala rin. tsk tsk.

pero ayos lang yun :D dahil wala naman talaga sa lovelife yung focus ko ngayon. pero at least nararamdaman kong may nagpapahalaga sakin hihihi at ang sarap ng feeling :D hahahah! yan ang difference ng lover sa friends.. kung yung friends mo kailangan pa bumanat ng nakakatawang jokes para lang mapatawa ka, yung lover mo kaya kang mapangiti nang walang kaeffort effort :"> yes naman based on experience teh?! ahahahahaha chos!

9/2/11

pinakita to sakin ni rap, akala niya daw ako! hahahaha


sa unang tingin parang magkahawig kami, kasi pareho kami ng hair ko dati :D pero pag tinitigan mabuti, malayo pala hahahahah chicks to masyado e! haha hindi hamak naman na mas maganda si ateng :D
yey! i got two instant fake online boyfriends! :D (yeah dalawa pa! hahaha)
i know this is so wrong and yet i find it fun hahaahahahah

trip trip lang naman to, walang personalan.

basta next time ko na lang to itutuloy.

ginagamit ko lang naman sila para isipin nung mga ngangangarir sa league of legends may boyfriend na ko hahahaha :D

---

nakakamiss din pala yung palaging may naggoogood morning at naggoogood night sayo~

i saw this long text post about college experience while browsing my tumblr dashboard.

damn, this item made me want to get mad again. hahahahahahahah

like for real. tss.

9/1/11

okay, i deleted my previous entry about that "quitting" thingy. i'm taking back my words. i realized something more sensible. and it made me change my mind. i won't have to explain it any further. but yeah,

I WON'T QUIT YET :D

with the caps lock on! haha the word "quit" isn't in jiashi's dictionary. i'm jiashi and i will never ever give up on something/someone i love. not unless he's the one who gave up on me first! but seriously, i will never quit until the game is over. and as of now, the game has just begun :D it's too early for me to give up~

so starting tonight, i'll just keep doing what i please :D i'll follow my heart and let it take me where it wants hahahah don't worry, i will not let myself get hurt with this. i'll be a lot more careful this time ♥ hihihi goodluck to you, jiashi!