8/23/11

wala ako sa mood maglaro ng league of legends ngayon. nagwoworry tuloy yung team lucy D: halatang wala daw ako ganang makipagbiruan sa kanila. sobrang nakakadepress tong araw na to e.


baka sa friday na umalis si madur. nagmamadali siyang makaalis ngayon for some private reasons. tapos si fadur may sakit daw. pero hindi ko pa alam kung ano. hay..


tapos lalo pa akong nalungkot nung kinwento na sakin ni booh kung ano talaga nangyari kanina. naiyak pa nga ako kasi talagang nalulungkot ako para sa kanya D: super damang dama ko kung ano yung nafifeel niya ngayon! gusto ko siya damayan sa pagiyak. gusto ko na lang rin kalimutan yung nararamdaman ko para kay jep. para may karamay siya sa lungkot D:


parang ayoko muna maglibang magisa ngayon. gusto ko kung magsasaya man ako, kasama ko yung mga totoong kaibigan ko. bukas magkikita-kita kami nila geib, rheca, booh at hasinto. sana sumama din si earl. excited akong makita sila, kaya parang gusto ko na matulog na lang. wala lang talaga ako sa mood maging masaya ngayong araw na to.