8/23/11

tinago ko yung updates niya sa news feed ko,
kasi ayokong palagi ko siyang nakikita sa facebook.


tinitiis kong wag puntahan yung profile niya,
kasi ayokong malaman kung ano nangyayari sa buhay niya.


hindi ako nagpopost ng mga paobvious na feelings,
kasi ayokong mahalata niya na namimiss ko siya.


iniiwasan kong magshare ng kahit ano sa kanya,
kasi ayokong isipin niya na 100% pa rin yung tiwala ko sa kanya.


kinakausap ko lang siya kapag siya ang unang kumausap sakin,
kasi ayokong magmukhang naghahabol sa kanya.


in short, i'm playing safe.


you get my point? i don't want to attach myself again to him.
that's how i could save myself from getting hurt.


feeling ko naman mas mabuti na tong ginagawa ko.
ayoko kasing bigyan siya ng reason para isipin na gusto ko pa din siya,
kasi baka gamitin niya yun para saktan ulit ako.


e kaso...


biglang nagmessage kanina sakin si axela.
sabi niya "teh, nakita mo ba yung status ng jep mo?"
ayun, nacurious tuloy akong tignan yung profile ni jep.


tapos...


ewan ko pero...
ang lakas ng pakiramdam ko na ako yung tinutukoy niya nung sinabi niyang


"ang bilis ng panahon, ang bilis mo din magbago"


T^T


siguro dahil yun sa hindi ako nagshare sa kanya tungkol sa mga sinabi sakin nung kaklase niyang kumausap sakin.


haaay.. ayoko magassume pero parang ako talaga yun e! pero posible din namang hindi ako yun, kasi ano namang pakialam niya sakin diba?


pero ang point talaga dito, bakit ako apektado? D: