8/31/11

pansin ko lang masyado na pala akong nagiging madrama nitong huli. hahaha nakakainis! nawawala nanaman ako sa focus ko. hindi ba dapat ako si happy jiashi? e bakit hindi ako masaya? bakit ang lungkot ng mga pinopost ko? bakit ba nagpapaapekto ako sa mga bagay na hindi ko na dapat pinapansin? tsk tsk.

pakiramdam ko nga pwede na ko maging artista dahil puro na lang ako drama. pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako ganito normally. masiyahin akong tao at alam yan ng mga taong malapit sakin :D

minsan kasi nakakadisappoint lang talaga isipin yung mga tao/bagay/events na nagiging dahilan kung bakit ako malungkot. kung pwede ko lang sana sila alisin o kalimutan sa buhay ko, gagawin ko para maging masaya na lang ako. kaso hindi naman pwede yun. andyan na sila e, kaya dapat matutunan kong tanggapin sila.

well at least positibo pa rin ako sa kabila ng lahat :D buti na lang hindi na ko umiiyak hahahahah kering keri pa naman ng bangs ko e! ako pa! nararamdaman ko na namang babalik na rin ako sa normal very soon!! :D hihihih