8/22/11

natatawa ako sa mga friends ko sa league of legends :D pinakilala ko sila sa isa't isa tapos gumawa sila ng team lucy hahahah! yun na daw ang tawag sa league namin! hahah tuwang tuwa sila sakin kasi bihira daw sila makakita ng babaeng pro sa league of legends! hahahahahaha pero hindi pa naman talaga ko pro. ewan ko ba kung bakit sinasabi nila yun. hmm


kaso nalulungkot rin ako kasi palaging nasasali si jep sa usapan namin. alam kasi nilang naglalaro din si jep ng league of legends tsaka yung iba dun nakalaro na nila si jep dati. kaya lagi tuloy napaguusapan at lagi nila akong inaasar T_____T


nakakadepress lang talaga dahil tuwing pinaguusapan si jep, bumabalik yung feelings, sakit, etc.. super lungkot nanaman tuloy ako.


gusto ko makita ngayon yung totoong friends ko. lalong lalo na si earl! kaso busy si earl ngayon sa lovelife niya kaya hindi siya nagpapakita samin ngayon e D:


idadaan ko na lang muna sa league of legends ang lahat para hindi ako masyadong madepress :D