8/11/11

kung gaano kaganda yung conversation kagabi, ganito kapangit naman ang mood ko ngayon. tangina.

akala ko matutulungan mo ko.
akala ko magiging masaya ako ulit.
akala ko wise ako, pero mas wise ka pala.

ang bangis mo sir. naamaze ako sa panloloko mo.

para akong pinagkaisahan. buti sana kung hindi ako galing sa break up e. siguro hindi ganito kasakit. pero tangina, natrauma na nga ako dun sa una, may dumagdag pang isa.

alam kong kasalanan ko rin kung bakit ako umiiyak ngayon. nagtiwala ako agad, kaya naloko rin ako agad. masyado kong minadali yung mga bagay na kailangan ng mahabang panahon. diba kasalanan ko rin? hindi ako nagingat. kaya tuloy napahamak ako.

---

gusto ko lumapit sa mga kaibigan ko. pero alam kong maghihysterical lang sila. ayoko rin na magalit sila kay knight. gusto ko forgive and forget na lang. as if it didn't happen.

ang gusto ko lang ngayon, icomfort nila ko.

gusto ko ng hug D:

starting tonight, i fucking swear, i won't cry over somebody anymore.