8/7/11

i wonder why is it too hard for other people to be nice even when they're in a bad mood :O

i mean, bakit naman ako nagagawa ko pang ngumiti at tumawa kahit sobrang badtrip na ko? it's either positive minded ako o sadyang may sayad lang ako. but whatever it is, at least nagagawa ko pa ring ngumiti :D

iba kasi yung impact na nagagawa ng simpleng smile. nakakaganda ng mood kapag nakangiti ka kahit walang particular na dahilan :D

tulad ngayon, puro talo yung laro ko sa league of legends. nakakawalang gana maglaro dahil sira sira nanaman yung records ko. pero ayos lang :D it's just a game anyway. so why would i make a big fuss about it?!

hindi ko masasabing mahaba ang pasensya ko sa lahat ng oras. minsan talaga nakakainis yung pagkakataon. pero kahit papaano naman e marunong ako makibagay at lumugar. yung "pakikisama" ba. hindi naman kasi pwedeng yung nararamdaman ko lang ang iintindihin ng iba. para sakin, mas mabuti na yung ikaw ang nakakaintindi kesa ikaw ang iniintindi.

mad people scares me D: