8/25/11

gusto ko na talaga lumayo. gusto ko pumunta sa lugar na walang nakakakilala sakin. gusto ko ng bagong environment at mga bagong kakilala. gusto ko magsimula ulit. sa sobrang dami kasi ng connections na nagagawa ko, parang hindi ko na alam kung kanino ako sasama at kung sino pagkakatiwalaan ko. pakiramdam ko napagkakaisahan na ko.

ang tingin ko sa mga tao sa paligid ko ngayon, lahat sila stranger. oo promise, nakakatakot. nakakaparanoid. sigurado naman ako na karamihan sa kanila e nandyan lang ngayon dahil may kailangan. pero kapag nakuha na nila yung gusto nila, sabay sabay din yan aalis.

ayoko muna magentertain ng kahit anong message ngayon. gusto ko iclear yung isipan ko. masyado akong naguguluhan. sobrang nalulungkot ako sa mga nangyayari. gusto ko ng makakausap kaso hindi ko rin alam kung paano ko ieexplain yung nararamdaman ko. tsaka hindi ko rin alam kung kanino ako lalapit. ayoko kasing ipakita sa kanila na nalulungkot ako, baka isipin lang nila na nagdradrama ko.

pero sa totoo lang, gusto ko ng hug T^T