8/26/11

grabe, ngayon lang nagsisink in sakin yung mga nangyari kanina.

sinama ako kanina ni rheca manood ng uaap. ang saya pala manood at magcheer! lalo na kung kasama mo yung mga kaibigan mo :D hahahah kahit nga hindi ako taga-ue, dalang dala ko sa panonood ng laro e. kaso nakakalungkot lang dahil talo yung ue, pero close fight naman. magagaling rin sila :D nakakatuwa naman dahil naging kaclose ko rin naman agad yung mga kalase ni rheca at hindi ako na-out of place :D

tapos nung nasa trinoma na kami para puntahan si ji hoo (kim hyun joong, mas feel kong tawagin siyang ji hoo hahaha) kasama namin si madam at sha, tapos andun rin sila lhara, josephine, ana at yung kamukha ni booh na hindi ko maalala yung pangalan.. super enjoy kami dahil TUMINGIN, NGUMITI at KUMAWAY pa samin si ji hoo! grabe! ang sarap magcollapse sa kilig :"""""""""> kami lang kasi yung fan girls sa part na yun tapos super sigaw kami kay ji hoo! e malapit pa naman yung pwesto namin sa stage kaya siguro rinig na rinig ni ji hoo yung sigaw namin! tapos ayun, napansin niya kami :"> minsan masarap din talaga maging fan girl hihihi :D

kahit paano naman pala naging masaya ako today :D hindi ko na lang iisipin yung mga bagay na nagpapalungkot sakin para hindi ako matutulala at biglang iiyak hahahaha! friends na lang talaga promise! wala ng boyfriend boyfriend!!!