8/27/11

feeling ko namatay ako kagabi. sa sobrang gulo ng mga nangyari hindi ko na kinaya. kaya natulog na lang ako.

.
.
.

pero pagkagising ko, shit.. lalo kong hindi kinaya yung mga nabasa ko T__________T ang aga aga, umiyak nanaman ako. hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. mixed emotions. parang ang daming dumagdag na doubts sa utak ko dahil sa mga nalaman ko.

para akong naculture shock. alam mo yun?

all this time, iba yung pinaniniwalaan ko.
then all of a sudden, biglang sasabihin sakin na ito pala yung totoo.
parang yung pinaniwalaan ko ng mahabang panahon, mali pala.

o kaya naman,

para akong nagrereview ng mga panghighschool na lessons.
pero pagdating ng exam, puro pangcollege pala yung mga tanong.

---

nahihirapan din ako iexpress yung sitwasyon ko. sobrang gulo kasi!

gusto ko ng makakausap tungkol dito, gusto ko yung magaling mag-analyze. ayoko ishare basta basta kahit kanino dahil mababaw lang naman to kumpara sa problema ng pilipinas. yung mga bagay na ganito hindi na dapat pinagtutuunan ng pansin ng maraming tao. hanggat maaari nga sana ako na lang magisa yung magayos nito e. kaso hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko at kung anong mararamdaman ko. kaya gusto ko humingi ng tulong sa iba.

kung pwede nga lang sana ko ma-comatose para wala na lang ako maramdaman.

hay.. T^T