8/6/11

damang dama ko na malapit na ko pumunta sa america :3 approved na din kasi yung petition ni fadur. interview na niya sa embassy sa september. ang bilis nga e. hindi namin inaasahan na iaapprove agad yon. tapos si madur naman tuloy na tuloy na aalis na this august. konting panahon na lang yung hihintayin, ako naman ang susunod sa kanila. hay.

natatawa nga ko kay rheca dahil nagagalit siya sakin kapag inoopen up ko sa kanya yung tungkol sa pagalis ko :D haha super affected siya kapag umalis na ko papuntang states. kasi daw mababawasan na daw siya ng isang kakampi at tagapagtanggol. wala na rin magtyatyagang sumama sa kanya tuwing may pupuntahan siyang kpop event o kaya sa mga hotel kung saan nakacheck in yung kpop artists. tapos pinoproblema niya din kung paano kaya sila (geib at booh) makakasunod sakin sa states. para daw dun na namin ituloy mga pangarap naming apat hahahahahahah

pero medyo naeexcite na rin ako makaalis dahil nabawasan na ng isang rason kung bakit ayoko pa umalis ng pilipinas. yeah, i don't have a lovelife anymore :D and i feel like i don't need it right now. kaya nga sabi ko sa sarili ko, kapag umalis ako ng pilipinas ng walang boyfriend, hindi na rin ako babalik dito ng walang boyfriend! ahahahah

sana hanggang makaalis ako ganito pa rin yung feeling :D baka kasi magbago nanaman ang mood ko tapos biglang ayoko na pala umalis ahahahahah