8/30/11

ang aga ko nagising ngayon kahit puyat ako kagabi. flight kasi ni madur mamayang 12 pm. maaga siya umalis dito sa bahay kasi nagpahatid lang siya dun sa family friend.

hmm medyo nalulungkot ako kasi magisa na lang ako dito sa bahay. si fadur madalas naman yun sa tindahan e. tapos sa october 1 pa dadating sila ate jeni. home alone ako huhuhu D: hindi na rin ako makakahingi ng pera anytime. mas mahigpit si fadur e XD tsaka lagi akong kokontrahin nun nako.

hay.. basta medyo malungkot ngayon. siguro mamaya lalabas na lang ako para hindi ako mabuang dito sa bahay hahahahah