6/30/11

Day 05 - A Beatles song that makes you cry


in my life.. one of my favorites :D

6/29/11

Day 04 - Your favorite Beatles quote


"Many people ask what are Beatles? Why Beatles? Ugh, Beatles, how did the name arrive? So we will tell you. It came in a vision - a man appeared on a flaming pie and said unto them 'From this day on you are Beatles with an 'A'. Thank you, mister man, they said, thanking him." - John Lennon on Mersey Beat, July 1961

yeah, beatles. effin genius.

6/28/11

hmm i woke up very early today :D like 6 am? ngayon ko lang nalaman na ang sarap pala bumati ng good morning kapag maaga pa haha! pag nagigising ako kasi laging tanghali na kaya hindi na tuloy ako makagreet ng good morning sapagkat hapon na T^T

tapos nung 9 am pumunta ko sa bahay ni fadur sa aquino para maglaba haha nasira pa nga yung nail art ko at nagkasugat sugat yung kamay ko dahil sa paglalaba! hahahahah

hmm wala lang. nashare ko lang :D kanina lang kasi ulit ako nakalabas ng bahay haha kelangan ko lang pala talaga ibaling yung atensyon ko sa ibang bagay para makalimutan ko yung lungkot.

---

i guess he's right when he said that the day i finally decided to love him was the day after the day he have given up on me. haha nah, i just think i should really stop worrying now. but this doesn't mean i don't love him anymore. it's just that.. i can't be happy if i will continue attaching myself too much to him :D i'll just keep myself busy with the things around me and i'll stop thinking about the things that aren't here.

narealize ko na hindi ko na pala kailangan ng life saver. kaya ko naman palang tulungan yung sarili ko kung gugustuhin ko. dapat lang talaga optimistic ka at may tiwala sa sarili :D


hay.. sana pati yung iba kong kaibigan na nadedepress ngayon maging masaya na rin :3
i realized 3 sensible things today :D

1. thinking about him makes me sad. so i should avoid doing that as much as possible. that way, i can be happy :D

2. i'm so lucky to be surrounded by amazing friends :D now i find no reason to be sad~ thank you everyone ♥ especially my best friends!

3. if you think you're beautiful, then you really are :D don't you wonder why not-so-pretty people become very pretty sometimes? it's because they're confident in theirselves. it's all in the mind lang pala hahaha

haha yehey! dumating na agad ngayon yung shirt na inorder ko online :D nakakahiya nga dahil hindi ko pa nababayaran! hahahahahahaha tinatamad kasi ako pumunta sa bpi layo layo sa monumento pa~

hmm nakita ko to suot ni robin isang primary picture e tapos nainggit ako T^T then sinabi niya sakin na sa blogger shirts daw niya yun nabili :D kaya ayun umorder ako agad hahaha inggitera ako e sorry! pero gray yung binili ko para hindi magmukhang couple shirt namin (hahahaha bigla naman akong kinilig sa sinabi ko! tengene! haha)

ang sarap sa pakiramdam ng nakakatulong ka
tapos nagthathank you sila sayo paulit ulit ♥

hehehe katuwa lang :D

okay, wala akong naintindihan pero natatawa ako! hahahahaha :D ang cute cute niya kasi ♥ friday sounds better in chinese! XD

hay.. ang cute talaga ni dawen! medyo kahawig niya si taeyang! hahahaha nakakainlove lang! sana mas lalo pa siyang sumikat ♥ ♥ ♥


aww ang cute nito!! makalaglag panty!! hahahahahaahaha crush ko na siya! ♥
Day 03 - Your Favorite Beatles movie


help! :D

ahahahahahahahahahahaha he followed me back!! :">

ako na assuming haha!! okay wait, don't get me wrong, alam ko namang walang something dyan, gusto ko lang magassume na meron kahit alam kong wala. hahahaha! natuwa lang ako :D

oh paul, why are you so gwapo? *fan girl mode*

6/27/11


i hate this sinking feeling i get when he could let a day pass without talking to me. i won't deny the fact that he's the one who makes me check my cellphone from time to time. and it just makes me very sad that i still haven't got any message from him. not even a simple hi.

hindi ko siya maitext ngayon hanggat hindi siya ang unang nagtetext dahil baka mairita siya sakin. hindi rin ako makapagpost sa wall niya dahil sabi niya wag daw ako magpopost, at isa pa hindi rin naman siya online. tapos hindi rin kami nakakapagusap sa landline dahil.. ewan ko. hindi daw pwede.

parte ba to nung sinasabi niyang "magsimula" kami ulit? ang hirap pala.

i mean, what's the problem dear? dati naman nagagawan natin ng paraan na makapagusap kahit paano diba? but now.. i don't know.. i just feel so unimportant.

---

oh friends, forgive me for being sad again.
don't worry, this is the last time i promise :D
naiyak talaga ako nung nabasa ko yung mga blog entries na ginawa ko dati tungkol kay jep. wala lang, namiss ko lang. naalala ko kasi kung gaano ka-tight yung relationship namin noon. yun bang panatag ako magpost ng mga problema ko sa kanya sa blog ko kasi alam kong magkakaayos rin kami ulit pagkatapos nun. yun bang hindi niya ko hahayaan na matulog ng umiiyak. yung kahit sobrang inis na inis na siya sakin dahil sa sobrang taas ng pride ko, siya pa rin ang magsosorry at magpapakumbaba. tapos hindi ko rin siya matitiis kaya patatawarin ko siya kahit alam ko namang ako ang may kasalanan. nagpromise kasi kami na hindi maghihiwalay at hindi susuko kahit gaano katindi yung away namin.

actually, hindi ako naiyak dahil lang sa namimiss ko yung ganun. naiyak rin ako kasi hindi ko matanggap na nagiba na kami ngayon. hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito. hindi ko maiwasan itanong sa sarili ko, ano ba talagang nangyari? bakit hindi ka na makapagpost sa blog mo ng mga personal na bagay tungkol sa inyo? bakit siya sumuko sayo ngayon? bakit ang daming araw ang lumipas na umiiyak ka? nasaan na siya ngayon? saan na napunta yung promise na pinanghahawakan niyo dati?

tapos biglang sasagot yung sarili ko. ipapamukha sakin na may kasalanan rin ako kung bakit kami nagkaganito. tao lang siya e, napapagod rin. siguro sadyang nagsawa na siya sa pagtitiis sa ugali ko. o kaya baka hindi ko lang matanggap na gusto niya muna iset aside yung lovelife at magfocus sa school. o pwede ring ayaw na lang talaga niya.

hay.. ang sakit lang </3

sa ngayon, kahit sabihin niyang gusto pa rin niya ko, natatakot na talaga ako gumawa ng move. gustong gusto ko sana ayusin to, kaso pakiramdam ko hindi pa to yung tamang panahon. ayokong maging pabigat sa kanya. ayokong guluhin yung focus niya. ayokong maging hindrance yung lovelife sa career niya. alam kong masyado siyang busy ngayon sa school. naiintindihan ko naman yun. gusto ko siya bigyan ng time at space para makapagisip. at gusto ko kapag inayos ko to, ready siya. kasi kahit subukan kong lumapit sa kanya, no use kung sobrang layo naman niya. hindi ko rin naman siya masisisi e. kumbaga sa sugat, may scar na. siguro kaya ayaw niya rin muna na maging kami ulit, kasi natatakot rin siya na baka maulit lang yung dati.

---

iisipin ko na lang ulit na kasalanan ko rin naman to para hindi ako masyado madisappoint :D totoo naman kasi talagang kasalanan ko e. kung hindi ko inabuso yung kabaitan niya dati, hindi siguro kami aabot sa ganito. karma lang siguro to hahahahahahahaha

pero ang sakit lang talaga.
Day 02 - Your Favorite Beatles song


honestly, it's so damn hard to decide D: but hey jude is my all time favorite! then the rest follows :D
hahahahahahah!! look who's happy today :DDD

ang saya saya ko ngayon :D narecover ko kasi ulit yung mga posts ko dati tungkol kay nice guy na nadelete ko na. si nice guy si jep nung hindi pa kami hahaha! yun yung codename namin sa kanya ng friends ko~

naalala ko yung time na nasa computer laboratory kami nun (october 2009, greenlemonlime days), tapos nagiinternet si ceddy at nakita ko biglang sinearch yung blog ko! kaya tuloy nabasa niya yung mga post ko tungkol kay nice guy hahahahahahahah

hahahaha eto yung mga post ko tungkol kay nice guy nung crush ko pa lang siya at hindi pa alam ng lahat ng tao yung identity niya :D

nice guy :D (October 12, 2009 at 11:19 PM)

o yes. ilang months na rin akong single. di naman ako masaya. di rin naman ako malungkot. di ko alam kung anong tumatakbo sa utak ko. basta ang alam ko lang ngayon, isa nalang ulit akong life saver~ un lang un purpose ko dito sa earth. tulungan ang mga nilalang na hanapin ang sarili nila or un dahilan kung bakit andirito sila sa mundo. tingin ko kase lahat ng nanliligaw saken or gf, bf, mga meh problema sa buhay na wala silang makausap na totoong makoopen sila. so eto ako, tagapakliktas ng buhay :D (at papatay din sa susunod :D)

pero akoy mejo naguguluhan din. kase nga dahil akoy single ngayon meaning available ako pero di naman lalake ang hinahanap ko. as usual, babae nanaman! nasa dugo na ata to wahahhah kaso wala pa akong nakikitang type ko O_____O maybe soon!

ay oo nga pla! there is this guy.. from school :D i like him yay! first time in history na makaron ako ng totoong crush na lalake sa school~ hmm mysterioso kase siya nyahah chaka tahimik, makulet at nakakasundo ko sa mga trip trip. (owu mahilig ako sa ganun) in case na masiraan un ng bait, ill be his savior :D kagaya ng ginawa ko sa iba ~______~ hanggang dun nalang nga ako T^T pero who knows diba?

sa ngayon wala pa akong napaksasabihan kun sino tong mystery guy na to :D ay meron pala! si loreto at si rheca! hahah pero im sure naman na wala nang ibang makakaalam nun ahohoho sabe nga ni rheca parang nice guy daw tong crush ko ngayon kaya nice guy na ang binigay niyang codename dun :D at nakagawa na agad siya ng eksena tungkol saming dalawa XD sabe niya usually raw sa tv yung good guy nafafall sa evil girl~ vice versa hahahahh

hanggat di pa ako sure sa feelings ko, isesecret ko muna :D ayoko rin malaman ng publiko sapakat alam kong lagot ako sa pangaasar ng mga kabatch ko (yep fourth year siya :D at lalake pa! bwahahahah alam kong shocking masyado pero hayaan niyo na ko minsan lang to bwahahaha!) wala na pala akong ibang kras kras :D no moar daddy k and other germs~ hahahha except keh sam! yikes! pero stick to mystery guy muna ako yey!

nice guy pa rin :D (October 14, 2009 at 10:14 PM)

i still feel empty.. yet there is a guy who is filling it right now. yeah i am pertaining to "nice guy"~ if you dont know him yet, please read the previous post :D

pero kahit pakiramdam kong gusto ko na talaga siya, i am still not sure if i am at the right side :3 i really like him.. pero kinakabahan ako kase baka di naman ganun yung nafifeel niya saken. its not that i am expecting something from him but i feel worried because once he found out about my feelings, baka hindi na niya ko kausapin ulit OwO at ayokong mangyare yun!

kun hindi niyo naitatanong, i learned something from this.. sobrang naiiba si nice guy sa lahat ng lalake (at babaeng) nagustuhan ko :D meron ding something keh nice guy na never kong nafeel sa ex ko~ first time kase talaga to na nakaron ako ng kras sa mga kabatch ko :D ngayon ko lang narealize na masarap pala sa pakiramdam ng meron kang crush sa school. masaya ako kapak naririnig kong tinatawak niya yung pangalan ko. iba yung feeling kapak naktutuos yung landas namin sa corridor/classroom. everytime na bumabanat siya ng simpleng joke, natutuwa na ko ng bongga. kinikilig ako tuwing nahuhuli niya kong nakatingin sa kanya. etc etc haaay.. ang corny ko. hahahahahha

pero infairness, kahit alam kong napakajologs na nitong pinaksasasabi ko, ngayon naiintindihan ko na yung nafifeel ng friends ko para sa mga crush nila sa school. kase dati naiirita ako kapak nakshashare sila tungkol sa crushes nila tapos super kilig habang nakkwekwento amp! pero.. iba pala talaga kapak meron kang crush na lagi mong nakikita kesa sa taong love ka pero di mo naman araw araw kausap :3 (bang bang!)

hmm til now, wala pa rin akong balak iannounce kun sino ba tong mystery nice guy na to :D ang mabibigay ko lang na clue :: taga laco, fourth year at lalake siya! XD di pwedeng sabihin ang initials, section at kun anu ano pang obvious na information about him! XD asa ka pa boy!!

wak na makeffort na kulitin ako para itanong yung real name ni nice guy sapakat di ko rin naman sasabihin :D wak maging atat :D dun worry! im going to tell you his name soon! just gimme some time yay :D

---

OFF TOPIC
nung isang araw, inannounce ng adviser ko na posible raw na makaron ng JS this school year :D sounds cool isnt it? kahit pano pala maganda rin yung plans ng student council. i thought im gonna hate them forever for implementing the no gadgets allowed rule OwO oh well.. excited na ko sa JS :D

nice guy no more (October 20, 2009 at 1:43 AM)

last week lang ang saya saya ko. pero ngayon bat ang lungkot ko.

BEWARE
related to sa love life.

ngayon hindi ko na talaga alam kung ano nararamdaman ko kay nice guy. last week gusto ko siya. nakpost ako ng kung anu ano tungkol sa kanya. kase that time, yun yung nafifeel ko. i even gave up the person who used to mean the most to me. pero bat ngayon.. kahit ipilit ko sa sarili ko na magustuhan siya, talagang wala na O____O ang labo. amp.

sa totoo lang, nung una sigurado talaga ako na hindi e. kala ko kase porket nakakachat ko siya, e yun na yun! pero narealize ko hindi pala. parang mas gusto ko pa rin nga si daddy K kesa sa kanya OwO siguro tama yun sinabe ni fjordz na baka infatuation lang to. hindi lang naman siya yun naksabe e. marami rin iba.. haiiii~ kaya tuloy ngayon eto ako nahihirapan.

nung weekend, parang gusto ko na umamin sa kanya e. actually, pinahalata ko na. pero xempre pinipigilan ng other side ko O_____O naiisip ko, nako mukang di tatagal yung feelings na to.. so theres no use in telling him about what i feel~ tapos nitong gabi, bigla nalang ako hinila ng other side ko.. un "career side" ko.

dear nekowaii,
admit to yourself na lately ka lang nakamove on sa break up niyo ni kuh. kahit medyo matagal na kayong nakbreak, e lagi pa rin naman siyang nandyan sa tabi mo kahit pilit mo na siyang pinaktutulakan. kaya parang kayo pa rin. pero hindi talaga kayo. ah ewan basta. makpahinga ka nalang muna kaya career mo muna! baka maya ano pa mangyari sayo. kung feeling mo e nafafall ka na sa iba, okii lang yan. set aside pa rin muna. basta laging uunahin ay ang career! its your main priority. kase kung mahal mo talaga yung tao, kaya mong makantay sa time na pwede mo nang gawing main priority yung love life mo. kung hindi mo kaya, it only means na hindi mo talaga love yung taong yun. lagi ka munang makiisip para sa sarili mo at hindi muna sa iba. this also works for the people who have feelings for you (kung meron man ;p) if he/they really loves/love you, he/they can wait. you dont need to please anyone, right?

at mejo napaisip nga rin talaga ako. baka nga siguro kelangan ko muna magastronaut ngayon? i need space~ damn it. but what about the person i love? or the person who loves me? anong mangyayari sa kanya/kanila? tingin ko naman ganun pa rin kame e, chillax.

mapapaisip ka kase talaga e. kelangan ba talagang tanggalin yung bagay na nakpapasaya sayo para lang maayos yung buhay mo? hai anggulo. siguro nga owuu. pahinga nalang muna. good bye, nice guy.

---

tapos eto naman yung posts ko nung nalaman na ni jep na gusto ko siya. at nalaman kong gusto rin pala niya ko. damn.

(October 23, 2009 at 6:05 AM)

nakakahiya yung ginawa nila rheca kahapon! parang gusto kong lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan. pasalamat nalang sila di ako basta basta napipikon kaya keri lang kahit super hiya na ko! XD pero infairness.. instead na mainis ako sa kanila nung mga panahong yun, nakuha ko pa maksuper smile :D wahahahha anlabo lang e no?

anyway.. alam kong alam na niya! imposibleng hinde! pero kun hindi pa rin niya gets yun, siguro nakaron pa rin siya ng idea na siya si nice guy~ da pak! ~_____~ wala na tuloy thrill XDDD

oh well. good luck nalang saken. sana yung ibang nakakaalam wak na nilang ikalat un :3 ayoko ng exposure hahahah at isa pa, alam na rin naman yun nung tao.. kanina kase sinabe ko sa kanya sa ym XD makulit e! chaka sabe niya okay lang raw naman makopen ako ng feelings. oh diba meh ganon! wahahah

pasensya na dun sa mga hindi nakagets! sadyang hyper lang ako ngayon XDDD

(October 24, 2009 at 2:19 AM)

i am the happiest human
in the world as of now :D

at least nalaman na niya~ at nalaman ko na rin! wahahah nagkaalaman na! XD but im still wondering.. since i still have lots of unanswered questions in my confused mind, super napapaisip tuloy ako OwO i wonder if i did the right thing? is he sure with his feelings? was he serious a while ago during our conversation? should i give him my hundred percent trust? should i follow my innocent heart or my empty brain? is he really the one? would this feeling last long? is this love? haaay watebur!

wahh is pusa in love??
that much?
ahahahahah

---

hahahahahaha nakakatuwang basahin!! XD ang landi ko hahahahahahahahahahah pero kinikilig ako niyan :">

hahaha as far as i can remember, nadevelop lang siya sakin nun e ahahahaha! siguro dahil sa pangaasar ng mga kaklase namin XD pero after that, iniwasan na niya ko :O hindi kami naguusap nun for 4 months!! araw araw kami nagkikita sa classroom pero parang hindi kami nageexists sa isa't isa. medyo malungkot. hanggang ngayon nga hindi ko pa rin alam kung bakit hindi na kami nagpansinan nun e. hahahaha

yeah you're right, google translate. goodbyes are not so important. hahaha

farewell! adios! sayonara! tschüß! adieu! au revoir! ciao! baibai! paalam! babush! :D

don't worry babycakes! i'll be back :D but not so soon.

gusto ko maging astronaut.

i need space.
i'm moving somewhere.

somewhere you can't see.

sooo.. bye.

6/26/11

naadik ako dito sa league of legends dahil kay jep. hahahaha :D
mas gusto ko to kesa sa dota~


at ansarap maglaro neto habang nakikinig sa disturbed :D
Day 01 - Your Favorite Beatle


paul mccartney ♥

6/25/11

hahahah look!! eggman drew me :D hahaha de joke lang.


got this from his new tumblr account. liked it. reblogged it. even posted it on my personal blog.

sobrang natuwa lang talaga ako sa picture. 'cause this is exactly like me.
SOBRANG DISAPPOINTED AKO SA SARILI KO.

oo, alam ko nakakainis ako. gustong gusto ko sisihin at awayin yung sarili ko ngayon. sobrang laki ng atrasong nagawa ko at pakiramdam ko ngayon isa akong malaking failure. hindi ako nagseself-pity dito ha. yun lang talaga ang tingin ko. akala ko kasi noon, yung mga bagay na ginawa ko e tama at makakabuti para sakin. pero hindi pala. mali yung naging basehan at pananaw ko kaya tuloy naligaw ako ng landas. super confident pa naman ako nun kaso nagkamali pala ako. akala ko maaayos ko to kaso lalo ko lang pala pinagulo. ang daming taong nadamay at sobrang naguiguilty na ko. willing ako magpastoned to death ngayon kung gusto niyo. hindi ko kasi alam kung paano ko hihingi ng tawad sa lahat ng nadamay ng dahil sakin. parang ayoko na nga rin patawarin yung sarili ko e. nakakainis kasi sobra. super depressing lang.

gusto ko humingi ng tulong ngayon sa kahit sino. kaso baka wala ng tumulong sakin kapag nalaman nila yung nagawa ko. gusto ko ng counseling. parang gusto ko magpacheck up dahil pakiramdam ko may mood disorder ako. gusto ko may magparealize sakin ng lahat ng bagay na gumugulo sakin. pero sa totoo lang, lahat naman ng bagay na gumugulo sakin e nandyan na sa harapan ko. yan na sila oh. ang problema nga lang, nahihirapan akong tanggapin sila.

alam mo yun? i act like i don't care but deep in side, i really do. masyado kasing nagtatake over yung pride ko kaya tuloy hindi ako makakilos ng natural. hindi ko maipakita yung totoong nafifeel ko kasi naka-mindset na sakin na uunahin lagi ang pride. ayoko kasing isipin ng ibang tao na nasasaktan ako. nasanay ako ng pretend lang ng pretend para hindi magworry yung iba. pero may side effects pala yon. nakangiti ako para akalain nila okay ako, pero ang totoo gusto ko na magbreak down. akala ko hindi ko kakailanganin ng tulong dahil strong ako, pero hindi ko madedeny sa sarili ko na ang hina hina ko talaga.

at isa pang problema sakin, naging insensitive ako. yun bang pag may nagawa kang hindi ko nagustuhan, nagtatanim agad ako ng sama ng loob. which is hindi maganda. hindi ko man lang muna inisip kung bakit mo nagawa yon or kung ano yung dahilan. basta kung ano yung impression ko, yun na. para bang jinujudge ko lang agad. o diba nakakainis? selfish na nga, judgmental pa. tangina. ang liit liit kong tao pero napakataas ko. nakakahiya. akala ko nga dati yung ibang tao ang insensitive, hindi ko namalayan na ako pala ang insensitive dito.

pero sa totoo lang.. hindi naman ganun yung intention ko e T^T hindi naman ako ganun kasamang tao tulad ng iniisip niyo. ngayon ko nga lang napagtanto na kaya ako nagkakaganyan e dahil lahat sa pride. tang ina kasing pride yan. ang tagal tagal ko na nilalabanan yan sa sarili ko. kaya nga gusto ko humingi ng tulong sa iba D: kasi yung pride ko mismo ang sisira sa sarili ko kapag hinayaan ko pa siya magtake over sa sistema ko. hindi siya madaling alisin lalo na kung nakasanayan na. kung meron lang sanang course sa college na pinagaaralan kung paano tanggalin yung pride sa sarili. kaso wala namang ganon hay.. kaya ang gusto ko na lang ngayon, yung taong willing tumulong sakin na magbago. yung life saver ko.

bat kaya yung ibang tao kayang kaya ko tulungan sa problema nila? nagagawa kong tignan yung both sides nila. pero pag sa sarili ko na, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. ayy, alam ko pala, kaso hindi ko lang maaksyunan agad. puro kasi sarili ko ang iniisip ko. yung pride pa rin. sobrang insensitive ko talaga grabe. kung ako si jep, hindi ko na pagtyatyagaan yung ganyang klase ng babae. ngayon ko nga lang naisip yung rason kung bakit siya sumuko sakin. sobrang nagiba na kasi ako.

---

relating to reality..

sobrang disappointed pa rin talaga ko. parang nahihiya na ko kay jep. siguro kung hindi niya sinabi sakin na gusto pa rin niya naman magwork tong relationship, papakawalan ko na talaga siya. kasi matinding guilt yung nararamdaman ko ngayon. sobrang hiyang hiya na ko. kulang yung sorry e. gusto ko bumawi sa kanya ng bonggang bongga. willing ako mageffort. ibabalik ko yung dating jiashi :D basta gusto ko lang ng assurance na may patutunguhan yung pageffort ko. tangina ang kapal ng mukha ko para maging sigurista hahahah pero.. nakakapressure naman kasi talaga magtry kung alam mong magfafail ka lang rin diba?

hay basta.. hindi ko alam kung paano magsisimula e. pero gagawin ko na talaga.
pride is very very deadly so i have to kill it before it kills me :D

woooooo excited na ko makuha tong shirt na to :DDDD

6/24/11

i can cry here :D
'cause no one will hear me :D

---

i just wanna sleep now.
so i won't feel anything.
ako ay nagugulumihanan ngayon :O

sa mga nangyayari, sa nararamdaman ko, sa lahat. sobrang hindi ko na maintindihan talaga e D: para bang sa ngayon okay, mamaya hindi, bukas okay ulit, tapos hindi nanaman.. ang gulo gulo. alam mo yun? wag ka magalala kung naguguluhan ka.. kasi ako mismo, hindi ko rin magets.

parang ayoko na nga magopen up sa mga kaibigan ko ngayon e. kasi baka magsawa na sila makinig sakin dahil pabago bago ako ng mood D: pero wala naman akong magagawa dito e. go with the flow pa rin.

hay.. itutuloy ko na lang tong post na to next time..

basta malungkot ako ngayon. ewan ko kung hanggang kailan.
nagcocomment si danno kagabi sa status ko..

pero bigla niyang dineactivate yung account niya for some reasons. so automatically, mawawala yung comments niya sa post ko.


e tapos kaninang umaga nakita ni booh yung status na to hahahaha pinatulan naman! akala daw niya kinakausap ko sarili ko ahahahahahahaahahahahahah monologo amp.

woah inspiring~ let's support this :D
kagabi pumunta ko sa funeral viewing ni kuya manuel.. after ng ilang years, dun ko lang ulit nakita si ate rexy. galing kasi siya sa saudi. kaya nung nakita ko siya, hinug ko siya agad. medyo naiiyak nga ako that time kasi nalulungkot pa rin ako para sa kanila D:

---

hmm kagabi ko lang din pala ulit nakabonding yung mga pinsan at pamangkin ko sa aquino. masaya naman :D super namiss ko sila D: nagenjoy ako kasama sila kagabi. kaso may gap na talaga sa family e. tsk tsk.

6/23/11


this is why i love my best friends. kahit mga bagay na walang sense, nagkakaintindihan kami :D partida kulang ng isa. hahaha pero pag kumpleto kami, power trip kung power trip na talaga! hahahahahahahahah :D

naalala ko tuloy yung pinagtripan namin si austin hahahahahahah [link]

nachallenge ako nung sinabi ni jep kanina na dapat daw may mga bago akong designs sa nails :D so there.. naglagay ulit ako ng mga bago :D medyo madumi yung gawa ko e sorry! ang liit kasi ng kuko ko ngayon D: oh well.. credits dun sa mga may ari ng iba't ibang designs na sinearch ko XD
woah.. nagulat ako nung nalaman kong kahapon lang pala nag 2 months si eggman at eugene O_____O hahahah parang ang tagal tagal na kasi nila! parang years na promise!! nakakatuwa talaga yung dalawang yun. nakakatuwa na medyo nakakainggit ahahahahahah sabi nga ni eggman, lahat daw ng may mutual friends sa kanilang dalawa, talagang naiinggit! hahahah very lucky :D
i feel like listening to bring me the horizon today :O
and because of that...






oh, oli sykes! you always attract me ♥

if 98% of his fans love him because of his hair, then i must be one of his 2% fans that love him because of his tattoos. i don't know, i just really find it sexy :D

damn! nakakaadik tong kanta na to! we should all blame ate wenz and ate kat!! hahahaha :D umaga, tanghali, gabi, breathe carolina! hahahah new found favorites ♥

A boy threatening to throw himself to his death has been rescued by a girl who tricked bystanders into thinking she was his girlfriend so as to get close, at which point she embraced and kissed him, allowing his rescue.

source: [link]

---

cool shit hahaha :D

6/22/11

ngayon ko nararamdaman na nagiisa ko. wahh D: ewan ko ba. gustong gusto ko sana ng mapaglalabasan nitong bigat ng pakiramdam ko kaso parang napaka busy ng lahat ng tao kaya wala akong malapitan. parang wala man lang gustong sumama sakin.

---

i wanna go somewhere far away from here. where people can't see me. but i'm too lazy to go. so i just hope that some random stranger would come to me and give me a big hug. because i'm kind of lonely tonight. D:
yung mga taong gusto ko lapitan, lumalayo.

pero yung mga taong nilalayuan ko, lapit ng lapit.

ANO BANG PROBLEMA HA?!
masaya sana tong araw na to kaso ang daming malas na nangyari sakin ngayon. medyo nakakainis. pero salamat Lord at nakauwi pa din ako ng safe. malaking tulong din yung pinahiram na payong ni earl hahaha or else basang sisiw ako ngayon. tsk. sana hindi na maulit to..

basta. wala ko sa mood magkwento dito sa blog. wala din namang interesado makaalam. oh well..

6/21/11


HAHAHAHAHAHAHA!! this guy made my night! ♥ i love you justin JOHN bieber!! XD
namimiss ko na magonline games D:


hahahah gusto ko sana ilagay to as background music kaso narealize ko hindi bagay sa layout ko ahahahhaahahha parang gusto ko tuloy magpalit ng layout D: gusto ko ng colorful~

tengene to si leandro hahahahahahahahahah

(CNN) -- Ryan Dunn, one of the stars of MTV's "Jackass" films and TV series, was killed in a fiery car crash on a Pennsylvania highway early Monday, police said.

"Jackass" star Johnny Knoxville tweeted his message Monday morning: "Today I lost my brother Ryan Dunn. My heart goes out to his family and his beloved Angie. RIP Ryan, I love you buddy."

source: [link]

---

a very very very sad day for every jackass fan :'( we salute you ryan dunn! RIP.
nung nasa toycon kami ni jep last saturday, may nagabot sakin ng pamphlet ng CIIT (cosmopoint international institute of technology) school siya or somewhat school na nagooffer ng multimedia/computer arts specialist courses like web design, multimedia, 3d animation, game development, photography, network :D nung paguwi ko, sinearch ko siya dahil medyo interesado ako magenroll :D


the next day, kinwento ko kay madur yung tungkol dun sa CIIT at sinabi niya na kung aabot daw ako sa enrollment, sige lang :D oha! pumayag siya! ahahahahahahah :D kaso nalalayuan ako sa lugar e D: sa timog pa huhuhu pero tatry ko pa rin maginquire!! tutal sa field naman na to ako interesado at mukhang supportive na rin naman si madur kaya why not diba? :D
haha! ngayon ko lang narealize na hindi pala ko nakapagupdate tungkol sa toycon last saturday! nung day 1 lang ako umattend e. yun yung kasama ko si jep :D

konti lang kasi yung pictures ko dun D: at wala talaga akong balak umattend. kasi alam kong maraming tao dun panigurado. kaso gusto talaga ni jep na makita si alodia kaya sinamahan ko rin ahahahahah crush niya yun e hahaha :D pero tinatamad talaga ko magikot ikot at magpapicture nung araw na yun kasi super daming tao dahil nga super duper big event~____~ parang divisoria my goodness! wala naman masyadong nagcosplay pero ang dami daming umattend!!

so yeah, NAKITA NAMIN SI ALODIA. hahahaha >:) kaso walang pictures e. wala tuloy proof ahahahah! tinatamad kasi ako magpicture nun dahil phone camera lang gamit ko D: baka magblur lang din dahil super dami ng tao. kaya hindi ko na triny. nasiksik pa nga ko ng alodia fapboys kasi hindi namin alam na dun pala pupunta si alodia sa kinatatayuan namin ni jep ahahahahahaha hayup na mga alodia fapboys yan! kung hindi lang perverts! XD

hindi naman talaga ako alodia fan, at hindi rin ako hater. basta naaappreciate ko lang yung galing niya pagdating sa cosplaying. well, she's undeniably cute!! keri niya lahat! kaso yung popularity niya e sobra sobra na.. siguro dahil dun sa show niya sa abs at sa facebook! pag tinignan mo yung fan page ni alodia ang daming mga manyak comments ahahahahahah kaya tuloy tinawag silang alodia fapboys ahaahahahahahahahhaha mas gusto ko pa rin talaga si ashley :D mas maganda kasi si ashley kesa kay alodia. pero mas cute si alodia kesa kay ashley. hihihi pero si tricia gosingtian talaga pinaka gusto ko ♥ ♥ ♥

---

may naging crush nga pala ko! hahahah!! ang poging jack sparrow neto! :D


tapos nakita ko ulit si gwapong robin! hahaha :D nakita ko na din siya nung day 3 ng ozine fest e :D kaya pag nagkita ulit kami next convention, itatanong ko na kung ano facebook niya hahahaha! napogian din si eki dito e! pinagparte-partehan na nga namin ahahahhahahahahah


nandun rin si jin joson at yung girl crush ni geib at patricia. hmm basta marami pa. basta tignan niyo na lang yung iba pang konting pictures dun sa album ko sa facebook :D [link]

kahit may mga crush akong cosplayer, si jep pa rin talaga nagiisa ♥ hahahah
ohh.. ang aga ko nagising ngayon..

nagising kasi ako dun sa text ni kuya jay (pinsan ko) patay na daw si kuya manuel. asawa yun nung ate niya D: biglaan.

kahit may gap na sa family namin at kahit hindi kami masyadong close ni kuya manuel, hindi ko pa rin talaga maiwasan malungkot. kahit ano man ang nagawa nila sa family ko dati, sa kanila na lang yun. hindi na ko kasali dun. basta ayokong maapektuhan yung relationship namin ng mga pinsan at pamangkin ko :3

akala ni madur aksidente ang kinamatay kasi last week ata naaksidente yun sa motor. pero ang hinala daw nila, leukemia. baka matagal na may sakit hindi lang sinasabi. balak pa nga sana umuwi ni ate rexy this week galing middle east. kaso hindi na niya inabutan. pero ang pinaka iniisip ko dito, yung dalawang anak nila.. si ianne at ace T^T nakakaawa yung dalawang yun e super maka-tatay pa naman. naaawa lang ako. hay, ang lungkot talaga.

parang kagabi lang pumunta pa ko sa aquino, nakita ko pa si ianne at ace, dun ko lang nalaman na nasa ospital pala papa nila. nagbantay pa nga ata si ianne e.

tapos kagabi rin, pagtapos namin dumaan sa aquino, kasama ko si madur pumunta naman kami dun sa burol nung isang family friend. si tito efren. namatay rin. biglaan. baka ata may sakit rin pero hindi sinasabi sa pamilya. hay. ang dami ngang dumalaw na family and friends sa viewing niya kagabi kasi super bait talaga. galing pa sa malalayong lugar, at yung iba mga nakakalaro niya lang sa badminton. pero pinuntahan pa talaga siya. super bait bait bait kasi nung taong yun. wala kang masasabi.

---

bakit kaya sunod sunod ang nadedeads? sana naman wala ng susunod. ang bilis ng mga pangyayari e. napaka biglaan. hindi mo namamalayan yung oras. magugulat ka isang araw, wala na sila. nakakaawa yung pamilyang maiiwan. sobrang unexpected. ang lungkot tuloy ngayon.

what a sad start to my day D:

6/20/11


siguro kahit sino naman ang nasa sitwasyon ko, mapapaisip rin.. bakit nga ba?

gusto ko ng totoong sagot :3 positibo man o negatibo, basta yung totoo.
hindi pwedeng ikaw lang ang iintindihin ng mga tao. minsan dapat marunong ka rin umintindi para fair. hindi mo sila mapipilit na sumang-ayon lagi sa opinyon o paniniwala mo. iba yung takbo ng utak mo, iba rin sa kanila, iba iba tayong lahat. kaya dapat marunong ka makibagay para magfit in ka. hindi maganda yung paninindigan mo na maging loner dahil lang naiinis ka sa paligid mo. kailangan mo pa rin ng kakampi. pero hindi kailangan mamili ng kakampihan. kung sino yung nandyan para sayo, makuntento ka. iwasan maging judgmental. ang kailangan lang respeto at malawak na panguunawa.

concerned lang ako kasi kaibigan naman kita kahit papaano.

hahahahahah!! tengene! natawa ako dito! hahahaha we just got a letter ka pa steve ah?! yari ka kay jigsaw ahahahahahahaha

i'm so happy i could die :D

hindi ko alam kung anong ibibigay kong title dito e. ang gulo kasi ng pagkakagawa ko. i need a lot more practice.. and inspiration! hahaha gusto ko ng magtuturo sakin sa color combination T_____T ang pangit ng mga kulay na ginamit ko hahahah gusto ko sana pop art ang datingan kaso amateur pa ko D: tsaka ng hirap rin kaya magdrawing sa mouse! mas okay talaga sana kung may pen tablet e hahaha :D

6/19/11

guess what?? hahaha nagsimba ako today!! :D and i'm so proud :D haha first time ito sa buong buhay ko na magsimba magisa. achievement! :D kaso hindi talaga ako makasunod sa rites kanina dahil tagalog huhuhu pati yung mga kanta hindi rin ako makarelate D: ama namin lang ang nasasabayan ko ahahahah nasanay kasi ako sa first friday masses sa laco nung highschool. english magmisa yung pari. kaya nalilito tuloy ako kapag tinagalog na :O

anyway. plano ko talaga na magsimba ngayong araw na to :D masyado kasi ako maraming dapat ipagpasalamat. feeling ko lang blessed na blessed pa rin ako pagkatapos ng lahat :D at nung natapos ko yung mass, it feels great. sa 17 years na buhay ko, ngayon ko lang nalaman na ganun pala ang feeling. ahahah tsaka may mga kailangan rin ako ipagpray tulad ng kalagayan ng papa ni rheca~ sincere ako nun habang nagdadasal! haha promise! syempre yun lang kasi yung tulong na maibibigay ko para sa kanila :3

hmm nung dumating nga ko sa bahay, tinanong ako ni madur kung saan ako galing, bat daw ang tagal ko (akala kasi niya maggrogrocery lang ako) tapos nung sinabi kong nagsimba ko, ang nasabi niya lang "waw ang baet ha?!" pero ang sarcastic ng pagkasabi niya ahahahaha echoserang frog!

wala pa sa kalahati, tinatamad na kong tapusin ahahahaha :D sinasamantala ko lang tong pagkakataon na to habang inspired ako! nyahahahah ang saya saya ng buhay ko ngayon :D sana laging ganito :D

haha nakaopen na nga lahat ng pwede ko iopen, wala pa rin ako magawa .

hindi online yung mga gusto ko makausap sa facebook. at dahil wala yung friends ko sa facebook, wala rin ako makatweet sa twitter. wala ako makitang maganda ireblog sa dashboard ko sa tumblr. dinelete ko na yung mga walang kwentang tanong sa formspring. wala ako matinong maipost dito sa blogger. hahahahahaha what a boring cyber life D:

kaya nga naglilinis na lang ako ng bahay ngayon e hahaha at the same time, sinusulit ko rin yung unli ko sa globe katext si baby jade :D ang weird niya, hindi pala niya alam na wala na kami ni jep! ahahahahah anong klaseng kaibigan to! minsan napapaisip tuloy ako kung kaibigan ba talaga namin to o ano! hahaha malalaman na lang niya kapag okay na ulit hahahahahahaha sarap bigwasan amp.

pag hanggang mamaya wala pa rin ako magawa, baka magupload na lang ako sa deviantart nung mga art-artan ko :D hahahah check niyo dali para hindi naman langawin masyado hahahahahahah http://lexikien.deviantart.com
eggman and his girlfriend eugene :D


natutuwa ako pag nakikita ko yung paguusap nila sa wall nila o kaya pag pinopost nila yung conversation nila as tumblr haha :D sila na sweet! sila na talaga! hahaha! fan na nila ko :">

6/18/11


hahahah sorry somedaydream! hindi ako nagsisisi na hindi kita nakita kanina :D buti na nga lang hindi ako pumunta sa gig mo kanina! or else, hindi ako ganito kasaya ngayon :D well, magiging masaya ko kung makikita ko si rez. pero mas masaya pa rin talaga yung kanina! hahaha

hala hindi nanaman ako makarecover hahahhahahahahahah :"> tengene!
parang gusto ko na matulog ngayon :D hahahaha baka bigla pang magbago pa yung feeling na to e sayang naman :D hahaha!! hay.. halatang hindi ako makamove on hahah sorry masaya lang talaga ko! :D

sana si booh rin maging masaya na.. hindi kasi kumpleto yung saya ko kung nakikita ko siyang nalulungkot D:
nung nakita ko pa lang siya kanina, super pinipigil ko na yung sarili ko. alam ko kasi kapag umasta ako ng natural, hindi ko maiiwasan maging emosyonal. kaya hanggat maaari, sinusubukan kong umiwas. alam kong nahahalata niya kanina na medyo uncomfortable ako nun. pero buti na lang talaga at nahandle niya ng maayos :)

yung pakiramdam ko kasi kanina parang gusto ko sumabog, gusto ko umiyak, gusto ko maging invisible. super duper awkward ng sitwasyon. parang gusto ko na matapos agad yung araw na yun. feeling ko hindi pa ko ready na makasama siya ulit.

"akala ko hindi magiging maganda ang araw na to.
akala ko may masamang mangyayari.
akala ko malulungkot ako."

YUN ANG AKALA KO :D

---

bandang huli.. hindi ko rin napigilan ang sarili ko..
umiyak ako sa harap niya kanina hahaha!!

hindi ko rin alam kung bakit ako biglang umiyak. basta nung hinawakan niya ko, nung naamoy ko yung scent niya, nung naramdaman ko na siya, parang namiss ko lahat lahat lahat...... alam mo yun? parang sobrang natuwa ako kasi hindi ko akalain na maeexperience ko pa yun pagkatapos ng lahat ng nangyari :D sobrang namiss ko talaga.

tapos.. nung nakita niya kong umiiyak, hinug niya ko T___________________T grabe. kung pwede ko lang pahintuin yung oras, gagawin ko talaga!! lalong ang sarap umiyak kapag hinuhug T____T akala niya siguro malungkot ako nun. pero ang totoo, hindi naman ako malungkot e. overwhelmed lang talaga ko kaya ako umiyak :D

.
.
.

at hindi pa yun nagtatapos dun!! may pahabol pa!! hahahahahahahaha


wahahahahahahahahahahahaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! :D :D :D

nung pagkasabi niya sakin na para sakin yan, tengene, naiyak nanaman ako!! hahahahahahaha this time hindi lang basta basta iyak! as in iyak na maingay na! yun parang tinotorture! hahahah nakakainis lang kasi!! nasuprise ako masyado e!! T___________T hahahaha iyakin ako sa ganun! ang babaw na nga ng kaligayahan ko, ang babaw pa ng luha ko! ako na mababaw!! hahahahahahah :D

pero medyo naguguluhan pa rin talaga ko. wala naman kasi siya ibang sinabi. wala rin akong nararamdaman na pahiwatig. walang kung anu ano. basta ang sabi niya, remembrance daw tong ring na to. e malay ko ba kung remembrance pala dahil huling pagkikita na namin yung kanina? ahahahahahaha wag naman sana.. :O basta ayoko muna magisip ng kung anu ano. baka mamaya maling akala nanaman ako. tsk tsk

basta masaya ko. period.

---

hayy.. ang bango bango pa rin talaga niya shet..
at bumagay sa kanya yung bagong hairstyle niya :">
ang angas niya tignan. mukha siyang wara hahahahahah!!

tengene. parang crush ko siya ulit :"> haha!!
akala ko hindi magiging maganda ang araw na to.
akala ko may masamang mangyayari.
akala ko malulungkot ako.

pero lahat pala ay maling akala :)

---

sobrang masaya ako ngayong araw na to. hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan. basta masaya ako :D

kaya lang hindi ako kampante na tatagal tong saya na to. posibleng mamaya, bukas, sa isang araw, sa susunod, malungkot na ulit ako. pakiramdam ko ngayon lang to e. pero wala na akong pakialam dun. basta sa ngayon, masaya ako :D

sa totoo lang, naguguluhan pa rin ako sa sitwasyon namin hanggang ngayon. pero ayoko na pilitin yung sarili ko na intindihin yung mga bagay bagay. the more kasi na pinagiisipan ko, the more na naguguluhan ako. siguro hahayaan ko na lang na ganito kami. go with the flow na lang ulit ako. makukuntento ako sa kung anong meron ako/kami ngayon.

this is a positive feeling :D i just want to cherish the moment while it lasts. at dahil dito, bigla ko na lang nakalimutan lahat ng lungkot at sakit na naramdaman ko in the past few weeks. lahat ng yon naglaho at napalitan ng saya at ngiti :D hindi ko rin alam kung bakit. basta happy, contented and thankful ako dahil nangyayari to

now i catch myself smiling for no apparent reason :)

sa wakas! makakatulog na ulit ako ng mahimbing :D hahahahahahaha
FACT:
marerealize mo lang na wala na ang isang tao sayo kapag hinahanap mo na siya :D

- malamang diba? hahanapin mo pa ba yung taong alam mo namang nandyan? for what?! hahaha bullshit.

you can even ignore that person as long as you want. you don't have to waste much of your attention on him/her because you know he/she is gonna stay. but ONCE that person decided to leave you, you're dead.
hayyy.. naguguluhan ako kung saan ako pupunta ngayon D: ngayon balak ng charism na magkita kita at uminom e. tapos mamayang gabi balak ko naman umattend ng gig!! huhu baka mapagalitan na ko ng bonggang bongga ni madur kapag umalis ako maghapon. tapos bukas balak ko pumunta sa toycon dahil pupunta ata sila eggman at tsaka iba kong friends D: D: D:

wahhhh lungkot! kailangan ko lang pumili ng isang lakad! huhuhuhu tsaka waley din ako pera much hahahaha buti sana kung itretreat ako ni cabby mamayang gabi hahaha kaso hindi rin ako sure kung sasamahan niya ko D:

hay ang gulo gulo. at ang lungkot lungkot D: gusto ko pumunta sa charism mamaya! pero dapat makapunta rin ako sa gig! at kung matuloy man ako sa charism at sa gig ngayon, hindi na ko makakapunta bukas sa toycon T________T oh well. ayoko na magplano. hintayin ko na lang sila para biglaan hahahahahahah

hahahaha nakakatawa naman yung 2nd version ng narrative nitong parangap lang kita! :D parokya ni edgar yung gumanap tapos si vinci montaner yung pumalit kay happee sy hahahahaha!! bromance tengene! haha pero ang galing ♥ ♥ ♥

6/17/11


hahahaha he used to always tell me this :D
i drank a little too much tanduay ice tonight. now my heart beat is getting faster than the normal. and my face turns red. i feel like i want to sleep. but i'm not drunk. not yet. i'm just like this whenever i drink alcohol.

suddenly, i miss my highschool friends. i miss having inuman sessions with them. i'll be seeing them this weekend. and i'm pretty excited :D
haha!! natuwa ako dito! yung costume ng beatles e yung favorite colors naming apat :DDDD


john lennon - lime green (color ko)
paul mccartney - blue (color ni eki)
george harrison - orange (color ni geib)
ringo starr - hot pink (color ni booh)

hahahahahahaha ang cute lang ♥

happy birthday geib :D

pasensya na teh dahil hindi ko alam kung paano kita ichicheer ngayon. kaya nagdoodle na lang ako ng panda. kung pwede lang kita ihug ngayon, gagawin ko talaga! ♥

nakakalungkot lang dahil ngayon pa talaga nagkasabay sabay yung mga prinoproblema mo. in all fairness, nakakastress naman talaga kapag sabay sabay dumating yung mga problema kahit maliliit lang. di bale pipilitin ko na lang maging masaya para hindi na ko dumagdag pa sa mga iniisip mo. keri ko naman to e. kaso mahabang proseso pa. pero pipilitin ko talaga! :D

pasensya na rin kung hindi natin macecelebrate yung birthday mo ngayon. pero promise icecelebrate natin yan sa ibang araw :D siguro naman hindi big deal yung date diba? maybe next week. kapag pwede tayong lahat :D idadaan na lang natin sa party party para maging masaya tayo lahat :D
this song never gets old.


i need something else
would someone please just give me
hit me, knock me out
and let me go back to sleep
i can laugh all i want, inside i still am empty
so deep that it didn't even bleed, catch me
i'll be just fine pretending i'm not
i'm far from lonely and it's all that i've got

hahahaha! nakita ko lang to sa news feed~

go green ranger! :D crush ko pa naman siya dati! haha the eyessss to die for ♥
Day 29 - A picture of someone that can always make you smile.


me and earl david fluffy cleofe :D hahahahaha ang bata pa namin dito oh haha :D

maraming nagsasabi na sobrang corny daw ng taong yan. yun tipong matatawa at mapapailing ka na lang dahil sobrang corny ng joke niya. ang sarap tuloy bigwasan haha pero minsan naman sadyang nakakatawa lang din talaga siya bumanat :D

pero sa totoo lang, si earl talaga ang tanging creature na hindi pumapalya sa pagpapatawa at pagpapangiti sakin :D kahit sobrang badtrip ako, naiinis, wala sa mood, natatawa pa rin lagi ako sa mga banat niya! lahat bentang benta sakin! hahahahahahah sabi nga niya sakin dati, simula pa daw nung nagkakilala kami nung third year highschool, ako na ang "taga-tawa" ng jokes niya. kahit sobrang hindi na nakakatawa. hanggang ngayon daw, ako pa rin! hahaha :D ewan ko pero aliw na aliw talaga ko kay earl! haha kasi mukha pa lang, parang joke na hahahahahahahaha

kaya nga gusto ko makita ulit si earl ngayon.. para kahit papaano makalimutan ko yung mga bagay na nagpapalungkot sakin :3

siguro kung isa ko sa mga nanonood sa concert na ganito, maiiyak ako.

overwhelming much :D
Day 28 - A picture of something you’re afraid of.


putangina. kulang pa ang mga salitang takot, ayaw, kadiri, etc. para iexpress ko yung sobrang loathe ko sa mga ipis ~_____________~

ngayon nga habang nagsesearch ako sa google ng picture ng ipis, kinikilabutan ako e. napamura pa ko hahahaha promise. tangina kasi. ayoko talaga sa kanila. nakakatakot. nakakadiri. nakakainis. buhay o patay, naglalakad o lumilipad, totoo o laruan o picture, brown o black o white, tangina nilang lahat. i hate them.
Day 27 - A picture of yourself and a family member.


family memberS.

october 7, 2006. buhay pa si nanay dyan. hindi pa pinapanganak si JD.
Day 25 - A picture of your day.


forgive me.. i really don't know what picture to post here since my day hasn't started yet. or should i say, my day didn't started off great so i'm not in the mood to take photos. sabihin na lang nating.. nakangiti pa rin ako kahit hindi masyadong maganda ang mood ko ngayon~ but who knows? baka mabago pa to mamaya :D hihihi ngiti lang para good vibes ♥

---

ang dami ko nanamang nalagpasan na days D: oh no!
hahabulin ko na lang ngayon para sakto sa date haha :D

napansin ko lang, kalat na kalat na to sa facebook. i don't like him but i don't hate him either :D yeah he's cute. and that is all.
waw teh! ang lakas ng loob mo para iadd ako hahahahaha CLOSE TEH?! sorry, but i don't want people like you on my wall. i'm so gonna ignore you TO DEATHHHH!!! bwahahahahahahahah

sorry, may pinaghuhugutan lang ako ng galit. galing pa sa balon. ang lalim e. hahahahah!! i just need to get this out of my freakin system. or else sasabog ako. hahahahahahahahahahaha
yung pakiramdam ko ngayon, ganito rin yung pakiramdam ko nung bago bago pa lang yung break up. i thought i won't hurt me so much, but it did.

kagabi chinicheer ako ni eggman. napansin kasi niya na malungkot ako D: trinatry niya ko icomfort kaso hindi ko talaga kaya magkwento sa kanya. naiintindihan naman niya. super bihira lang naman kasi talaga ako magshare ng problema sa ibang tao aside from my bestfriends.

i told eggman that everything is written in my blog. if he wants to know about it, then i'll let him read. pero wala na kong balak magkwento sa kahit sino dahil for sure, iiyak nanaman ako. i don't wanna cry anymore. i'm so done with crying.

pero sobrang naappreciate ko naman yung pagtry ni eggman na icomfort ako :D to think na hindi pa kami super duper close. at hindi pa kami nagkikita sa personal. actually, hindi na ko nakikipagkaibigan sa opposite gender through internet but eggman is different :D he's such a sweet friend. HINDI YUNG SWEET NA LANDIAN HA!! tengene! may girlfriend yon! wag kayo mamisinterpret. wala akong balak manira ng relasyon! i super hate third parties! at isa pa, alam kong matalino si eggman kaya hindi siya gagawa ng bagay na ikakasira nila ng girlfriend niya :D kahit hindi ko friend yung girlfriend niya, pansin ko naman yung loyalty nila sa isa't isa. relationships like that are gonna last for sure ♥ anyway, i just find him sweet in a way na nagooffer siya ng help kahit alam niyang may posibilidad na tanggihan ko siya.. the thing is, he didn't hesitate :D at very appreciative ako sa mga ganung klase ng tao :D

akala ko kagabi, magiging maganda ang gising ko ngayong umaga. pero hindi e. i really don't know what's happening. i feel so sad and my mood is not good. i shouldn't be feeling like this. i should be happy today because it's geib's birthday today. kapag nalaman niyang nalulungkot ako ngayon, for sure malulungkot din siya para sakin D: and i don't want that to happen. dapat masaya kami ngayon :D well, mamaya magkikita kita kami, siguro naman magiging masaya ko :D sana..

---

i'm over you most of the time.
i'm just unlucky today that's why i'm feeling like this.

6/16/11

Something always brings me back to you
It never takes too long
No matter what I say or do
I still feel you here 'til the moment I'm gone

You hold me without touch
You keep me without chains
I never wanted anything so much
Than to drown in your love and not feel your rain

Set me free, leave me be
I don't wanna fall another moment into your gravity
Here I am and I stand so tall
I'm just the way I'm supposed to be
But you're on to me and all over me

You loved me 'cause I'm fragile
When I thought that I was strong
But you touch me for a little while
And all my fragile strength is gone

Set me free, leave me be
I don't wanna fall another moment into your gravity
Here I am and I stand so tall
I'm just the way I'm supposed to be
But you're on to me and all over me

I live here on my knees
As I try to make you see
That you're everything I think I need
Here on the ground

But you're neither friend nor foe
Though I can't seem to let you go
The one thing that I still know
Is that you're keeping me down
You're keeping me down

You're on to me, on to me and all over
Something always brings me back to you
It never takes too long

- Sara Bareilles, Gravity

xela showed me this :D
i don't like the song but i super love the lyrics. kind of familiar haha!!

---

why do you have to be like that dear? why?
you made lucy sad again D:
you're not a nice guy.
quick post about our palawan tour :D

day 1 (june 13, 2011)

nung una hindi ako excited dahil depressed pa rin ako. pero nung nakarating kami sa palawan, parang ayoko na agad umuwi ng manila!! hahahah nainlove agad ako sa lugar na yun ♥ sobrang ganda sa puerto princesa city, palawan! ang daming puno. kahit saan ka tumingin, puro green :D paglabas pa lang namin sa terminal, ang dami na agad puno sa paligid. mukha lang probinsya sa unang tingin, pero city talaga yun haha! marami nang establishments pero bihira lang yung malalaking buildings. sobrang linis ng paligid. walang pollution. sabi nga nung driver sa hotel, may batas sila dun na bawal magtapon ng basura (kahit gaano kaliit!) at bawal manigarilyo sa public place! nakakatuwa naman dahil disiplinado talaga lahat ng tao dun :D tapos wala daw bagyo, baha, earthquake, etc dun! awesome!! siguro kaya hindi sila tinatamaan ng iba't ibang kalamidad dahil maalaga sila sa sarili nilang lugar ♥ una kong napansin sa palawan, wala silang jeep! ay meron pala sa capitol, pero konti lang. tsaka maliit lang. ang number 1 public transportation nila ay tricycle. pero hindi yung karaniwang tricycle na makikita sa manila. basta kakaiba yung ichura haha!! ang ganda dun sa hotel na pinagstayan namin :D medyo malayo sa downtown pero peaceful yung lugar. tapos beach pa yung likod ng hotel kaya anytime pwede magswimming. nagcity tour lang kami nung hapon. pumunta sa crocodile farm kung saan ako nakahawak ng baby crocodile at bear cat (mga kalahi ko!! hahaha) tapos pumunta rin kami as mitra's ranch, baker's hill, souvenir shops, then nakalimutan ko na yung iba. basta maganda yung buong puerto princesa. madaling ikutin dahil maliit lang yung place :D

day 2 (june 14, 2011)

hoorraa for underground river! ♥ mahigit 2 hours yung byahe galing dun sa bayan papunta sa underground river. yung van na sinakyan namin, may iba kaming mga kasabay magtotour :D yung iba foreigner, yung iba pinoy. naging friend nga ni madur yung isang kasabay namin, ka-age niya siguro tapos kasama rin yung 17 year old na anak :D taga antipolo. naging instant friend ni madur hahahaha miss congeniality kasi yun. masyadong friendly haha!! tapos yung natuwa ako dun sa tatlong lalakeng teenager na foreigner na nasa likod ko (ay yung isa pala pinoy) pero lahat sila british accent! :D kinanta nila yung paparazzi ang ganda ng accent! huma-harrey pottah! haha!! nakakahilo sa byahe. zigzag kasi tapos parang roller coaster pa minsan yung road! yung mararamdaman ng chan mo! hahaha tsaka super liblib. wala kaming nakakasalubong na sasakyan. parang bumabyahe sa malayong part ng laguna~ nung nakarating na kami sa sheridan, sasakay pa ulit ng bangka papunta sa underground river :D ang ganda ng view! ang daming bundok! puro green! tapos white sand!! ♥ ♥ ♥ yung underground river, ang ganda ganda sobra! deserving maging isa sa wonders of the world! :D maipagmamalaki talaga! mahirap iexplain e. basta maganda. kung gusto niyo malaman kung gaano kaganda, puntahan niyo din hahaha! pagtapos namin sa underground river, bumalik ulit kami malapit sa sheridan para maglunch. naghintay pa kami ng 2 hours kasi nagmangrove boat trip pa yung isang foreigner na kasama namin. kami nagstay lang dun sa sheridan. yung tatlong teenager na foreigner nagswimming. pero kami nagikot ikot lang dun. tapos nagsulat ako sa sand :D haha masaya naman. tapos bumalik na kami sa hotel. medyo maaga pa nun kaya nagdecide sila madur na pumunta sa bayan para dun magdinner. pumunta muna kami sa palengke para mamili ng mga pasalubong. kakaiba yung palengke nila! walang basura! kitang kita talaga yung disiplina ng mga tao dun :D tapos naexperience ko sumakay ng tricycle na kakaiba haha!! after that, kumain kami sa kinabuchs then pumunta sa capitol. yung capitol para siyang park tapos may trade fair every night. maraming palaweño na pumupunta dun gabi gabi. may bands din daw minsan. may mga nagbebenta ng mga products. etc. basta masaya :D may night life din pala sila kahit papaano! haha!

day 3 (june 15, 2011)

aww last day na namin sa palawan D: lungkot much! wala na kaming tour nung araw na to e. kaya nung umaga, nagswimming na lang ako sa beach dun sa likod ng hotel :D ang sarap ng feeling na naglalakad ka ng nakayapak sa buhanginan tapos lulubog yung paa mo.. grabe refreshing ♥ haha hindi ko to nagagawa sa manila kaya super natuwa ako e :D tapos medyo weird yung beach na yun kasi may mga puno sa gitna! hahaha first time ko makakita ng puno na nasa gitna ng tubig! sabi nung guard, sa umaga daw kasi high tide dun. kaya yung tubig umaabot dun sa mga puno. pero kapag hapon na, low tide na. kaya yung tubig lumalayo ng mga 50-80 meters! hahaha ang weird! :D then ayun habang naglalakad lakad ako sa beach nung umaga, nakakita ako ng talangka (baby crab) pero deads na D: inuwi ko pa nga dito sa manila yun e haha tapos nung gabi nakalimutan ko tanggalin sa bag ko kaya ang baho tuloy hahahah! kaya tinapon ko na rin. then.. hmm nung tanghali na, naglunch kami sa kalui :D ang ganda nung resto na yun! ang galing ng style! tapos ang sarap sarap nung malaking crab na kinain namin!! mahilig ako sa seafoods e at favorite ko yung crab :D ang dami ko ngang nakain ahahaha buti na lang matyaga si madur maghimay ng crab para sakin :D haha!! pagtapos maglunch, pumunta ulit kami sa capitol para mamili ng kung anu ano. tapos nung bandang hapon, bumalik na rin kami sa hotel para magprepare. 5 pm kasi yung flight namin. then nung nasa airport na kami, nadelay pa yung flight dahil super lakas ng ulan sa ppc. pero okay lang din naman sakin na matagalan yung flight dahil alam ko kapag nakauwi na ko ng manila, babalik na ulit yung lungkot ko. happy days are over.

pero at least, naging masaya naman ako sa palawan tour namin :D super unforgettable! sabi ko nga kay madur gusto ko na dun tumira sa palawan hahaha sabi niya magasawa daw ako ng palaweño kung gusto ko dun tumira hahahahahaha! pero promise talaga, gusto ko magkaron ng bahay dun someday :D desidido na ko!


thank you so much palawan ♥ ♥ ♥ promise babalikan kita very very sooooon!! :D