5/2/11

mabilisang update.

- nakalipat na kami ng bahay :D (actually nung isang araw pa, ngayon ko lang kasi naupload ung pictures) mas maliit to kesa sa dati naming nirerent pero mas malinis! walang ipis, daga, lamok, etc. ang ayaw ko lang talaga e medyo masikip. o sadyang madami/malaki lang ung mga gamit namin? at tsaka pala ayoko din nung mga tambay sa labas. lalo na pag gabi. sabi pa ni kuya jay madami daw loko loko dito. nako.






- tumulong ako sa paglipat ng gamit at paglinis ng bahay. after nun nagkaron ako ng mga sugat sugat na hindi ko alam kung saan at paano ko nakuha D: masakit huhuhu pero medyo magaling na ngayon :D


- bumili kami ng hamster :D isang white (lalake) at brown (babae) kay ej ung white akin un brown~ pinangalanan niyang thomas the train ung kanya tapos ung akin naman pinangalanan kong chicken :D si chicken ay isang evil hamster! kinagat niya ko nung bagong bili pa lang namin sa kanya, tapos lagi niyang sinusugod si thomas sa cage D: matakaw din siya at posibleng mapunta siya sa hell dahil sa gluttony hahaha next time na lang ako maguupload ng picture.

- "naglalaban kami ng panahon ngayon.. kung sino ang mas HOT!" char!!! hahahahahah ay nako. sino ba namang matutuwa sa napakapangit na panahon ngayon?! kahit magtanggal ako ng bra pag matutulog, mainit pa din talaga. kulang pa ung dalawang ligo sa isang araw. gusto ko pumunta sa states!! huhuhuhuhu gusto ko humiga sa snow D:

- shit pinipimples pa naman ako pag mainit D: huhuhuhu parang ayoko na tuloy sumali sa group cosplay sa tagcom! nakakababa ng confidence D:

- pumunta ko sa aquino kaninang gabi. nakakatuwa makipagbonding sa mga pamangkin ko na kaclose ko dati pa. mga nagdadalaga at nagbibinata na. nakakatuwa :D (pero nakakalungkot din dahil dun ko nafifeel na tumatanda na ko huhuhuhu) ang laking lalake na ni dredd ngayon. 4 years ago nung dun pa ko nakatira sa aquino, mas matangkad pa ko sa kanya. pero ngayon, he's 15 at mas matangkad pa ata siya sa tatay ko. ako lang ata ang di tumangkad hahaha :D pero keribels lang ng kilay ko. char!

- mas malapit na sa aquino tong bagong nirerent namin na bahay so baka mapadalas ang pagbisita ko dun :d yehey!

- nagpasama din pala ko kay dredd at ianne na magisaw party :D pero ako lang ang kumain dahil nahihiya ata silang dalawa sakin hahaha ang dami kong nakain na isaw dahil ang sarap sarap nila huhuhu tapos ngayon meh naiwang tinga sa ngipin ko na ang hirap hirap tanggalin! sumasakit na nga un dila ko di ko pa din matanggal D: ayoko bumaba ngayon para kumuha ng toothpick dahil madaling araw na at natatakot ako. haha kainis.

- waley pa din kami internet hanggang ngayon, nagtitiis lang ako sa broadband para at least makausap ko si jep kahit paano. kaso masyado siyang busy sa mga bagay na di ko alam kaya tuloy di din kami nagaabot. oh well.

- i'm so disappointed in you.

uhh, what else?