5/31/11

Day 14 - A picture of someone you could never imagine your life without.


BFFE ♥ best friends forever and ever hahahaha :D

hindi ko keri kapag nawala tong mga to. kilalang kilala na nila ko e! kung sino si jaz, si jiashi, si neko, si pusa, etc etc! transparent! walang bahid ng kaplastikan! sa kanilang tatlo ako pinakacomfortable maging ako. yung totoong personality ko kaya ko ilabas kapag kasama ko sila. kaya pag nawala sila, parang wala na din ako.. drama much teh? hahahah chos! basta makikilala niyo lang ako ng bonggang bongga kapag nakasama kayo sa mga UBE (ultimate bonding experience) namin ahahaha :D

kung tutuusin, mas kilala pa nga nila ko kaysa sa sarili kong boyfriend. kasi mahirap din magpakanatural sa harap ng boyfriend o girlfriend mo. syempre may standards yan e, hindi lahat ng flaws and imperfections mo kaya niyang tanggapin. nageexpect yan ng something. kaya minsan dapat pagisipan mo yung gagawin mo bago ka umaksyon, make sure na mapleaplease mo siya para hindi siya matuturn off sayo.

naalala ko yung sinabi ng teacher ko dati.. hindi naman daw masamang magpakitang tao. minsan kailangan mo din yun gawin para matanggap ka ng ibang tao :3

pero sa BFFE ko, hindi ko na kailangan magpakitang tao. super comfortable ako sa kanila at alam kong matatanggap nila ko ng kung ano talaga yung natural na AKO (kung magsalita ako para namang ibang creature ako hahaha) never ako nakarinig sa kanila ng "ay dapat ganito ka" o kaya "ay ayoko ng ganyan ka" kung ano ako, keri lang nila! walang demands, walang reklamo, walang halong chukchak chenes chenelyn ek ek! :D