5/18/11

Day 01 - A picture of yourself with fifteen facts.


1. madalas ako napagkakamalang mataray D: mannerism ko kasi ung pagtaas ng left eyebrow kaya nagmumukha akong masungit. at hindi ko yun nacocontrol promise D: pero pag nakilala na nila ko sasabihin nila ang bait bait ko pala ^3^ hahahah well! totoo naman e! mabait talaga ko! kung pwede ko nga lang ibigay yung makakapagpasaya sa lahat ng tao ibibigay ko na e! hahahah ♥

2. super madali ako mapatawa! i find everything funny! even the simplest things :D kahit wala naman talagang nakakatawa o kaya kahit gazillion years ago na ung bagay na un, pag naalala ko ulit ngayon matatawa pa din ako! hahaha tapos sabi pa ni hunneh halimaw daw ako tumawa bwahahahahahahhhahahahsakhdaslkdjalsjd (parang ganito lang oh)

3. minsan parang ayoko makipagkilala sa mga tao dahil pakiramdam ko ang pangit ko T^T sa pictures lang ako mukhang tao. pero alien talaga ako sa personal. - totoo to promise.

4. i love arts ♥ but i don't know how to draw D: well, kaya ko naman.. pero hindi ako magaling D:

5. tuwing pagtapos ko uminom ng kape, pakiramdam ko natatae ako D: balak ko nga tanungin si kuya kim sa twitter kung bakit ganun e. hays.

6. i super love the beatles! ♥ kahit hindi na sila uso sa edad ko, love na love ko pa din sila! haha kaya nga natutuwa ako makipagusap sa mga ka-age ko na fan din ng beatles. nararamdaman kong hindi ako nagiisa! woo hoo :D

7. crush ko si coco martin!! ♥ ♥ ♥ pero hindi naman ako fangirl o stalker. gusto ko lang talaga siya ♥

8. ang dami kong gusto icosplay pero wala pa din ako nasisimulan hanggang ngayon.. hay puro plano.. hayaan niyo! pag sinipag ako!! (waw kelan kaya yon?) hahahahahaha joke lang! basta :D

9. hindi ako agad agad nacoconvince ng mga kwentong barbero :D alam mo yun? yung mga kwentong walang scientific explanation. gusto ko kasi laging may proof. kaya kung walang basehan yung kwento mo, wag mo aasahang maniniwala ako :D baka mabara pa kita hahahahah

10. mahilig nga pala ko makipagdebate ♥ at hindi ako basta basta nagpapatalo! :D paninindigan ko talaga kung ano yung pinaniniwalaan ko!! - may pinaglalaban teh?! hahahaha

11. ayokong nakakarinig ng ingay kapag nagfofocus ako sa bagay na ginagawa ko. nakakadistract kasi.

12. hindi ko kayang magblog kapag may taong nagbabasa ng sinusulat ko :O kunware habang nagtatype ako, may nanonood sa likod hahahaha yung ganun ba. kahit sabihing dedmahin ko lang, hindi ko pa din kaya hahahaha

13. sa ngayon, si jep na yung gusto ko maging lifetime partner :D alam kong maaga pa para magdecide.. pero gusto ko talaga e hahahahaha ♥

14. lately nagkaron ako ng bilbil sa chan D: huhuhuhu matagal ko na gusto tumaba pero ayoko ng ganito!! ang payat payat ko pero may bilbil ako huhuhu ang sagwa nakakaturn off haha!!

15. once in a blue moon ako magpants :D hahahaha mas madalas ako magskirt at magshorts. huwag kayo magpalinlang sa picture na nilagay ko haha bihira niyo ako makikitang ganyan hahahahaha