5/31/11

kailangan ko ng maiiyakan. hahahahahaha :D










e bat ako tumatawa?

bwahahahahah ano ka nagayon bitterman? ang lakas pa ng loob mo mantrip, akala mo maaasar ako no?! ahahahah malas mo lang! ay hindi, swerte ka pala :D swerte mo dahil bad mood ako. wala akong panahon sayo. pero kung maganda mood ko kanina, baka pinatulan kita :D

haha! masyado ka na kasing napaghahalataan!! obvious na obvious na! ang tindi talaga ng galit mo sakin e no? lalim ng pinaghuhugutan e! :D hahahah advice ko sayo bitterman, next time kasi galingan mo ang pagstastalk sakin para tamang impormasyon naman ang makuha mo :D bwahahahahaahahaha oops, pahiya ng konti :D

promise hinding hindi ako mababadtrip sayo :D instead, matutuwa pa ko :D ang sarap kaya sa pakiramdam na may taong nagagalit sakin! haha i love that feeling! ♥ i'll support you until you and your fictional girlfriend die :D bwahahahahah

yay i'm too evil na~
Day 14 - A picture of someone you could never imagine your life without.


BFFE ♥ best friends forever and ever hahahaha :D

hindi ko keri kapag nawala tong mga to. kilalang kilala na nila ko e! kung sino si jaz, si jiashi, si neko, si pusa, etc etc! transparent! walang bahid ng kaplastikan! sa kanilang tatlo ako pinakacomfortable maging ako. yung totoong personality ko kaya ko ilabas kapag kasama ko sila. kaya pag nawala sila, parang wala na din ako.. drama much teh? hahahah chos! basta makikilala niyo lang ako ng bonggang bongga kapag nakasama kayo sa mga UBE (ultimate bonding experience) namin ahahaha :D

kung tutuusin, mas kilala pa nga nila ko kaysa sa sarili kong boyfriend. kasi mahirap din magpakanatural sa harap ng boyfriend o girlfriend mo. syempre may standards yan e, hindi lahat ng flaws and imperfections mo kaya niyang tanggapin. nageexpect yan ng something. kaya minsan dapat pagisipan mo yung gagawin mo bago ka umaksyon, make sure na mapleaplease mo siya para hindi siya matuturn off sayo.

naalala ko yung sinabi ng teacher ko dati.. hindi naman daw masamang magpakitang tao. minsan kailangan mo din yun gawin para matanggap ka ng ibang tao :3

pero sa BFFE ko, hindi ko na kailangan magpakitang tao. super comfortable ako sa kanila at alam kong matatanggap nila ko ng kung ano talaga yung natural na AKO (kung magsalita ako para namang ibang creature ako hahaha) never ako nakarinig sa kanila ng "ay dapat ganito ka" o kaya "ay ayoko ng ganyan ka" kung ano ako, keri lang nila! walang demands, walang reklamo, walang halong chukchak chenes chenelyn ek ek! :D

5/30/11

Day 13 - A picture of your favorite band or artist.


they're the best of all my favorites.

beatles forever ♥
Day 12 - A picture of something you love.


hindi ako nakapagblog kahapon dahil busy-busyhan ako hahaha kaya ngayon ko lang nagawa tong pang day 12.

anyway, gustong gusto ko yung nasusurprise ako ♥ (pero syempre hindi yung negative na surprises!) common sense na lang. kahit simpleng surprise lang basta ba taos puso at may kasamang pagmamahal ♥ hahahahaha *blush blush* landi much hahaha

without you i'm incomplete..

ayun.. hindi ko na siya natiis, nagsorry na ko. he's really a lot more important than my pride. hindi ko na madeny na namimiss ko na siya. miss ko na yung naguusap kami lagi. miss ko na lahat D: kasalanan ko din naman magiinarte pa ba ko?

sana lang hindi na to maulit. another lesson learned :D

5/28/11

Day 11 - A picture of something you hate.


ayoko sa mga taong tanga o nagtatanga-tangahan. para silang sakit na nakakahawa. nako, lumayo kayo sakin please lang.
i miss telling you how much i love you.

woohoo inspired sa strangers, again :D

pero diba ang layo ng inspirasyon ko sa gawa ko? hahahhahahahaa! malungkot yung story ng strangers, again tapos mukhang masaya yung gawa ko. tengene. labo much.

pucha umiyak ako dito ng todo! this is so wrong yet so true. why does communication gap exist?! why can't everybody have happy ending? why.........?!?!?

hay.. tengene! hehehe! (huhuhu dapat yan e)

5/27/11


madumi na kasi 3 days na ata ata yan nung pinicturan ko~

mano mano ko ginawa to. 1 hour 30 mins. tinulungan ako ni geib magisip/maghanap ng designs :D
Day 10 - A picture of your favorite sport or favorite athlete.


ang tanging sport na gusto ko ay professional wrestling at ang favorite wrestler ko ay si randy orton :D na naging crush ko simula pa nung grade five :D hahahaha! so yesterday my goodness! >3<

super fanatic ako ng WWE simula pa nung grade five. pumunta pa nga ako nung raw live tour nung 2006 at survivor series tour nung 2007~ medyo nabawasan lang yung interest ko nung second year highschool kasi nahook ako sa audition. wala ng time manood XD well actually, fan pa din naman ako ngayon. kaso hindi na ko makanood ngayon kasi ang pangit na ng jack tv.

5/26/11

Day 09 - A picture of the person who has gotten you through the most.


oh, it's me :D isn't it obvious? hahahahaha

oo ako nga! hahahaha! aketch at waley ng iba! :D hindi naman kasi ako palakwento ng problema. lalo na yung mabibigat. feeling ko kasi carry ko naman lahat. kaya mas pinipili kong itago na lang. hanggang sa mawala na yung problema :D

sa totoo lang kasi.. hanggat maaari talaga ayokong may nakakakita sakin na malungkot :3 kasi pag nakita nila kong malungkot, tatanungin nila ko kung bakit ako malungkot. kapag sinabi ko sa kanila kung bakit malulungkot, malulungkot din sila para sakin D: huhuhu nakakalungkot kaya kapag nakikita mo yung ibang tao na nalulungkot para sayo (ano ba yan puro lungkot na lang! hahahaha!) basta dapat lagi lang masaya :D yun tipong kahit punong puno na ng problema, nagagawa pa rin ngumiti :D and that's what we call optimism :D

optimism attracts good vibes ♥ always look at the brighter side~ dapat lagi kang mukhang masaya para wala nang nadadamay sa lungkot mo diba? wag mo na sila idamay sa problema mo! malaki ka na! kaya mo na sarili mo! - words from the great pretender :D nyahahahahah biro lang.. hindi ko lang talaga kasi ugali yung mandamay! at manlaglag! hindi bale ng ako na lang ang mamroblema! kesa naman madamay pa yung iba diba diba?

so ayun.. ang dami kong nasabi. hahaha the bottomline is.. kaya hindi na ko humihingi ng tulong sa iba kasi feeling ko wala nang ibang makakatulong sa sarili ko kung hindi ako lang din. - what a selfish bitch ahahahahahahaha

but seriously, kahit sa mga bffe ko or sa sarili kong boyfriend mismo, hirap pa din ako magopen ng problema (what more sayo? chos!) cautious ako masyado e. pakiramdam ko wala na kong mapagkakatiwalaan kung hindi ang sarili ko. - selfish talaga tengene hahaha!

---

oh wait.. i look so sad in that picture, don't you think? pero ang totoo, masaya ako nung araw na yan haha!! magaling lang talaga ko magpretend bwahahahaha buhat bangko mode :D

wait, compliment ba yon? O_O
we're no longer happy :D

5/25/11

Day 08 - A picture that makes you laugh.


how bill gates and steve jobs talk :D hahahahahahaha full view please~

bumenta lang talaga to sakin hahah

we're going down, down in an earlier round
and sugar we're going down swinging..

- teaser ng thanks for the memories yan hahaha malapit na! XD joke lang.

fan ako ng fall out boy e :D
ang dami ko nakikitang sweet sa facebook O________O
sign ba to? hahahahahahahahahaha.

not funny.

5/24/11


practice lang magdrawing.. digitally XD sorry naman, hindi talaga ko marunong sa traditional. huhuhu ewan ko ba kung bakit mas keri ko magdigital tapos traditional hindi D: labo much.

oh well..

may exhibit na ko sa facebook :D (http://www.facebook.com/media/set/?set=a.204498459586300.45277.100000784424018) bwahaha attend kayo dali :D dun ko ipopost lahat ng trabaho (works) na nagawa ko hahahahaha para lamang sa may malawak na pangunawa :3 ayoko masabihang masama dahil lang may mga bagay na hindi maganda sa paningin nila. bakit pa kasi tinitignan diba?! sus
Day 07 - A picture of you and someone you'd be lost without.


nyek malamang kung waley si mother dear, waley din aketch hahahaha :D love you mommah! :D

5/23/11

Day 06 - A picture of a person you’d love to trade places with for a day.


mr. bill gates :D bwahahahahah

gusto ko lang maexperience maging filthy rich! ♥ tapos sa araw na yun, bibilhin ko na lahat ng bagay na kailangan at makakapagpasaya sa mga taong mahal ko :D tapos syempre, bibilhin ko rin yung mga sarili kong luho :D yehey isn't that fun?
huhuhu nakakainis waley ako napuntahang convention ngayong may D: sa june talaga babawi ako ng bongga!! magcocosplay na ko promise! walang kokontra!
may mga taong ang lakas ng loob humingi ng pabor, mamadaliin ka pa, tapos pag hindi napagbigyan (agad) sisisihin ka pa bandang huli, o kaya magtatampo. at ang mas nakakainis pa, pag narealize mong kinakausap ka lang niya pag may kailangan siya. ang galing galing!

anong libro ba pinaglihi yang mukha mo teh? ang kapal e.

5/22/11

ngayon alam ko na kung bakit nila ako napapagalitan pag umaalis ako ng walang paalam :D

nakakainis kasi yon. lalo na pag sayo ginawa. diba?
Day 05 - A picture of you and the person you've had the best memories with.


siya muna bago ang lahat ♥ hahahaha super love ko yan e. kahit anong mangyari. kahit ano pa man ang sitwasyon namin ngayon. kahit minsan gusto ko na siya sunugin sa sobrang inis, love ko pa din yan. hehehe ♥

every moment i spent with this guy is extraordinary :D

i love this! ♥

minus the marcos conspiracy.

hahaha ayos to :D

5/21/11

nakakalungkot. wala pa kong nahahatak na pwede kong isama bukas sa tagcom day 3 D: gusto ko sana yung willing kumuha ng pictures sakin e hahahaha gagawin ko lang siyang photographer ko bukas XD

gustong gusto ko kasi talaga umattend! D: gusto ko makita yung yuyu hakusho group cosplay nila kuya jevin D: sayang ako dapat yung jenny slash botan nila e. kaso nagkaron ng aberya so hindi ako nakasama. di bale no hard feelings naman daw :D pero gusto ko pa din talaga magpapicture sa kanila~

tsaka pupunta din bukas sila tita emily, mama ni ej (pinsan kong cosplayer) sana man lang magkaron kami ng picture para mapakita ko kay madur :3

hay kailangan ko talaga makaattend bukas!! kaso nga ang problema ko waley ako photographer. huhuhu D: ang lungkot lungkot!!
Day 04 - A picture of favorite missed memory.


nanay's 75th birthday :D

ito na siguro yung pinaka namimiss ko.. yung kumpleto kaming lahat ♥ kung umabot pa nga sana si tatay at si tita myr, mas masaya lalo :D pero namimiss ko talaga to. tahimik yung buhay. nung nawala siya, dun nag iba lahat e. hindi ko na alam. basta.

masaya pa din naman kami ngayon :D pero hindi lang talaga maiwasan mamiss yung dati..

i miss you nay ♥

5/20/11

Day 03 - A picture of the cast from your favorite show.


lucky there's a family guy :D

oh i super love this show!! ♥ seth mcfarlane is freakin a genius!

5/19/11

kapag may nakahuli na sayo sa paggawa mo ng maling bagay, hindi mo na kayang kumilos ng walang pakundangan dahil alam mong meron nang mga matang nakatingin sayo kapag ginawa mo ulit yung bagay na yon. hindi mo na din magagawang umasta na parang normal dahil automatically, meron ng gap. kung subukan mo namang bumawi, magimprove or magpaimpress, wala na ding use dahil wala na siyang tiwala sayo. o maaaring isipin lang niya na napipilitan ka dahil napansin na niya yung kasalanan mo.

- e anong pinaglalaban ko? hahahahah waw anlalim! may pinaghuhugutan! deep deepan :D haha johnny deep! hahahahahahhahah :D

ang dami kong iniisip. mga dalawa siguro. hahahahahahahaha dami no? damn. lumulutang ang utak ko ngayon~ la la la :D

good night ♥
gusto ko humingi ng tulong sa mga tao sa paligid ko..
pero bigla kong naalala, lagi nga pala akong solo flight. :D
sariling cheer na lang hahahahahahahahhahaha!

---

ang sakit sa mata.
nakakaantok.

bukas waley na to. :D
‎"lahat ng tao nagsisinungaling.. pati ikaw."
-general sebastiano :D

wooo nakakatuwa na yung minsan lang kita iibigin ngayon :D wahahahah sinusubaybayan ko to e! kaso hindi ko siya nasimulan aww. si coco lang naman kasi talaga ang gusto ko dito ♥ hahahahaha *fan girl mode*

mas gusto ko pa tong minsan lang kita iibigan kesa sa mara clara! nakakainis kasi yung mara clara puro na lang disappointing yung mga pangyayari. sige, si mara na! si mara na lahat! si mara na ang may komplikadong buhay! hahahahahaha
‎"I feel like the Kurt Cobain of my generation, but people just don't understand me."
-Justin Bieber

haaaa?? ano yon?? PAKIULIT NGA?? ahahahahahah

okay.. hindi naman ako hater, at hindi rin ako fan.. pero.. grabeded! hindi ko talaga keri idigest to!! hahahah super asa kasi. alam mo yun? baka nga hindi pa pinapanganak si justin bieber nung nadeads si kurt cobain e! nakakalurkey much tong si beaver ahahahahah havey ang self-confidence teh!! pero waley naman sense!! hahahahah
Day 02 - A picture of you and a friend you have been close with for awhile.


mga classmate ko sa chem :D (wala si angel sa picture)

sila yung mga nakaclose ko nung nagcollege ako sa fatima :D paano ko ba naman sila hindi makakaclose agad e nagiisang matinong subject ko yung chemistry nung first year first sem hahahaha

nakakatuwa sila dahil matured na sila lahat magisip :D open minded! ibang iba sa mga kaklase ko nung highschool na karamihan e makikitid ang utak! kung sa bagay, majority kasi sa mga kaklase ko nung college e 18+ na. ako yung pinakabata that time hahaha :D pero keri lang. lahat naman sila madali pakisamahan :D maliban lang dun sa isa! wahahahahahahah psychotic kasi hahaha

pero sa ngayon, siguro less than five na lang yung nakakausap ko pa din til now. the rest kamustahan na lang tapos waley na. pero ayos lang. hehehe :D

awwww ang cuuuuuurrriiiieeee ♥

hahaha siya si jampong :D pinsan ata ni shayne beybeh :D or pamangkin? nako, hindi pa ko sigurado o! hahahahah basta tuwang tuwa ako sa kanya tuwing pumupunta ko kela shayne beybeh :D kaso palaging ayaw niya sumama sakin e huhuhuhu

anyway, natuwa lang ako sa picture na to :D bukod sa super cute niya, ang dami pa niyang stuffed toys ♥ yehey! - for sure magtataka yung mga nakakakilala sakin.. "at kailan ka pa natuwa sa stuffed toys?" hahahahaha

well, actually, ngayon lang. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!

parang nainspire nga ko mangolekta ng stuffed toys nung nakita ko yung picture ni jampong e! tapos magpapapicture din ako ng ganun hahahaha :D pero ayoko ng teddy bear!!! yun talaga ang hindi ko maappreciate! tsk tsk

another plano nanaman to hahaha. sana magawa ko :D

bigyan niyo ko please please :D

5/18/11

Day 01 - A picture of yourself with fifteen facts.


1. madalas ako napagkakamalang mataray D: mannerism ko kasi ung pagtaas ng left eyebrow kaya nagmumukha akong masungit. at hindi ko yun nacocontrol promise D: pero pag nakilala na nila ko sasabihin nila ang bait bait ko pala ^3^ hahahah well! totoo naman e! mabait talaga ko! kung pwede ko nga lang ibigay yung makakapagpasaya sa lahat ng tao ibibigay ko na e! hahahah ♥

2. super madali ako mapatawa! i find everything funny! even the simplest things :D kahit wala naman talagang nakakatawa o kaya kahit gazillion years ago na ung bagay na un, pag naalala ko ulit ngayon matatawa pa din ako! hahaha tapos sabi pa ni hunneh halimaw daw ako tumawa bwahahahahahahhhahahahsakhdaslkdjalsjd (parang ganito lang oh)

3. minsan parang ayoko makipagkilala sa mga tao dahil pakiramdam ko ang pangit ko T^T sa pictures lang ako mukhang tao. pero alien talaga ako sa personal. - totoo to promise.

4. i love arts ♥ but i don't know how to draw D: well, kaya ko naman.. pero hindi ako magaling D:

5. tuwing pagtapos ko uminom ng kape, pakiramdam ko natatae ako D: balak ko nga tanungin si kuya kim sa twitter kung bakit ganun e. hays.

6. i super love the beatles! ♥ kahit hindi na sila uso sa edad ko, love na love ko pa din sila! haha kaya nga natutuwa ako makipagusap sa mga ka-age ko na fan din ng beatles. nararamdaman kong hindi ako nagiisa! woo hoo :D

7. crush ko si coco martin!! ♥ ♥ ♥ pero hindi naman ako fangirl o stalker. gusto ko lang talaga siya ♥

8. ang dami kong gusto icosplay pero wala pa din ako nasisimulan hanggang ngayon.. hay puro plano.. hayaan niyo! pag sinipag ako!! (waw kelan kaya yon?) hahahahahaha joke lang! basta :D

9. hindi ako agad agad nacoconvince ng mga kwentong barbero :D alam mo yun? yung mga kwentong walang scientific explanation. gusto ko kasi laging may proof. kaya kung walang basehan yung kwento mo, wag mo aasahang maniniwala ako :D baka mabara pa kita hahahahah

10. mahilig nga pala ko makipagdebate ♥ at hindi ako basta basta nagpapatalo! :D paninindigan ko talaga kung ano yung pinaniniwalaan ko!! - may pinaglalaban teh?! hahahaha

11. ayokong nakakarinig ng ingay kapag nagfofocus ako sa bagay na ginagawa ko. nakakadistract kasi.

12. hindi ko kayang magblog kapag may taong nagbabasa ng sinusulat ko :O kunware habang nagtatype ako, may nanonood sa likod hahahaha yung ganun ba. kahit sabihing dedmahin ko lang, hindi ko pa din kaya hahahaha

13. sa ngayon, si jep na yung gusto ko maging lifetime partner :D alam kong maaga pa para magdecide.. pero gusto ko talaga e hahahahaha ♥

14. lately nagkaron ako ng bilbil sa chan D: huhuhuhu matagal ko na gusto tumaba pero ayoko ng ganito!! ang payat payat ko pero may bilbil ako huhuhu ang sagwa nakakaturn off haha!!

15. once in a blue moon ako magpants :D hahahaha mas madalas ako magskirt at magshorts. huwag kayo magpalinlang sa picture na nilagay ko haha bihira niyo ako makikitang ganyan hahahahaha

5/12/11

dumodora!! :D nyahahahah


hindi ito wig :D
hindi rin ako nagpaikli ng buhok :D
ginamitan ko to ng kapangyarihan ♥ bwahahahah

ginupit ko ung bangs ko tapos sabi ni jep pangit daw D: huhuhu echosero!!

pake niyo ba?!
minsan masaya ko.. :D
minsan parang hindi..
pero madalas malabo ako kausap haha!

basta kung ayaw niyo maguluhan, wag ninyo kong kausapin bwahahah :D

---

ohh.. bihira ako magblog nitong huli..
masaya kasi ang buhay ko ngayon kaya wala kayo makukuhang na chismis haha!!

chaka tinatry kong magexplore ngayon :D
bukod sa pagbloblog, gusto ko iexpress ung sarili ko sa iba pang bagay.
but it doesn't mean na titigil na ko magblog! i love blogging! ♥ i love it so much that i'm willing to sacrifice jep's life for it :D bwahahah joke lang. basta.

siguro kapag nakapagpalit na ko ng layout, maguupdate na ulit ako dito madalas :D
sa ngayon pinagaaralan ko pa ng bonggang bongga ung dreamweaver.
tae kung kelan gumamit ako ng program para sa coding chaka naman ako nahirapan!
labo talaga. haha.

basta hintayin niyo na lang :D (nakakailang "basta" na kaya ako?)

5/10/11

gwapo talaga ng boyfriend ko tsk tsk. hahaha!


galing nung time oh :D saktong 6 minutes palang kami naguusap~
di ko sinadya yan ha! overwhelmed pa nga ko nung nakita ko hehe ♥

5/9/11

drawn by geib, colored by me :D


happy birthday yamada ryosuke :D

here's the original copy:


di ko natrace ng maayos kasi mouse lang gamit ko D: huhuhu
pero kahit di naman kami close ni yamada, nagenjoy ako dito haha!!
nakakapagpractice ako ng digital drawing/coloring yay :D
mas masaya siguro kung nakatablet ako woooohh hahahahaha

5/7/11

eto banat.

amoeba ka ba?

.
.
.

wala ka kasing buto e.

bang bang dead!!!
nandito ko ngayon sa amana waterpark :D yay! sumama lang kami ni ate jeni (and ej) sa outing ng family friend. kaclose naman e so keri lang!

dapat talaga ngayon un swimming ng charism kaso waley naman interesado. kung kelan last minute tsaka nagatrasan. ay sos! magugulo kausap. leche. hinding hindi na talaga ko magaaya ng lakad sa kanila KAHIT KELAN.

anyway, dinala ko ngayon dito sa amana ung laptop at globe tattoo. wala kasi talaga ako balak magswimming kaya naisip ko magcocomputer na lang ako :D naexcite lang kasi ako masuot ung bago kong sunglasses :D bwahahahahahah


oha jumajohn lennon!! hahahahahahaha :D


natuwa lang ako number 6 ung cottage na nasa likod namin :D hahaha

okay, mamaya na lang ulit ako magoonline.
super hina ng signal ng globe dito huhuhuhu D:

5/6/11

nakakabastos.
dalawang meaning.

shit.

---

i swear i will NEVER EVER do it again.
"never" is a strong word and i don't use it just anywhere.
this time, i'm serious.

5/5/11

nagenjoy ako sa pagtambay sa aquino kanina :D
it's almost been 4 years~

i don't really mind what's going on between my parents and aunts/uncles.
it's none of my business anymore.
the thing is, i missed my cousins, nephews and nieces so much and i have nothing against any of them :D i'm gonna hang out with them whenever i want to.

siguro mapapadalas ang pagtambay ko sa aquino hanggat wala kaming net~

---

oh well, at least my day didn't end very badly.
at isa pa, dapat talaga maging good mood ako ngayon :D
dahil pupunta pa ko sa birthday ni booh bukas hahahahaha yehey!
kung kelan sinusubukan ko nang ilapit ung sarili ko sa kanya,
tsaka naman kami nagkakaron ng matitinding problema..
na pwedeng maging dahilan ng paglayo ng loob ko sa kanya.

gaya nga ng lagi kong tanong..
"bat ganito? bat di na lang ganon?"

sa mga gantong pagkakataon ako nacoconfuse.
hindi ko kasi talaga maintindihan.
gusto ko siya tanungin para malinawan ako.
di ko lang magawa.

pero sigurado akong di to dahil sa pride.
kundi dahil.. di LANG naman ako ang may kasalanan.
kaya bat ako ang lalapit?

haller! di ko naman un gagawin ng walang dahilan.

sa ngayon, di na ko nakakaramdam ng inis o galit.
di ko din alam kung bakit pero walang nabago sa feelings ko para sa kanya.

pero di ko maiwasang malungkot.
nalulungkot ako para saming dalawa.
pano kami tatagal ng decades kung maliit na bagay lang pinagtatalunan pa?

nakakalungkot talaga.
nakakadisappoint ng bonggang bongga.

5/4/11

i can make people believe that i'm happy because i'm good at pretending :D

mas pipiliin kong malungkot..
kesa magalit :D

5/2/11

do you wanna know the joke of the day?
get ready to laugh :D

habang naguupload ako ng pictures sa facebook kanina, katabi ko si ianne tapos bigla niyang sinabi na..

kamukha/kahawig ko daw si angel locsin. (woah woah woah?!?!?!)

sa pictures. (daaaammmnnnn!!!!!!!!!!! nigga!)

lang. (hahahaah na lang!)

SHIT!

oo, isang malaking SHIT talaga!!
hahahahahahahahahahahhahahahaa!!

tapos bigla ko lang naalala, nung sa aquino pa ko nakatira,
nung grade 6 ako, meron meh crush sakin, raprap ata pangalan nun,
ang tawag niya sakin angel.

tapos nung first year, kaklase ko si ruffa zulueta.
one time nasa loob kami ng cr, bigla niya kong tinanong.
meh nakapagsabi na daw ba sakin na kahawig ko si angel?

tapos kasama ko un f4 at si olivia at si jacinto.
naglalakad kami along recto papuntang lcc-mendiola.
biglang sinabi ni geib na kahawig ko daw si angel.
lalo na pag nakataas ung kilay ko hahahahahah!
kaya siguro mannerisms ko na ung pagtaas ng kilay haha!! echos!

hahahahahahah talagang tanda ko pa e no?!
di naman ako masyadong naflatter sa lagay na to?
di halata? hahahahahaha!!!!!!

hinde.. un na kasi ata ung most random compliment na natanggap ko.
or pwede ding most random insult dahil baka sarcasm lang ang lahat ng yon! hahah!
di ko kasi talaga alam kung saang anggulo nila nakikita un e.

siguro kung angel condensada ang kamukha ko matatanggap ko pa hahahahaha!!
but hello! angel locsin yon pare. one of the hottest filipinas! damn!
nagkataon pa naman na siya ung pinakacrush kong local celebrity.

kung ako ung nasa katayuan ni angel locsin, tapos sinabing kahawig ako ni jiashi parang di ko matatanggap! hahahahah nakakahiya sa part ni angel diba diba?! haha

hayyy.. lapitin talaga ako ng mga tao at kaibigang mapang uto :D
porket uto uto ako masyado nila kong pinagsasamantalahan (pangit ng term hahaha)

anyway, i love you friendsss ♥
mapa-real mapa-fake love ko kayo promise!
haha ganito ako kabait :D
mabilisang update.

- nakalipat na kami ng bahay :D (actually nung isang araw pa, ngayon ko lang kasi naupload ung pictures) mas maliit to kesa sa dati naming nirerent pero mas malinis! walang ipis, daga, lamok, etc. ang ayaw ko lang talaga e medyo masikip. o sadyang madami/malaki lang ung mga gamit namin? at tsaka pala ayoko din nung mga tambay sa labas. lalo na pag gabi. sabi pa ni kuya jay madami daw loko loko dito. nako.






- tumulong ako sa paglipat ng gamit at paglinis ng bahay. after nun nagkaron ako ng mga sugat sugat na hindi ko alam kung saan at paano ko nakuha D: masakit huhuhu pero medyo magaling na ngayon :D


- bumili kami ng hamster :D isang white (lalake) at brown (babae) kay ej ung white akin un brown~ pinangalanan niyang thomas the train ung kanya tapos ung akin naman pinangalanan kong chicken :D si chicken ay isang evil hamster! kinagat niya ko nung bagong bili pa lang namin sa kanya, tapos lagi niyang sinusugod si thomas sa cage D: matakaw din siya at posibleng mapunta siya sa hell dahil sa gluttony hahaha next time na lang ako maguupload ng picture.

- "naglalaban kami ng panahon ngayon.. kung sino ang mas HOT!" char!!! hahahahahah ay nako. sino ba namang matutuwa sa napakapangit na panahon ngayon?! kahit magtanggal ako ng bra pag matutulog, mainit pa din talaga. kulang pa ung dalawang ligo sa isang araw. gusto ko pumunta sa states!! huhuhuhuhu gusto ko humiga sa snow D:

- shit pinipimples pa naman ako pag mainit D: huhuhuhu parang ayoko na tuloy sumali sa group cosplay sa tagcom! nakakababa ng confidence D:

- pumunta ko sa aquino kaninang gabi. nakakatuwa makipagbonding sa mga pamangkin ko na kaclose ko dati pa. mga nagdadalaga at nagbibinata na. nakakatuwa :D (pero nakakalungkot din dahil dun ko nafifeel na tumatanda na ko huhuhuhu) ang laking lalake na ni dredd ngayon. 4 years ago nung dun pa ko nakatira sa aquino, mas matangkad pa ko sa kanya. pero ngayon, he's 15 at mas matangkad pa ata siya sa tatay ko. ako lang ata ang di tumangkad hahaha :D pero keribels lang ng kilay ko. char!

- mas malapit na sa aquino tong bagong nirerent namin na bahay so baka mapadalas ang pagbisita ko dun :d yehey!

- nagpasama din pala ko kay dredd at ianne na magisaw party :D pero ako lang ang kumain dahil nahihiya ata silang dalawa sakin hahaha ang dami kong nakain na isaw dahil ang sarap sarap nila huhuhu tapos ngayon meh naiwang tinga sa ngipin ko na ang hirap hirap tanggalin! sumasakit na nga un dila ko di ko pa din matanggal D: ayoko bumaba ngayon para kumuha ng toothpick dahil madaling araw na at natatakot ako. haha kainis.

- waley pa din kami internet hanggang ngayon, nagtitiis lang ako sa broadband para at least makausap ko si jep kahit paano. kaso masyado siyang busy sa mga bagay na di ko alam kaya tuloy di din kami nagaabot. oh well.

- i'm so disappointed in you.

uhh, what else?
three chances.

starting today.

5/1/11

nakakalungkot isipin.
ayoko na lang magisip para di ako nalulungkot.

nakakainis.
pero ano ba namang magagawa ko?

sabi nga ni tae kyung sa you're beautiful,
"when you feel bad, you lose."

pag hinayaan kong mainis ako, talunan ako.
dapat chill lang :D para good vibes!

---

hay, sana magkainternet na kami D:
ayoko na ng ganitong sistema.
buti sana kung kahit wala kaming net e nakakagala ako.

naalala ko pa ung nawala kong pera.
tangina. 500 na lang talo talo pa?!
sana pala dineposit ko na lang un agad.
waley tuloy ako panggastos ngayon. tsk.

ayoko na magisip at magtanong kung sino kumuha ng pera ko.
feeling ko naman di dito sa bahay un nawala e.
pwedeng ung mga tumulong samin maglipat.
pwede din namang dito nga talaga sa bahay.

bahala na.
bahala na kayo.
bahala ka.