4/28/11

mag naginvite pala sakin kagabi na sumali sa group cosplay! :D
ung nakita kong naggroup cosplay ng one piece nung ozine fest.
nagpapicture ako sa kanila nun e tapos nakilala ko sila sa facebook~

tapos un nga, ininvite nila ko sumali sa group cosplay nila sa tagcom.
this time, yu yu hakusho (ghost fighter) naman sila!! :D
may eugene na, alfred, dennis at vincent. at may master jericho din!
tapos ako inaaya nila magjenny para sa kanila ahahahahahahaha!!


sabi ni jevin nagrereflect daw si jenny sakin kaya ako napili niya!
waw naman?! utuan ba? hahaha chos!
nakakalurkey no? parang di naman totoo haha!! XD

sa totoo lang, interesado ako :D exciting e! bagong experience!
nagplaplano na din ako matry ung cosplay e :D parang opportunity na to :D
plus, kahit paano aware ako sa character na inoffer sakin! bonus na un!

pero.. medyo nakakapressure din pala to.
if ever matuloy, first time ko kaya un! tapos by group pa kagad! haha

namromroblema din ako kung sino isasama ko sa tagcom!
baka waley gusto sumama sakin nun kasi di ko sila masasamahan all the time.
di naman pwedeng humiwalay ako dun sa group cosplay diba?

tsaka malay ko.. baka wala talaga sa linya ko ung pagcocosplay.
frustrated cosplayer lang talaga siguro ako.
at mas pipiliin ko maging photographer na nasa likod ng camera.
kesa maging model na pinipicturan ng iba. huhuhuhu
oo mahilig ako sa picture picture pero gusto ko ako ang kukuha sa sarili ko~
o kaya maghihire ako ng sariling photographer ko hahahaha

sa ngayon, 50-50 pa ung desisyon ko.
medyo mahirap din kasi tumanggi dun sa mga naginvite sakin :3
super nice kasi sila! promise! bago pa nila ko iinvite sa group cosplay, nakakausap ko na din ung iba sa kanila tapos uber bait talaga! waley ako ma-say hahaha!!

hay basta, gulong gulo pa ang isip ko sa ngayon.
ganto talaga pag first timer. natatakot ka na mapahiya dahil baka di mo magawa ng maayos ung isang bagay kasi nga unang beses mo pa lang.

mababa pa naman self-esteem ko. huhuhuhu

somebody cheer me up with cheerdancers :D bwahahah

---

naalala ko tuloy ung isang episode ng my friends tigger & pooh.
super daming binigay na waterlemons ni rabbit kay piglet kaya sabi ni piglet:

"it's hard to say 'no, thank you' to someone who is being nice to you."

hahahahaha disney has it's own depth too :D