3/15/11

ang weird kanina nung dalawang nakasakay ko sa jeep. isang bata na 5 years old lang siguro tapos kasama yung nanay niya. yung bata ang ingay ingay sa jeep, sumisigaw, nagsasalita magisa, sinasabi niya "eww ayokong madikit sa mga taong katulad niyo!" tapos biglang nandudura! shit! e katabi ko pa naman yun! tapos naririnig ko nagkwekwento siya tungkol kay snow white at pitong caballero! wahahahah sobrang weird! nabwibwisit yung nanay niya dahil sa sobrang likot at ingay niya kaya pinapalo at minumura siya ng bonggang bongga! kung makapagmura yung nanay akala mo hindi niya anak yung pinagsasabihan niya. oo, sobrang likot nung bata, pero hindi naman makatarungan na murahin niya yung anak niya sa harap ng maraming tao. nagtitinginan na nga yung ibang mga nakasakay e. pero yung bata tuloy pa din sa paglilikot at pagiingay. ang kulit sobra. tapos maya maya, naririnig ko yung nanay bumubulong ng kung anu ano. akala ko kinakausap niya lang yung anak niya, pero yun pala nagsasalita lang siya magisa! tsk tsk. baliw yung magnanay :O