3/7/11

ahahahahahahahah nakakatuwa naman to! para siyang kinakatay kung makaiyak! super duper mega ultimate affected to the highest level? hahaha dalang dala siya ng emosyon niya sa panonood ng mara clara! hahaha sayang, hindi ko masyadong nasubaybayan yung mara clara ngayon D: pero kahit naman masubaybayan ko hindi naman ako hahagulgol ng ganito! siguro mapapamura lang ako ng bonggang-bongga sa inis kay gary hahahahaha yung tipong gusto ko na siya sunugin! XD

anyway, tinanong ko kay ate kung ganun din katindi yung mara clara dati. ang sabi lang niya sakin, hindi yon tatagal ng taon yung mara clara kung hindi yun naghit! oo, ngayon ko lang nalaman na years pala ang tinagal nung lumang mara clara! 1992 to 1997! dun na daw nagdalaga si judy ann at gladys! nyahahahahahah tapos yung gumanap na gary dati (eruel tongco) mas nakakatakot at mas nakakainis na gary!! yung tipong hindi pa siya bumibitaw ng linya, galit na galit ka na agad! hahahahahahah kaso namatay pala siya nung 1996, habang pinapalabas pa yung mara clara D: hindi ko na masyado marecall yung mara clara dati dahil 3 years old pa lang pala ako nun. kaya nga parang gusto ko ulit panoorin yung lumang mara clara e. meron kaya sa dvd nun?

hays, gusto ko tuloy pumunta ng quiapo ngayon at mamirata ng bonggang bongga! ahahahahahah